CHAPTER 20

1.9K 53 1
                                    

 CHAPTER 20

"Congrats isa kanang bampira"nakangising sabi ni Nikita.

Inangat ko agad ang tingin ko sa kanya,nakangisi parin sakin si Nikita samantalang si Ysiad nakangiti.

"Pinagsasabi mo?"asar na sabi sa kanya,inirapan ko sya tyaka tumayo at naglakad ng sasakyan.

"Hindi ka talaga aware sa totoong pagkatao mo no?bakit hindi mo alamin kung bakit naging tao ka ng ilang taon."sabi ulit nya habang nakasunod sakin,tahimik lang si Ysiad na umupo sa driver seat.

"I'm tired,stop talking"inis na sabi ko tyaka sumandal sa upuan at ipinikit ang mata ko,rinig ko naman ang mahina nyang pagtawa.

Psh kung bampira man talaga ako,nasan ang pamily ko? si lola lang ang kasama ko ng ilang taon.

Hindi ko pa nakikita kung sino ang mga magulang ko dahil kapag tinatanong ko si lola hindi nya ako sinasagot,umiiwas agad sya sa tanong ko.

Galit ako sa mga magulang ko dahil hindi ko maramdaman na may pamilya ako lalo na ngayon,patay na si Rhei at lola,ganyan pa ang kalagayan ng anak ko.

Nakikipaglaban pa ako kay kamatayan.

Akala ng mga magulang ko kapag nakita ko sila ay mapapatawad ko agad?huh asa.

Kapag galit ako sa tao galit talaga ako,masayin akong tayo pero marunong din akong magalit.

Lahat ng taong masayahin ay may itinatagong sakit at puot sa dibdib.

"Paano kapag nakita mo sila ano ang magiging reaksyon mo?"

"Kelangan ko ba talagang mag react kapag nakita ko sila?"asar na sabi ko kay Ysiad.

"Yes,if ever na magkikita kayo or what"sagot naman nya naikinaikot ng mata ko.

"Hindi ko sila kelangan,sanay akung wala sila"saka ako ngumiti ng mapait.

Talaga namang sanay na akong walang tinatawag na mama at papa.Kaya kapag nakita ko man sila wag silang mag assume na tatawagin ko silang mama/papa at yayakapin sila dahil hinding hindi ko yun gagawin,itaga nila yan sa noo ng reyna ng kadiliman.

Hindi na sila nagtanong pa,umalis kami sa hospital na yun at hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin.

Pagod ako sa nangyaring laban kaya kelangan kung maibalik ang lakas ko para maalagaan ang anak kung hanggang ngayon nakaratay parin.

 Dinala nila ako sa kaharian nila,may umasikaso agad sa anak ko pagdating namin ng palasyo.

Nahihiya akong bumaba ng kotse dahil hindi naman ako taga rito.Nakikita ko sa bintana ang hari at reyna na nakaabang at tudo ang ngiti ng mga ito.

"Wala ka yatang planong bumaba?"natatawang sabi ni Ysiad kaya inirapan ko sya.

"Hindi ba magagalit ang hari at reyna sa pagdala mo samin dito?"tanong ko sa kanya.

"Bakit sila magagalit eh isa kanamang bampira."feel na feel ng babaeng to na tawagin akung bampira.

Bumaba nalang ako ng kotse at nakayukong sumunod sa kanila Ysiad.

"Welcome to our palace prinsesa Kim"nakangiting sabi ng reyna kaya kinunutan ko sya ng noo.

Prinsesa Kim?

Yan din ang tawag sakin sa panaginip ko.Napahawak agad ako sa ulo ko ng kumirot.

"Habang nandirito ka sa kaharian ng Stoudesvalle ay unti unti mung malalaman ang totoo ikaw"seryosong saad ng hari.

'Kim,ikaw na ang bagong hinirang na prinsesa sa kaharian ng Stoudesvalle'

Napahawak ako lalo sa ulo ko dahil may imaheng pumasok sa isip ko.

'Sa kabilugan ng buwan ay isa kanang prinsesa ng kahariang Stoudesvalle'

'Bakit kelangan mung umalis sa kahariang Stoudesvalle ina?'

Lalo pang sumakit ang ulo ko sa mga alaala na nag flashback.

"Wag mo mung pilitin na makaalala,maaalala mo rin yan kaya wag kang mag alala."sabi ng reyna saka sila pumasok ng palasyo.

Kahit nalilito pa ako ay sumunod nalang ako sa kanila sa loob ng palasyo.

"Ihatid mo sya sa kanyang silid Nikita."yumuko pa ulit si Nikita sa hari,kaya nakiyuko narin ako baka sabihin nila bastos ako.

Ang lawak talaga ng palasyo,maraming pinto kaya paniguradong silid iyon.

Napako ang paningin sa isang silid na kulay Gold ang pinto.Hahakbang na sana ako papunta sa pintuan ng hawakan ni Nikita ang braso ko.

"Ipinagbabawal ng hari na pumasok sa silid na iyan."seryosong aniya.

Nagising nanaman ang ugali kung pagka curious sa mga bagay bagay,hindi pa naman ako titigil hanggat hindi nasagot ang mga gusto kung malaman.

Ito nanaman ang pagiging pusa ko.

Curiousity kills the cat ika nga.

My Mysterious Neighbor [COMPLETED]Where stories live. Discover now