CHAPTER 8

3 0 0
                                    

CHAPTER 8

"Study Hard, stay motivated"

Pagod na pagod siya. Pagpasok niya sa loob, napaka-aliwalas ng kwarto, malinis. At wala ng gamit. Wala na rin si Drake. Wala man lang siyang nagawa, kundi umiyak na lang. umiyak na lang ng umiyak. Habang hawak hawak niya ang sobre at ang sing-sing.

Bumalik na si Drake sa Amerika, bumalik na siya sa kanyang trabaho bilang taga-pag mana ng kompaniya ng kanilang angkan. Iniwan ang mga masasaya at masasakit na ala-ala niya kay Kylie. Dahil darating ang panahon, babalikan niya ang pinaka-espesiyal na babae sa buhay niya. Hindi man ngayon pero someday..

"Flemming's left hand rules are.... ?" kasalukuyang nag-aaral ng leksiyon si Kylie kasama ang kanyang tutor, ngunit siya malalim ang kanyang ini-isip.

"Kyl? Nakikinig ka ba?" naka-ngiting sabi ng kanyang tutor habang hawak ang kanyang braso.

"The thumb, index and middle finger of your left hand are the Flemming's Left hand ru---- Kyl?? Tingnan mo, ang dali lang i-memorize, ganito lang 'yan,..---"

"teacher?" malungkot na tawag niya sa kanyang tutor.

"uh-hmm?"

"Kapag ba humiling ako? Magkaka-totoo ba 'yon?" nakangiting tanong nito.

"oo naman, bakit mo natanong?" paasa niyang sagot.

"Matutulungan mo ba akong maka-pasa sa College?" malungkot niyang tanong.

"Ofcourse. ;) trust me. Pinky promise?" nakipag-pinky promise pa ito sa kanya.

Magmula non, sumipag na siyang mag-aral para mabawi ang mga nabagsak niyang asignatura para maka-pasok siya sa kolehiyo, mataas na kolehiyo. Kung saan ang nag-aral ng kolehiyo si Drake at nagtapos.

Konting tulog , maraming kain, at puro libro ang kanyang mga kaharap. Hindi na ang mga litrato nila ni Drake. Bumalik na siya sa dati niyang sigla, masiyahin na ulit siya . maraming nagtaka sa kanyang mga ikinikilos pati na ang kanyang mga magulang, kaklasi, guro, at kaibigan.

Naging inspirasiyon sa kanya si Drake, ang tanging bilin nito upang balikan siya balang araw, umaasa pa rin siya. Iyon naman ang gusto ni Drake para sa kanya, mag-aral ng mabuti dahil marami pa siyang magagawa sa buhay niya.

Nagkalat ang mga libro sa kanyang kwarto, mga papel na nilamukot, at mga nagkalat ring pagkain. Sinunod niya ang bawat utos ng kanyang tutor para makapasa sa College. Gabi-gabi nag-aaral, Hindi na niya nagagampanan ang pagiging layasera niya, hindi na rin niya nakakasama ang kanyang mga kaibigan niya, nag-aral nalang siya nag-aral para balang araw na magkikita ulit sila ni Drake, magka-pantay na ang kanilang level ng pag-iisip, pananamit at estado sa buhay.

Ngayon nainiwala na siya sa sina-sabi ni Drake na masarap maging matalino, alam mo lahat, lahat ng sakripisyo, pawis, oras na inilaan mo para sa pag-aaral, nasa dulo ang kalalabasan. Lahat ng tao, rerespetuhin ka ng mataas kase may yung antas ng pinag-aralan mo, hindi kasing level ng pinag-aralan nila.

Habang nag-aaral siya ng leksiyon, kinu-kuhanan siya ng letrato ng kanyang tutor.

"Teacher? Ano pong ginagawa niyo?" tanong nito sa kanya.

"uhmm, nakapanibago lang kasi na ang dating napaka-tamad na estudiyante, matalino na ngayon, humahabol sa Pagiging topnotcher niya sa school. Ipapakita ko lang sa head ng school na dapat kang maka-pasok 'don kase you deserved it." Nakangiting sagot nito sa kanyang estudiyante.

Dahil ang totoo, ipapakita niya ang mga litratong iyon kay drake.

