Part 18. ♥♥

846 13 0
                                    

“Sandra?”

“oh?” Sabi ko.

“Are you ready to have a boyfriend?” tanong niya na ikinagulat ko.

“huh?” may irereto ba siya sakin?

“answer me.”

“hmm. Depende.” Sabi ko. Kung ikaw, why not? Pero kung yung iba, never mind nalang. Joseph, wag na nating pag-usapan lovelife ko. Yung sayo nalang, hm. Kelan mo balak magtapat dun sa girl?” tanong ko.

“ngayon na.” sabi niya.

“n-ngayon na? g-gusto mo tulungan kita sa kanya? Tara na” sabi ko saka tumayo. Aw! Magtatapat na pala siya kay Celine >___< wala na talaga akong pag-asa. Buo na ang loob niyang magtapat. Kasalanan ko din naman eh. I persuaded him to do so. Yan tuloy. Tanga ko talaga tas ngayon nagvovolunteer pa akong tulungan siyang magtapat. Grabe!

“Teka lang, patapusin mo muna ako.” He said, hinila niya ako paupo.

Sorry naman!” inayos ko na yung pagkakaupo ko.

“Sandra, paano mo sasabihin sa taong mahal mo na mahal mo siya? Yung tipong maniniwala siya.” Sabi niya sa akin.

Hm, pano nga ba? Nag-isip ako ng onti. Lol.

“Titigan mo siya sa mata.” Sabi ko saka ko siya tinitigan. “as in yung titig na titig, as if your eyes were glued together. Parang hinihypnotize mo siya. Tapos saka mo sabihin sa kanyang I love you.” I put an emphasis on those last three words.

“Ganun lang pala.” Sabi niya. Tumingin ulit siya sa langit. Naku ikaw ha, langit, nakakadami ka na. laging nakatitig sayo si Joseph. Palit nga tayo ng pwesto para ako naman papakin ni Joseph ng mga titig niya.

“oo.” Sabi ko, saka ko binunot bunot yung mga damong nasa tabi ko. Ang sakit kasi eh. Well, sorry nalang mga damo kung kayo ang pinagbuntungan ko ng pagkabroken hearted ko ah?

“Sandra.” Tinawag niya ako. Tinignan ko siya.  Napabuntong hininga siya. Tinignan niya din ako. Parang napako ang tingin ko sa kanya.. ang ganda kasi ng mata niya. May dating. Alam niyo yung tititigan mo pala alam mo na na siya yung taong gusto mong makasama habang buhay. Hmp. Ayaw ko na tuloy alisin ang pagkatitig ko sa kanya.

Oo nga pala, nakatitig siya sakin. Alam niyo yun? Yung feeling na gusto mo ng matunaw. Kase sobrang titig sayo ng isa sa mga pinakagwapong creature sa balat ng earth. Awkward. Kaya nga gusto kong bawiin yung tingin ko at umiwas pero parang may magnet sa mga mata namin.

Nagdaan ang ilang segundo, nag-uusap parin ang mga mata namin. Hay. Ano kayang pinag-uusapan nila? XD

“Mahal kita.” Sabi niya. Huh? Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napakunot noo ako.

“a-anong sabi mo?” tanong ko.

“Mahal kita.” Inulit niya. Saka siya nagsmile. Nagppractice ata to.

“Ah, o sige, praktisin muna natin yung pag-amin mo sa ‘the one’ mo, hm. Game.” Sabi ko saka muna ako tumingin sa kabilang side opposite to him. Akala ko eto na yung Moment of Truth. Ambisyosa talaga ako. :/

“Hindi ‘to practice, nagtatapat na ako sa taong mahal na mahal ko, ikaw yun, Sandra.” He said seriously. Napatingin ako sa kanya.

Fangirling Overload [COMPLETED]Where stories live. Discover now