********

JANELLA RAYNE's POV

Nang magpaalam si Dalton na magcomfort room lang saglit ay nagtitingin muna rin ako sa mga tiangge para maghanap ng kung anong mabibili. Sa totoo lang ay wala naman din sa plano ang simpleng date namin na ito. Supposedly, dinner out lang naman talaga. Pero para na ring pampalipas oras ay naisipan na rin naming magikut-ikot.

Sa totoo lang ay mahirap na kasama si Dalton sa ganitong lugar. Masyado siyang takaw tingin lalo na sa mga babae. Hindi ko naman masisisi ang mga babae dahil sobrang gwapo naman talaga ng boyfriend ko. Haist... pero ginusto at pinasok ko 'to. Ang magagawa ko na lang ay pagtiwalaang ako lang talaga ang babaeng mamahalin niya simula ngayon. Alam ko naman ding nage-effort siya para iparamdam iyon at 'yun na lang siguro ang dapat kong panghawakan.

Pero hindi pa man ako nagtatagal sa pagtingin-tingin ay bigla kong naulinagan ang isang pamilyar na boses!

"Pumpkin, come over here. Where are you?" Dalton?

Agad akong napasilip sa may stage at ayun nga! Siya nga ang nagsasalita! Anong ginagawa niya dun?!

"Oh there you are!" Ngiting-ngiti pang sabi niya. "Come over here, Janella Rayne." Malambing pa niyang sabi at ibig ko nang lumubog sa sobrang hiya dahil pakiramdam ko ay lahat na lang ng mga taong nandoroon ay sa akin nakatingin! Oh my God!

"Ace, what are you doing?!" Halos walang boses na sabi ko at napailing lang siya habang panay ang senyas na lumagay ako sa harapan niya.

May mga narinig akong naghiyawan, kinilig or what pero mas malakas ang dagundong ng puso ko sa mga pagkakataong iyon. Haharanahin na naman ba niya ako? Lasing ba siya?!

"This is for the girl that I love the most. Ang unang babaeng nasundan ko nang wala sa oras. She's the most beautiful woman I've ever seen. I love her with my all my everything. Janella Rayne, pumpkin... I knew I'm a jerk. A messy guy. I'm not superman but I hope you still love me as I am. This song goes out for you, pumpkin." Mahabang litanya pa niya habang titig na titig sa akin. Kinagat ko lang ang daliri ko para pigilan ang kilig at emosyon.

Agad niyang tinipa ang gitarang inabot sa kanya nung lalaking vocalist at kumindat pa sa akin. Haharanahin talaga niya ako? Seryoso?

♫♪ Four letter word

but I don't have the guts to say it

Smile 'til it hurts

let's not make it complicated

We've got a story

and I'm about to change the ending

You're perfect for me

And more than just a friend

so we can just stop pretending now

I gotta let you know somehow ♪♫

♫♪ I'll be your shelter

I'll be your storm

I'll make you shiver

I'll keep you warm

whatever weather

Baby, I'm yours

Be your forever, be your fling

Baby, I will be your everything ♪♫

Kinilabutan ako sa klase nang kanyang pagkanta at hindi ko naiwasan ang magluha. He's not perfect I know. Pero alam kong mahal ko siya sa kabila nang lahat. Sa kabila nang pagiging babaero at mabola niya sa ibang babae, mahal ko siya.

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Where stories live. Discover now