Patuloy pa rin siya sa pag-aaral, nang kunin niya ang isang librong napaka-kapal sa kanyang cabinet, nahulog ang isang litrato. Ang litrato ni Drake na kuha niya sa camera noong nakaraang bakasiyon na magkasama sila.

Pinulot niya ito at isinaksak sa isa pang libro. Hindi na niya ito tiningnan pero alam niyang litrato iyon ni Drake. Pag-bukas niya sa hawak niyang libro, bumulaga ulit sa kanyang harapan ang isa pang litrato ni Drake, kinuha niya iyon, tiningnan, at pinagmasdan. Naalala niya ang bawat minutong nakalipas noon kasama niya, buong buo ang ngiti niya. Ngunit lalo lamang bumigat ang kanyang pakiramdam ng bigla siyang luha-in.

Pumasok ang kanyang nanay sa kwarto,.

"Anak? May bisita ka sa baba." Naka-ngiting sabi nito habang nakasilip sa pinto. Ngumiti siya pabalik sa kanyang ina. Lumabas siya sa kanyang kwarto buo ang ngiti.

"Hi." Bati sa kanya ng lalaking biglang tumayo sa kanyang inuupoan ng makababa na si Kylie sa sala, napaka-gwapo niya, matangkad, at mukhang mataas ang kanyang pinag-aralan.

"Hello. Do I know you?" nadismayang sagot niya sa lalaki.

"Oh my gawd, Kylie. Hindi mo na'ko kilala?" ngumi-ngiting sabi ng lalaki. "Im jake. Jake Avarsela."

Nagulat siya, hindi niya maintindihan kung bakit siya pinuntahan ng mokong na'yon sa bahay niya.

"Ba't ka nanditong mokong ka!?" pag-susungit na sabi niya sa lalaki habang bina-bato ng pillow sa sofa.

"Easy ka lang! Magpapaliwanag ako. Andito ako... para... to wish you a advance happy birthday!" naguguluhan parin si Kylie sa mga pinag-sasabi ni Jake. "and I have a lot of stuff for you inside my car's trunk, come on let's check it out."

Sumama sa kanya si Kylie . lumabas ng bahay.

Niyakap niya si Jake, ngunit wala na itong nararamdaman pa sa kanya.

"salamat, jake. Salamat. And you may leave me now." Pagmamatigas na sabi niya rito habang naglalakad papalayo sa kanya.

"Alam ko. Alam ko na hindi mo ako minahal mula pa noon, and im just here to say, and to tell you that 'I loved you' yun lang. hindi po ako umaasa na you will do the same back. I understand." Bunuhat ni Jake ang mga regalo at ipinasok sa loob ng bahay, pati na ang napaka-bigat at napaka-mahal na red, pink and white roses.

Kahit siya sa sarili niya, wala siyang alam na kaarawan na pala niya bukas, bukas rin ang Entry exam niya para sa kanyang pagkokolehiyo, kaya nagpapa-kabusy siya para bukas. Hindi na siya pina-alis ng kanyang ina, doon na siya pinakain ng gabi, habang nasa harap ng hapag-kainan, tahimik lamang na kuma-kain si Kylie habang sila ay masayang nag-uusap-usap.

"nako, 'yang si Kylie, ang laki ng pinagbago. Hindi ko alam kung anung nakain niyan at sinipag na siyang mag-aral. Akala ko nga desperado na'ko d'yan e, ngunit hindi pala. Even ang mga monsters kayang maging mabait. Biruin mo ngayon? Top 1 siya sa whole school niya kung kelan matatapos na ang kanyang araw sa pagiging highschool student niya, doon niya pinagsikapang umabot sa Topnotchers." Naka-ngiting sabi niya ng kanyang ina kay jake habang kuma-kain.

"sabi ko naman po sa kanya, may porpose ang pag-aaral eh. Di'ba kyl? Wala po kasi siyang tiwala sa sarili niya na magagawa niya ang mga bagay na'yon." –jake

"ma! Aakyat napo ako. Ina-antok napo kasi ako. Salamat talaga, jake. Efforts appreciated." Sabay na itong tumayo sa kanyang inuupoan at saka na dumiretso sa kanyang kwarto, wala naming magawa ang kanyang mga magulang.

"Anong nangyayari sa batang iyown? Bat parang nanahimik ata kaluluwa niya?" pagtataka ng kanyang ama.

How we metWhere stories live. Discover now