CHAPTER 9

4 0 0
                                    

CHAPTER 9

"have faith in yourself"

Maagang nagising si Kylie para mag-handa sa pagpunta sa St. Drake Josephine Medina College, para kumuha ng Entry Exam, ang exam kung saan ma-test ang kaalaman ng mga estudiyante kung dapat ba silang bigyan ng Libreng scholarship o kung deserving ba sila.Habang nag-eexam siya kasama ang dalawang libong estudiyante na gustong makapag-aral sa paaralan na iyon, pilit niyang kina-kalma ang kanyang sarili, natatakot siya na baka hindi siya pumasa, at hindi na niya muling makikita pa si Drake.

Hindi naging madali para sa kanya ang mga ganoong bagay. Gawing possible ang mga bagay na impossibleng mang-yari. Kung iisipin mo nalang palagi na ang isang bagay na ito ay hindi mo kayang gawin, eh pano mo magagawa? Kung 'yung sarili mo mismo gumi-give up na hindi mo pa nasusubukan.

Lumipas ang araw na'yon, kabado pa rin siya hanggang pag-uwi. Iba na ang dating Kylie na Kilala mo noon, yung dating magulo, tahimik na ngayon, ang pala-ngiti, madalang na lang ngumiti, at ang pagiging layasera, itinigil na niya. People change. Ang tao nagbabago lalo na kapag NASASAKTAN!

(Hugot pa more...)

"anak? Kumusta exam?" bati sa kanya ng nanay niya, pagpasok niya sa pinto.

"Okay naman po 'ma! Medyo nakaka-pagod, pati nakaka-kaba pero okay lang naman po." Naka-ngiting sagot niya sa kanyang ina.

"masayang-masaya niyan ang teacher lily mo sa'yo lalo na't nag-take ka na ng exam mo kanina, tinawagan niya nga ako eh!"

"ah ganon po ba?"

"nagugutom ka ba anak? Ipag-hahanda ba kita ng pagkain? Siiguro naman tapos na yung pinagkaka-habalahan mo ngayon. Gusto mo bang sumama sa pamimili ko ng mga groceries na'tin?" Walang salitang binitawan si Kylie sa mga sinabi ng kanyang ina, nakatingin lamang ito.

"hindi po ako nagugutom, may gagawin pa po ako sa kwarto ko 'ma. Aakyat na po ako."

Umakyat siya sa kanyang kwarto, dahan-dahan isinara ang pinto, sumandal siya sa likod at huminga ng malalim. Hinagis ang bag niyang dala-dala sa kanyang kama. Pagod na pagod siya pero kahit ganon, nag-advance reading pa rin siya sa mga talakayin nila sa School.

Kung talagang mayroon kang isang bagay na gustong makuha ditto sa mundo, gagawin mo lahat para makuha lamang iyon, gagawin mo kahit imposible pang mang-yari basta para sa mina-mahal mo. Ganoon ang totoong pagmamahal, pagmamahal na walang makaka-pantay na kung kahit na sino man. Naniniwala pa rin siya na baling araw, mamahalin siya ni Drake gaya ng pagmamahal na gina-gawa niya at lahat ng pagsasakripisyong isinugal niya.

Umupo siya sa kanyang study table, nakita nanaman niya ang litratong isinaksak niya sa isang Makapal niyang libro. Tinitigan niya iyon, muli nanaman siyang napa-luha. Pero pinunasan niya ito kaagad, at nagmukmok sa mesa, hanggang sa abutin siya ng gabi, hindi niya namamalayang nakatulog na pala siya.

Mag-aalas nueve ng umaga ng tumawag si Teacher Lily, at si Kylie ay nagmamantika pa sa kama.

[ Phone is Ringing ]

"Hello po, teacher? Good morning po." Bati niya sa kanyang tutor.

"Good morning 'din. May ibabalita sana ako sa'yo." Nakangiting tugon niya sa telepono. "Lumabas na ang resulta ng mga pumasa sa Exam! Tingnan mo yung billboard na naka post sa harap ng plaza, tapos kung andun yung pangalan mo, balitaan mo'ko kaagad ha? Masayang-masaya ako para sa'yo. Goodluck." Masayang Masaya nga na sabi niya sa dalaga.

Kaagad naman bumangon si Kylie sa kanyang kama at dumiretso na sa banyo para maligo. Pagbaba niya sa sala para kumain, naka-handa na ang kanyang almusal.

"May lakad ka ata anak? ba't bihis na bihis ka?" naka-ngiting tanong sa kanya ng kanyang ama.

"titignan ko lang po yung resulta na lumabas kaganina lang dun sa exam na kinuha ko kahapon sa SDJMC. Sabi po kasi ni Teacher lily may mga results na." simple niyang sagot. "eh teacher po kase siya sa school na 'yon. Kaya alam niya."

"anak matanong ko lang? bakit sa dinami-rami ng magagandang paaralan ditto eh dun mo pa mas piniling mag kolehiyo?" seryosohing tanong ng kanyang ama sa kanya. Hindi siya naka-sagot dahil hindi naman niya alam ang kanyang isasagot. Kaya nanahimik na lamang siya.

Pagdating niya sa Plaza, napuno ng tao ang paligid dahil sa malaking billboard na pinagkaka-guluhan nila. Nakipag-siksikan pa siya sa mga tao para Makita lamang ang kanyang pangalan na nakalista roon.

[ ST. DRAKE JOSEPHINE MEDINA UNIVERSITY COLLEGE ACCEPTANCE LIST ]

Umabot siya ng isang oras sa kakahanap ng kanyang pangalan sa mga mahigit 1,500 na estudyanteng pumasa ang 500 ay bumagsak, ngunit hindi niya nakita ang kanyang pangalan. HINDI SIYA PUMASA. She doesn't deserve it, it means hindi talaga para sa kanya si Jake. Nalungkot siya ng sobra, parang pinagsasak-sak yung puso niya, sa kabila ng lahat ng ginawa niya, paghihirap niya at pagsasakripisyo niya, balewala lang pala. Hindi pa pala sapat ang kanyang kaalaman para maka-pasok sa punyetang eskwelahan na 'yon. Napa-yuko na lamang siya balitang kanyang natanggap, dumiretso siya sa isang Bar, nag-inom mag-isa.

How we metWhere stories live. Discover now