♫♪ Baby I

Baby, I will

Baby, I will be your everything ♪♫

♫♪ No matter what you do, yeah

Oh, I'll be there for you

And everytime you close your eyes

I will be by your side

'Cause everytime you make me sing

Baby, I will be your everything ♪♫

♫♪ I'll be your shelter

I'll be your storm

I'll make you shiver

I'll keep you warm

whatever weather

Baby, I'm yours

Be your forever, be your fling

Baby, I will be your everything ♪♫

♫♪ Baby I

Baby, I will

Baby, I will be your everything ♪♫

♫♪ Baby I

Baby, I will (I'll be your storm)

Baby, I will be your everything ♪♫

♫♪ Baby I (Yeah, yeah)

Baby, I will

Baby, I will be your everything ♪♫

Tinapos na niya ang pagkanta at hindi ko alam kung talaga bang sobrang ingay sa paligid o tanging puso ko lang ang naririnig ko.

"I love you so much, pumpkin. I don't know if I was expressing it right. But damn! Infront of this people, I want to tell you that you're my girl. You're mine and I am yours, pumpkin."

Napaluha ako sa kanyang sinabi at nanginig ang aking labi. Hindi ko naman hiniling sa kanyang gawin niya ito, pero para maiparamdam lang sa akin kung gaano niya ako kamahal ay ginawa pa rin niya.

My Ace...

Umakyat ako sa mini stage at naglakad palapit sa kanya. Binitiwan niya ang kanyang gitara at walang pag-aalinlangang hinalikan ko siya sa harap ng maraming tao. Napuno ng palakpakan at hiyawan ang buong paligid. Pero wala na akong pakialam. Gusto ko lang ding iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya.

Hinapit niya ako sa baywang at mas pinalalim pa ang paghalik sa akin.

"Now, this is too much PDA." Mahinang bulong pa niya at napangisi sa labi ko.

"I know..." Pero sa halip na pakinggan siya ay patuloy ko pa rin siyang hinalikan. Napahigpit ang yakap niya sa baywang ko.

"Stop initiating, pumpkin... Everybody will notice my bulge in here." Natatawa pang sabi niya at hindi ko rin naiwasang mapahagikhik. Alam na alam ko na ang ibig niyang sabihin.

He's still Ace after all.

~~

Kinabukasan, araw ng Linggo ay halos sabay kaming nagising ni Nanang kaya't tinulungan ko na lang muna ulit siya sa kusina. Karaniwan sa ganitong araw ay nagsasabay ang pamilya Samaniego sa pag-uumagahan. At siyempre pa, mas maganda ang araw sa tuwing makikita ko ang mukha ni Dalton.

"Eleonor is back in town, Dalton Ace." Nakakunot na sabi pa ni Señor Antonio. Mukhang wala sa mood.

"Oh yeah." Walang interest na sagot lang ni Dalton at hinapyawan lang ako nang makahulugang tingin.

"Siguro naman sapat na ang oras na ibinigay namin sa'yo ng mama mo." Seryosong sabi pa ng señor at gan'un na lang ang gulat ko ng hapyawan din niya ako nang tingin. Parang ibig kong mapaso na ewan kaya't nag-iwas na lang ako at nanatiling wari ay hindi nakikinig.

Abala kami ni nanang sa pagpupunas ng mga kubyertos at tanaw nila kami mula sa aming kinalalagyan.

"What are you trying to say?" Napakunot lang si Dalton dahil kahit ako ay parang nahuhulaan ko na ang ibig nilang ipahiwatig sa mga salitang iyon.

"We'll pursue with the wedding the soonest possible time, Dalton Ace." Ang señora Alona ang nagsalita at kasing seryoso din ng Señor ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"W-what?" Agad na naibaba ni Dalton ang kanyang kutsara at wala na naman sa loob niyang sumulyap sa akin.

"You heard us right, Dalton Ace. Now that she's back, we need to plan this wedding." Tiim-bagang ang señor Antonio. Nanatili akong nakayuko dahil kinakabahan akong hindi ko mawari.

"We're over a long time ago. I don't think that's even possible now." Seryosong sagot lang ni Dalton at kitang-kita ko ang paghugot niya ng malalim na buntong-hininga.

"We're not giving you a choice, Dalton Ace." Matigas na sabi lang ng señor. "Pakakasalan mo si Eleonor."

"I am not marrying her. No way." Matigas na sagot lang din ni Dalton sabay tayo sa hapag kainan.

"We're not done talking to you!" Matigas na sabi ni señora kaya't panandali siyang natigilan at binalingan ang mga magulang.

"Before you even tried walking out on us, maybe we can talk at the study room." Seryoso pa ring sabi ng Señor sabay senyas sa asawa nitong agad ding tumayo.

Napabuga lang nang hangin si Dalton at muli akong tinapunan ng makahulugang tingin bago sumunod sa kanyang mga magulang.

At naiwan akong takot at kinakabahan. Magpapakasal? Papayag pa rin kaya siya sa gusto ng kanyang mga magulang? Ano nang mangyayari sa aming dalawa?



TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon