Chapter Four

12 2 0
                                        

Puno ng mga cartolinang puti at mga sticky notes ang pader ng kwarto ni Dahlia sa bahay. She had been studying for months, preparing for her licensure examination. Gusto niyang mag take ng exam bago grumaduate, you know, para slay lalo sa graduation. 

Dahlia stood up and stretched her body. Mariin siyang napapikit nang marinig na nagsitunugan ang mga buto niya sa katawan. Argh, sarap! Mahigit limang oras na rin kasi siyang nakaupo sa harap ng study table at nag-aaral. Maaga rin talaga siyang nagising at kanina iyon ng alas dos ng madaling araw at ngayon ay mag a-alas otso na ng umaga. Mas lalo talagang pukpukan ang pag-aaral kapag malapit na ang boards exam. Mas maraming naaral, mas mataas ang chance na pumasa. 

Napatigil sa pag-iinat si Dahlia nang may kumatok sa pintuan ng kwarto niya at dahan-dahang bumukas iyon. "Good morning, our doctora," nakangiting bati sa kaniya ni Daddy Norielle. Maaliwalas ang tabas ng mukha nito at halatang maganda ang gising. "Hi, dad." Lumapit ang dalaga sa kaniyang ama at saka niyakap ito at hinalikan sa pisngi. "Good morning too." 

"Breakfast is ready! Si Papa mo ang nagluto," pabiro itong umirap sa hangin na ikinangiti naman niya. "Inagawan niya na naman ako ng posisyon sa pamamahay na 'to. Hay nako!" Daddy Norielle rolled his eyes again while picturing his husband cooking at the kitchen.

Mahina siyang natawa at saka pabulong na nagsalita. "Don't worry, dad. Your cooking is wayyyy," sinadya niyang pahabain ang huling salita, na para bang exage iyon. "Way more better than Papa's." 

"Shopping tayo later." Nginitian siya nito at saka nauna na sa kusina. Mahina na namang natawa si Dahlia sa tinuran ng ama. Ano 'yon, suhol? 

"Sumunod ka na, kakain na ha!" 

"Yes, dad!" 

Nang makababa si Dahlia sa kusina, naabutan niya ang mga magulang na nagbabangayan na naman habang magkatulong na naghahain sa mesa. Both of her fathers are wearing this black and red checkered matching pajamas. May nakaburda ring pangalan sa likod ng top ng mga ito. 'Daddy Norielle' ang nakaburda sa likod ng damit ng daddy niya at 'Papa Dylan' naman ang sa papa niya. 

"Akin na kasi 'tong eggs and bacons! Ikaw na lang do'n sa waffle!" Daddy Norielle hissed at his husband. Inaagaw kasi nito ang dalawang pinggan na hawak ng isa. "Fine," suko naman ang Papa Dylan niya na para bang natalo ito sa sugal at bilyon-bilyon ang tinaya. 

Nangingiti nang tuluyang pumasok sa loob ng kusina si Dahlia at binati ang mga magulang. "How's your sleep, Papa and Dad?" tanong niya habang naglalatag ng table napkin sa ibabaw ng mga hita niya. "Oh, mine's good!" Hiyaw ng kaniyang Daddy. "Pero itong papa mo, hindi yata nakatulog dahil sa kakaisip ng kung ano ang pu-pwede niya raw iluto ngayong breakfast." Umirap na naman ito sa hangin na para bang automatic reaction na iyon. "Pero waffles with bacon and egg lang naman ang niluto--"

"Hey, hey!" Awat naman ang asawa. "This is my specialty. May I remind you, husband that this waffle," inangat nito ang mahaba at pa-oblong na pinggan at halos ipagduldulan ito sa kabiyak. "Is the reason why you married me!" 

Inungusan lang ito ni Daddy Norielle. This kind of morning is not new to her. Ipapanganak pa lang yata siya ng surrogate mother niya eh ganito na ang dalawa niyang ama. At saka, hindi rin naman seryoso ang mga ganitong bangayan nila, parang... lambing lang sa isa't-isa. Actually, having these kinds of parents aren't draining. Mas gugustuhin pa nga niya ang ganitong magulang kaysa 'yung iba na parang wala namang pakialam at walang pagmamahal sa isa't-isa. Dahlia would want to witness this kind of fights from her parents than to question if they love each other. 

"So, how's your review, anak?" 

Dahlia looked up at her Papa Dylan. He is now putting waffles with whipped cream, honey, and sliced strawberries on her plate. "Nakakapagpahinga ka naman ba? Baka naman puro aral lang ang ginagawa mo?" 

Admit Me Again, StillWhere stories live. Discover now