"Joke lang, 'to naman! Hahaha. Nakakantok kasi silang magturo eh.. pati utak ko inaantok makinig," sabi nitong napapakamot pa sa ulo.

"Nakakaantok ka daw din kasing turuan kaya ganun. HAHAHAHA," asar ko dito.

"Heh."

Pagkatapos ng self-defense class ko ng Sabado dumiretso na ako sa kanila. Mabuti nga kasi isang subdivision lang sila ni Chan-Chan at apat na bahay lang naman ang agwat. Nakita kong excited na excited si Charlie at tango lang ng tango sa Mama niya na ang dami yatang binibilin.

Ibinilin din sakin ng Mommy niya si Chan-Chan kaya tawang-tawa ako kasi nakikita kong walang magawa si Chan-Chan kundi ang umoo na lang kahit namumula na siya. Sabi kasi ng Mommy niya sakin huwag ko daw pabayaan ang baby niya, 'pag daw may mangyari sa baby niya tumawag daw agad ako. Kaya binigay nito sakin ang listahan ng landline at cellphone numbers nito. Ngumiti na lang ako at tumango bago kami nagpaalam pero sa isip-isip ko talaga, humanda mamaya sa bahay si Chang. Hahahaha.

Pagpasok ng kotse sa gate ng bahay ay literal kong nakitang ngumanga sina Charlie at Chan-Chan. Tinignan ko din kung ano ang kakaiba sa bahay. Wala naman. Natawa na lang ako sa reaksyon ng dalawa.

"B-Bespren, ba't ang laki-laki naman ng bahay niyo?" Nalululang sabi nito habang si Chan-Chan ay walang kurap lang na nakatitig sa bahay.

Nagkibit-balikat lang ako. "Ewan ko, siguro dahil marami kami? Hehe. Tara pasok na, nagugutom na ko."

Dahan dahan pa ring maglakad si Charlie habang iniikot ang mga mata kaya hinila ko na sila ni Chan-Chan papasok ng bahay para ipakilala kina Mama at ng makapagmeryienda na kami. Iniakyat na ng mga kawaksi ang mga gamit nila sa kwarto ko dahil sabi ko doon na kaming tatlo matutulog. Medyo nag-alangan si Mama kasi lalaki pa rin daw si Chan-Chan kahit sabihin pang mas malamya pa 'to samin kumilos ni Charlie hahaha.

Pero dahil nagulat si Mama sa pagiging madaldal ko ng araw na yun at salamat sa dalawang kupal na 'to ay pumayag din siya sa bandang huli. Bukod sa baba kasi ang mga guest rooms hindi naman talaga kasi ako palasalita sa bahay. Natuwa tuloy siya lalo sa dalawa dahil hindi naman daw pala ako introvert. Nung umatend kasi siya ng moving up ko ng elementary wala naman akong pinakilalang kaibigan.

Pagkatapos ko silang iikot sa buong bahay ay umungot na si Charlie na magswimming. Akmang tatakbo na 'to ng pigilan namin ni Chan-Chan sa magkabilang kamay.

"Mag-aaral muna tayo bago magswimming," sabi dito ni Chan-Chan.

"Lalo ka na. Mahiya ka nga sa grades mo." Sabi ko ditong pinandilatan ko pa ng mga mata.

Napakamot na lang to sa batok at walang nagawa kundi ang sumunod samin sa library.

Nine o'clock kami nagsimulang magreview. Ako gumagawa ng quizzes niya habang si Chang naman ang naglelecture at nag-eexplain. Dinadagdagan ko na lang at ini-expand tuwing hindi niya pa rin ma-gets. Sabi ko perfect o zero lang ang type ng exam namin kaya naman umatungal talaga siya sakin. Pagkatapos ng discussion ay naglunch muna kami para makapagsimula ng magquiz. Bandang ala una ng hapon niya na-perfect ang History at alas dos naman ang Science. Pero sa Math... literal na napahilamos ako ng mukha kay Charlie. Paulit-ulit kami.

Miss AstigWhere stories live. Discover now