CHAPTER 27

1.6K 46 0
                                    

 CHAPTER 27

Nararamdaman ko nanaman ang presensya ng taong pumasok ng kwarto ko at ang mapangahas na bumulong ng 'i love you' sa tenga ko.

Gusto kung mahuli kung sino sya kaya pinapakiramdaman ko ang paglapit nya sa kama ko.

Hindi nga ako nagkakamali,dahan dahan syang umupo sa kama ko at nararamdaman ko ang mga titig nya sa mukha ko.

Nang hahawakan nya na ang mukha ko,bigla kung hinuli ang kamay nya tyaka bumangon at tinitigan agad ito sa mukha.

Ramdam ko na nabigla sya sa biglang paghawak ko sa mukha nya,naiinis ako dahil may tabing ang mukha nya.

Asar kung hinablot ang tabing nya sa mukha pero hindi ko natanggal dahil agad nitong nahawakan ang kamay ko.

Malakas ko syang tinulak tyaka patalong sumipa sa kanya na agad nya nanamang nahuli ang paa ko.

Patuloy lang ako sa pag sipa sa kanya,sya naman iwas lang ang ginagawa nya sakin,naiinis ako dahil hindi sya lumalaban.

"Sino ka?"galit na tanong ko ra kanya,hindi sya sumagot kaya lalo akong nainis."Wala kabang dila?"saka ko sya tinulak,nakatitig lang sya.

 "Sumagot ka!"malakas na talagang sigaw ko pero ganun parin,tinitingnan nya ako na parang kinakabisado ang mukha ko."Bakit mo ko palaging sinusundan?bakit kapag nakahawak sakin si Gerard ay palagi kang sumusulpot?"tanong ko sa kanya at dahan dahang lumapit sa kinaruruonan nya,tumitingin lang sya sakin na parang tanga.

"Do I need to answer that stupid question?ok I answer it, I'm jealous"

Nanlalaki ang mata ko dahil sumagot sya sa tanong ko na nakatitig talaga sa mata ko na kahit pagkurap ay wala akong nakita.

At pinaka pinanlalakihan ko ng mata ay ang pamilyar nyang boses na kahit kelan hinding hindi ko nakakalimutan sa tanang buhay ko.


"Rhei?"hindi ko na mapigilang maging emosyonal,dahil siguradong sigurado ako na tama ako.

Hindi nanaman sya sumagot kaya lumapit pa ako lalo sa pwesto kung nasaan sya at iniabot ko ang kanang kamay ko sa kanya na nagbabakasakaling abutin nya ang kamay ko.

Biglang tumulo ulit ang luha ko dahil bigla syang tumakbo kaya hinabol ko sya,nahablot ko ang suot nyang kwentas.

 "Rheii"tawag ko sa kanya,tumalon na sya sa pagtalon sa bintana kaya napaupo agad ako.

Hindi ko na mapigilang umiyak,miss ko na sya,miss na miss ko na talaga sya.

Tinitigan ko ang hawak kung kwentas na nahablot ko sa kanya.

'Ito oh,palagi mung isuot yan ha,dahil yan ang nagpapahiwatig ng pagmamahal ko sayo at kapag dumating ang oras na mawala ako sa paningin mo,maalala mo na minsan may Rhei na nagmamahal sayo'

Lalo akong naiyak sa alaalang bumabalik sa isipan ko,yung alaalang kahit kelan ay hindi ko kinakalimutan,ang alaalang nagpapatunay na totoo ang pagmamahal nya sakin.

Pero bakit pinapanindigan nya talaga ang pagkawala nya?

Akala ko patay na sya,dahil iyon ang pinaniwala nila sa'kin pero bakit nandirito sya?

At bakit nya ako pinagtataguan at tinatakbuhan everytime na lalapit ako sa kanya?

May problema nanaman ba sya?

May tinataguan ba sya?

May bago nanamang palaisipan ang dumadagdag sa problema ko.Hindi ko pa nga naresulbahan ang problema ko sa kaharian kung saan talaga ako tapos meron nanaman.



My Mysterious Neighbor [COMPLETED]Where stories live. Discover now