Part 9. unedited

734 11 0
                                    

"Ang sweet niyo ate, kinikilig ako," hampas sa akin ni Shine. Lumabas ako saglit para kumuha ng tubig, nadatnan ko siya sa sala nanunuod ng TV.

"Ako din eh," matabang kong sabi.

"Pakilala mo ako sa kanila no?" nagtaas baba ang kanyang kilay.

"Sige. Basta libre mo ako ng ramyun saka magnum?"

"Call."

Pumasok na ulit ako sa kwarto ko. Binuksan ko yung profile ni Joseph sa twitter. Tas bigla siyang nagtweet ng picture.

"She gave me this. Ayos diba? @Sandzzz (link ng picture)"

How do I spell HOT? Its.. J-O-S-E-P-H

HAHA. Ang gwapo niya. Suot niya yung damit na plain black shirt. Nakahiga siya sa bed niya. Halos mapatili ako roon. Bakit sobrang gwapo niya? I mean. araw araw siyang gumagwapo.

Nagtipa ako sa aking phone para sa reply, "Bagay naman pala sayo eh."

Nagring ulit ang phone ko, si Joseph ulit.

"Oh ano? Naniniwala ka na?" sabi niya.

"Oo na." I chuckle. "Ang gwapo mo naman." Hindi ko napigilan ang pagsabi noon

"Syempre."

"O nga pala," I change the topic kasi parang nagiging conceited na 'to. "Pwede bang pa-follow back yung kapatid ko?"

"Sure. Anong username niya?"

"@SunIsShine." inispell ko pa iyon.

"Sige." saglit siyang nanahimik sa linya pero makaraan ang ilang saglit, "Done!" sabi niya.

"Thank you! Alam mo naiinggit yung kapatid ko, bakit daw hindi ko siya sinama kahapon. Gusto niya kasing makita si Kern. Crush niya yun e."

Narinig ko ang pagtawa niya, "Andami ngang nagkakacrush kay Kern."

"Pati naman sayo." I said as a matter of factly.

"Pero mas maraming nagkakacrush kay Kern."

He's not giving up. Kanina conceited, ngayon pahumble. Ano ba talaga?

"Pero mas gwapo ka naman sa kanya..." usal ko

"Oo na po."

"See? Pasalamat ka, sayo ako nagkacrush." hawak ko ang labi kong nangingiti

"Oo nga, Salamat Sandra Briones, GF ko."

Nagulat ako sa huling sinabi niya. Ano daw? GF?

"GF daw!" I tried to hide my kilig sa tawa ko.

"Ayaw mo?"

"Gusto syempre. Kaso baka maraming magalit."

"Hayaan mo. Girl friend. In tagalog, babaeng kaibigan. Wala namang masama dun diba?"

My heart sunk, friendzone, Sandra?

"Oo na." sabi ko.

"Can we videocall? Para makita kita."

"Huwag na! Ganyan itsura ko. Ampangit ko eh."

"Ganda mo kaya. Dali na kase." Pagpupumilit niya. Napabuntong hininga ako nang makita ang repleksyon ko sa salamin.

Inayos ko ang sarili—suklay, polbo, headband at ang mahiwagang liptint.

"Oo na, eto na." Nanginginig kong inaccept ang videocall request niya.

Hindi ako makapaniwala kausap ko si Joseph. Gwapo niya talaga. Kinilig ako nang makita kong suot niya yung bigay ko.

"Hello, Sandy!" he wave his hands and flashes his smile.

Fangirling Overload [COMPLETED]Where stories live. Discover now