MALALIM na ang gabi, dumarami rin ang mga bisitang dumadating sa viewing chapel upang iparating ang kanilang pakikiramay. Ang magkapatid na Fortalejo ang sumasalubong sa mga bisitang mula rin naman sa pagmamay-aring kumpanya, ang iba naman ay mga taong may shares sa negosyo. Lahat ay napapatingin sa binatang katabi ni Ross, ang mga tingin nila ay may halong pagtatanong at panghuhusga, bulgaran din kung sila’y magbulungan.
“Tuloy po kayo.” Nakangiting sambit ni Rowan sa may karangyaang pamilyang dumating. Tulad ng iba ay panghuhusga rin ang bungad ng mga ito sa kanya.
“Ross hijo, kapatid mo ba ang lalaking iyan?” May pagkataray sa tinig ng ginang na nagsalita. Blangko ang mukhang tumingin si Ross sa ginang, at walang interes na tumango. “Ahhh bakit hindi niyo ipinaalam sa publiko, bagong ampon niyo siguro ano?” Puno ng pang-iinsultong saad pa nito, pati ang binatang anak nito at asawa ay natawa rin. Doon ngumisi si Ross na puno ng sarkasmo.
“Marami po kasing pinagdadaanan ang pamilya namin sa mga nagdaang panahon. Hindi naman po siguro namin kailangan ipasa-publiko ang lahat, hindi po ba?” Palihim na sinagi ni Rowan ang bunsong kapatid, nahahalata kasi ang pagiging palaban sa tono nito. Hindi niya gugustuhing masira ang magandang reputasyon nito nang dahil sa kanya. Pero hindi ito nagpatinag. “Mukhang hindi po kayo nagbabasa ng mga article sa social media, matagal na pong nakasaad sa mga artikulong iyon ang pangalan ni Kuya Rowan. Open ko po ang website para mabasa niyo, gusto niyo po ba?” Bagamat may inis sa tono niya ay hindi pa rin nawala ang respeto niya sa mga kaharap, may posisyon din ang mga ito sa kumpanya, ‘di nga lang kasintaas ng sa kanya.
“Psh!” Tanging tugon lamang ng ginang at walang sali-salitang pumasok ito sa loob na nakabusangot ang mukha. Lalong nainis si Ross dahil hindi man lamang humingi ang mga ito ng paumanhin sa ginawa.
“Hindi mo na dapat sinabayan, Ross.” Naroon ang pangangaral sa tinig ni Rowan. Napabuntong hininga ang nakababatang kapatid, wala talaga sa bokabularyo nito ang makipagtalo sa iba.
“Sorry, Kuya. I can't just stand here while watching them insult you. Kung si Mom pa ang nakaharap niya, may away na magaganap.” Napangiti ito kaya natawa sila kahit wala namang dapat ikatawa. “Ang weird natin Kuya hahahaha!” Ipinagpatuloy nila ang pagsalubong sa mga dumarating pang bisita.
Unti-unting nababawasan ang mga tao sa bawat minutong dumadaan. Sa katunayan, hindi pakikiramay ang ipinunta ng karamihan. Talagang dumayo lang ang mga ito upang magbanggit ng mga sari-saring komento tungkol sa nahanap na anak ng mga Fortalejo. Bumalik na rin ang magkapatid sa loob, magkatabi silang umupo sa mahabang upuan, kasunod ng mahabang upuang kinaroroonan ng mga magulang. Nag-aalala ang magkapatid dahil sa pananahimik ng ina mula pa kahapon. Bihira nila itong makausap nang maayos, hirap ‘ding mapakain, kaya hindi ito inaalisan ni Mr. Fortalejo ng tingin. Magkatabing nakaupo ang mag-asawa, habang nakasandal sa balikat ng ginoo ang ginang, at nakaakbay naman ang braso dito.
Iginala ni Ross ang tingin upang pagmasdan ang ayos ng paligid. Halos puti ang lahat ng dekorasyon. Nasa harapan ang kulay puting kabaong, sa may bandang kaliwa nito ay naroon ang malaking portrait ng larawan ni Amy. Ang ina mismo ang pumili ng larawan ng kaibigan, ayon dito kuha iyon noong nagdiwang ito ng ika-labing walong kaarawan. May mga tao pa ring aabot ng dalawampung mahigit ang nakaupo sa upuan, kalat-kalat, at ang iba naman ay magkakatabi. Nakikilala niya ang mga iyon, mga emplayadong napalapit kay Amy nang mga panahong nabuhay ito sa katauhan ni Amelia Cromwell.
Naagaw ng kanyang pansin ang paglapit ng isang ginang sa kanyang ina. Namukhaan niya ito, ang babaeng mapang-insulto sa kanyang kapatid. Nanumbalik ang inis na narararamdaman nang maalala ang tagpo kanina.
“Henrietta, alam mo ba nagdududa talaga ako roon sa binatang kasama ng anak mo,” naagaw nito ang pansin ng karamihan dahil may kalakasan ang boses nito. Talagang hindi ito pinapatahimik ng mga bagay na gumugulo sa isip. Walang maintindihan si Ross kung anong gustong mangyari ng babaeng ‘yon. “All of a sudden, natagpuan mo na siya. Hindi mo man lamang nagawang iparating sa mga pahayagan! Don't get me wrong ah, I'm just being honest here but… his sudden appearance is ruining the golden image of our institution. So I—”
YOU ARE READING
I'M MARRIED TO YOU
RomanceNot all the typical arranged marriages are something that involves wealth or making connections. *** Date Started: April 21, 2021 Edited Version (2023) Estimated Word count: 80,000 - 90,000
