POV of Elara
"Uy, gising na! Malapit na tayo sa hotel!" – Rovy (my college BFF)
Alog-alog sakin ni Rovy kasi malapit na raw kami sa hotel namin. Nakasakay kami ngayon sa car service ng hotel na tutuluyan namin. Nasa Palawan kami ngayon, nagkayayaan kaming mga college BFFs mag-vacation for three days kasi ang tagal na naming hindi nagbo-bonding. Sakto rin kasi kakauwi lang ng dalawa naming friends galing Japan, kaya perfect timing na makompleto ulit kami. Since palaging hindi tumutugma ang schedule namin magkakaibigan.
"Ahhhrrgghhh... eto na, eto na, gising na po madam Rovy! Sa dami-daming tulog, ako pa talaga yung inalog-alog mo, no?" – sagot ko habang nakapikit pa.
"Elara, ito earphones mo. Nalaglag kanina habang tulog ka. Di na kita ginising kasi ang himbing mo e." – Theo
"Ay, salamat, Theo!" sabay ngiti ko.
"Oh siya, Elara, tara na. Sakin ka sumabay. Ikaw Theo, dun ka ha, dun, dun!" – si Liam, ang "bi" kong BFF na hanggang ngayon curious pa rin kami kung bet ba niya ay guy o girl. Pero syempre, di naman kami talo ni Liam!
"Grabe ka naman sakin, Liam. Uwi na lang ako." – pang-aasar ni Theo.
"Pag may feelings kasi, wag na lang aminin lalo na't alam mong makakasira sa friendship. Kaya kayo ni Elara, super awkward na ngayon. Para kayong mag-ex!" – asar ni Liam.
"Shhh, tama na Liam. Ikaw talaga. Wala na 'yon, goods kami ni Theo, diba?" sabay taas ng kilay ko kay Theo.
Namula lang at natawa si Theo.
"Waaaah! Ang ganda! Nandito na tayo sa Palmbreeze Paradise. Di tayo lugi, ang ganda at ang lawak! I-enjoy natin 'tong araw na 'to!" – si Gwy, ang planner at taga-asikaso ng lahat ng bookings.
"Tara, ayusin na natin gamit natin. Kita-kits tayo mamayang 7 PM sa baba. May live band, dinner, tapos derecho party na rin." – sabi ni Liz.
Kanya-kanya na kaming rooms. 5 PM pa lang, kaya nagpapahinga at nag-aayos pa ako ng katawan. Mahaba pa oras bago bumaba.
⸻
ting (phone message)
"Elara, sorry. Sana bumalik na tayo sa dati na hindi awkward. Pasensya na dahil sa pag-amin ko ng nararamdaman ko, nag-iba na yung way mo sa pagtrato sakin." – message from Theo
Ackkk! Si Theo talaga! Hindi pa rin ako sanay na may umaamin sakin, lalo na kung close friend pa. At sa circle pa namin mismo! Nakakahiya kasi, sa dami naming babae sa grupo, bakit ako pa? Eh ako lang naman 'to—walang special.
"Haha, gagi ka, Theo. Goods lang oy. Same pa rin kung paano kita pinapansin. Siguro iniisip mo lang yan." – reply ko, kahit hindi naman talaga yun ang totoo.
"Sabi mo yan ha. Tabi tayo mamaya sa dinner—syempre as a friend, oki?" – Theo
Kakatapos ko lang maligo pero hindi ko namalayang nakatulog ako.
⸻
"Elara! Uy, tara na sa baba, 7 PM na talaga. Andun na sila, ikaw tulog pa rin dyan, dali na!" – Liam, na gumigising sakin. Ang sarap kasi ng idlip ko.
Dali-dali na akong bumaba. Sa pagmamadali ko, naiwan ko pa ang eyeglasses ko. Kaya ayun, naka-360p tuloy resolution ng mata ko ngayon 😭.
"Elara! Liam! Dito oh!" – sigaw ni Pam.
Dumeretso kami sa pwesto nila.
🎶 Now Playing: You're Still the One (live band) 🎶
Familiar yung boses ng kumakanta...
"Tingnan nyo, guys. Familiar yung vocalist. Parang nakita ko na siya!" – Liam
Di ko makita nang malinaw ang mukha ng vocalist kasi medyo malayo yung pwesto namin. Idagdag pa ng mata kong malabo.
Pero isa lang ang malinaw — bumibilis ang tibok ng puso ko, kasabay ng beat ng kanta mula sa pamilyar na boses na iyon.
YOU ARE READING
Love Algorithm
RomanceWhen logic collides with emotion, nothing goes as planned. Love Algorithm follows the story of a girl who believes in rules and order, until three boys unexpectedly rewrite her formula for love. My romcom in progress! Stay tuned & meet Elara, Theo...
