Chapter 29.1.2

Magsimula sa umpisa
                                    

"Janella, wait!" Malakas pang pagtawag niya pero mukhang hinarang siya ni Carl at lalong lumakas ang pagsigaw niya!

"What the fck?!" Halos pabulyaw na sabi lang niya kay Carl na hindi man lang nagpatinag.

Nagtago ako sa may kusina at huling-huli ko ang paninitig ng mga nandoon dahil sa pag-iyak ko. Napasilip na rin sila sa labas dahil sa sigawang nagaganap sa pagitan nina Carl at Dalton. Hindi ko na sila narinig nang may kumabig ng pinto sa kusina. Lumabas ako sa back door at doon ay ibinuhos ko ang luha ko. Parang replay lang ang nakikita kong eksena nila ni Eleonor sa utak ko. Hindi ko kaya. Masyadong masakit.

Pero agad ulit akong napakubli nang marinig ko ang malakas na boses ni Dalton. Parang galit na galit! Sinilip ko siya mula sa kinaroroonan ko at kitang-kita ko ang aburidong pagmumukha niya habang iiling-iling na nakahalukipkip lang si Vaughn. Kung hindi ako nagkakamali ay iisang sasakyan lang ang dala nila at mukhang Hilux pa ni Vaughn.

"Who the fck he think he is huh?!" Kuyom ang palad ni Dalton habang panay ang maninipis na mura at martsa sa harap ni Vaughn.

"Hindi natin territory 'to, Ton! You fcking need to calm down! Jeez!" Napakamot lang ng ulo si Vaughn at irritable ring naupo sa likuran ng Hilux.

"How can I fucking calm down?! I missed my girl!" Mariin ko lang kinagat ang aking labi sa kanyang sinabi at parang tumagos 'yun ng husto sa dibdib ko. I missed him too.

"How do you think she'll react with you huh?" Irritable pang tanong lang ni Vaughn habang pinagmamasdan ang padabog na pagmamartsa ni Dalton sa harapan niya. "Oh Dalton, I miss you so much. I love you. Fck!" Tila panggagaya pa ni Vaughn sa boses ko at wala ni isang bakas nang ngiti sa mukha ni Dalton. "Tantanan mo nga 'yan! Nahihilo ako sa'yo! Fck!"

"Did you the see the look on her face?! As if I did not exist?"

"Can you blame her?!"

"Fck!" Ginulo niya ang kanyang buhok sa pagkairita at sa halip ay umupo na lang din sa kabilang side ng Hilux. Panay ang hugot niya nang malalim na buntong-hininga at igting ang kanyang panga sa pagpipigil ng emosyon. "'Wag lang magpapakita sa akin ang gagong Carl na 'yan! Lulumpuhin ko talaga siya!"

"You need to relax, dude." Tinapik pa niya sa balikat si Dalton na salubong na salubong pa rin ang kilay. "Hindi ka makakalapit kay Janella kapag pati 'yung gago na 'yun ay ginalaw mo. He owns the place remember?"

"I don't fcking care! I would be willing to buy the entire place just to keep his hands off my property."

Parang napangisi lang si Vaughn at umiling-iling. Wala sa loob kong napatitig kay Dalton na tila nga nangangalumata.

"I never imagined I'll see you like that, Ton." Natatawa pang sabi lang niya at sinamaan lang siya ng tingin ni Dalton.

"Don't even start!" Irritable pa ring sagot lang niya at napahalakhak lang ng malakas si Vaughn. Halos pagtinginan sila ng mga babaeng dumadaan at parang wala lang din silang pakialam na dalawa.

"Do I have to leave you here?"

"Are you going home already?"

"Nah, not so soon. Gusto ko munang matulog nang mahaba-haba." Itinaas niya ang kanyang dalawang paa at sumandal. Napilitan akong maupo sa sahig dahil sa pag-aalala kong makita niya ako. "She won't be easy on you, dude. You'll shit bricks for sure."

Hindi siya nakasagot agad at humugot muna nang isang malalim na buntong-hininga bago sumagot. "I know..."

"Matulog muna tayo, dude. I am so tired." Naghihikab pang sabi ni Vaughn.

"Okay. I'll just text her." Matamlay pang sabi lang niya at noon na nga niya dinukot ang kanyang cellphone.

Hindi nga nagtagal ay naka-received ako ng message na galing sa kanya.

Fr: Ace

I'm sorry. But can we please talk? Please? I miss you so much...

Pagkabasa ko pa lang noon ay napaiyak na lang ulit ako at mariin kong tinakpan ng palad ko ang aking bibig upang pigilan ang paglabas nang ingay. Matagal na nakatitig sa kawalan si Dalton bago sila magdesisyong umalis na. May parte sa akin na gusto siyang sundan at pigilan. Pero mas nangibabaw ang sakit kaya't sinundan ko na lang ng tingin ang papaalis nilang sasakyan.

~~

Hindi pa man halos lumilipas ang maghapon ay muli ko na namang namataan sina Dalton at Vaughn na naghihintay sa labas. Hindi ko tuloy malaman kung paano ako uuwi dahil talagang masama ang pakiramdam ko. Nagpasama ako kay Carl dahil ilang blocks lang naman ang layo ng bahay nila. 'Wag na lang sana gumawa pa ng gulo itong si Dalton.

"Pumpkin!" Mabilis pang lumapit sa akin si Dalton gamit ang kanyang mapupungay na mga mata. Mas lalo kong nakita ang medyo pangingitim ng paligid ng kanyang mga mata. Obvious na wala pa siyang tulog.

Agad na humarang si Carl para itago ako at agad na nagdilim ang kanyang ekspresyon. Si Vaughn ay nakakunot lang din na tila handang rumesbak kung may hindi man magandang gawin si Carl.

"Pumpkin, can we talk please?" Sumamo pa niya at nag-iwas ako nang tingin. Hindi ko kayang titigan ang bughaw niyang mga mata. Pakiramdam ko kasi'y bigla na lang akong bibigay at yayakapin siya.

"She doesn't want to talk." Matigas na sabi lang ni Carl at bahagya ko lang siyang hinila sa kamay. Ayoko ng magkagulo pa sila ni Dalton.

"I am not talking to you, assh0le! Do you mind sticking off your nose out of our business?!" Nag-igting ang kanyang panga at kumuyom ang kanyang palad. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Dalton!" Saway ko pa at agad namang lumambot ang kanyang ekspresyon.

"Pumpkin..."

"Tapos na tayo. Makakauwi ka n-na." Pinilit kong tigasan ang boses ko kahit na sa totoo lang ay sobrang hirap sabihin ng mga salitang 'yun. Tila hinihiwa ko ang sarili kong puso sa sinabi kong iyon. Pero kailangan kong sabihin 'yun para lubayan na niya ako. Alam ko ang nakita ko at hindi ako dapat magpakatanga pa. Hindi ko kayang may kahati. Hindi ko kaya.

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon