Part 6.

892 13 2
                                    


"I don't know why you seem so uncomfortable with me, kanina lang ay ang daldal mo noong nandito sila," sabi niya nang hindi na ako umimik dahil sa sinabi niya. Ewan ko ba't parang may laman iyong sinabi niya, may ibang meaning kaya't I lost for words. O ako lang?

"C-crush kasi k-kita..." Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Syempre, maiilang ako sa kanya kasi may gusto ako sa kanya. Nakakaconscious kasing magsalita dahil baka mabaho pala hininga ko. Ayoko ring tumawa dahil baka may tinga pa pala ako.

He did not speak so I turned to him. Doon ko nakitang natulala siya at namumula na ang mga tenga!

"Jo—"

"Sandra! Joseph! Tara na dun. Nakalivestream na," mabuti nalang at dumating si kuya Louie. Kung hindi ay hindi ko alam paano ako makakaalis doon.

Agad akong tumayo at iniwan si Joseph sa pantry. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya ilang sandali.

"And, here she is! Miss Sandra!" Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong tawagan ni Gio at inaannounce na kasama nila ako. Hindi pa man din ako kita pa sa camera.

Sumenyas si Gio na lumapit ako sa kanila para makita ako sa livestream. Umusog ng konti si Gio para makaupo ako sa tabi nila ni Kern pero pagkaupo ko ay siya ding pag upo ni Joseph. Ang laki tuloy ng inadjust ni Kern.

I'm struggling with my dress, alright. Nakaindian seat kasi sila, baka makita iyong cycling shorts ko sa livestream. He seemed to notice my discomfort so he put a jacket—bomber jacket on my lap. I mouthed him thanks. He nodded.

Hindi ko alam bakit biglang humagalpak si Patrick na sinamahan pa ni kuya Louie. Napanguso nalang ako at binasa iyong mga comments sa livestream.

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang makita ko iyong comment ni Jade.

Jade: BUSY PALA HA, SANDRA!

I groaned inwardly when I remembered her asking me to hang out with her this weekend yet I refused because I told her I'm gonna be busy with org stuffs.

Pero eto, nahuli niya akong kasama ang Kairos. Paniguradong napakaraming tanong ang ipupukol nito sa akin sa Lunes.

Jade: Pabati nalang ako sa mga Kairos nang mawala tampo ko sayo. SANDRA!!!

Ever so hyper Jade.

"That Jade your friend?" Lumingon ako kay Joseph para sagutin iyong tanong niya. Hindi ko naman inaasahang ganoon siya kalapit sa akin! Isang dangkal lang ang pagitan namin.

Bakit parang wala siyang pores? Bakit parang hindi man lang siya tinubuan ng tighiyawat sa tanang buhay niya?

Nag iwas ako agad ng tingin, "Yes."

"One, two, three!" Malakas na pagbiglang ni Kern.

"Hello, Jade! Kumusta?" sabay sabay nilang tanong. Napangiti ako doon at hinanap kung meron mang reaction ang kaibigan ko sa ginawa ng Kairos.

Apparently, she's just sending tons of heart emojis. Yeah, I know she's speechless right now.

They're back to reading some comments and greeting the fans watching.

Nag init ang mukha ko nang may mabasa akong comment.

Faith: Lucky, Sandra! She's so pretty! Can you sing We could happen? Please?

And then marami pa, I'm not that pretty, though. A lot of them are asking me to sing and then they'll dance.

"Guys, pasensya na kung hindi namin mapapagbigyan request niyo, Kanina pa kasi kami nagrerehearse kaya medyo masakit na katawan namin. Pero itong si Joseph, energetic pa..." Sabi ni kuya Louie at saka kami tiningnang dalawa ni Joseph, "Bakit hindi nalang si Joseph ang sasayaw habang kumakanta si Sandra?"

Fangirling Overload [COMPLETED]Where stories live. Discover now