CHAPTER 23

1.8K 50 0
                                    

CHAPTER 23

"Anong nangyari sa mukha mo?"natatawang tanong ni Ysiad kaya tinapunan ko sya ng masamang tingin.

"Gusto mong lagyan kita ng ganito?"asar na sabi ko sa kanya,nakakainis naman kasi si Miss Moris sinadya nya talagang lagyan ng pasa ang mukha ko.

"Si Miss Moris ang may gawa nyan no?"tumango ako sa tanong ni Nikita"Ganyan talaga si Miss,sa mukha ka nya inaatake para makagalit at mainis ka sa kanya at doon mo mailabas ang galit mo,alam nya kasi na ang mga babae ayaw magasgasan ang mga mukha kaya doon sya tumitira."dugtong nya.

Kaya pala panay ang mukha ko ang punterya nya.Nagkaruon tuloy ako ng tatlong pasa sa mukha wengya.

"Ayaw nyong gumala?tara libutin natin buong lugar dito"masiglang sabi ko.

"Kita mong tirik ang araw lalabas ka?wala kang makikita na bampirang gumagala ngayon,lahat nasa dorm nila"sabi naman ni Danvie.

"Takot kang masunog?"binato nya agad ako ng unan kaya tumawa ako ng malakas.

Masasaya pala silang kasama,nagkaruon tuloy ako ng kaibigan.Si Luz lang kasi ang kaibigan ko dati.

Hindi nalang ako naggala nag kulong nalang ulit ako sa kwarto tyaka natulog,nagising ako ng mga bandang alas syete kaya naligo ulit ako.

Mag gagala ako mag isa total gabe naman marami din namang mga bampira ang gumagala.

Pagkalabas ko ng kwarto hindi ko sila nakita,siguro nag gala din ang mga yun o baka naman nag kulong pa sa kwarto nila,hindi naman kasi sila natutulog.

Pumunta saglit ako sa canteen para makapag hapunan,hindi kasi ako nakapag tanghalian kanina,nang matapos ako naglibot na ako.

Madaming bampira ang mga nakakalat,yung iba nag iisa,yung iba mga love birds tyaka yung iba grupo grupo.

Nang mapadpad ako sa playground,umupo ako sa swing at dinuyan ang sarili ko.

Tumayo ulit ako para magikot ulit,napadpad naman ako sa garden.Pumunta ako sa may bulaklak,may nakita akong lalakeng nakaupo at nakatanaw sa malayo.

Hindi ko makita ang mukha nya kasi nakatalikod sya sakin.Kumabog ang dibdib ko kasi yung lalakeng nakaupo pamilyar sakin ang likod nya.

Dahan dahan akung lumapit sa pwesto nya."Rhei?"

Nagulat ako ng bigla itong tumakbo kaya hinabol ko sya.

Malakas parin ang kabog ng dibdib ko,takbo ng takbo yung lalake nakasunod lang din ako sa likod nya,ayokong mawala sya sa paningin ko.

Lumiko sya sa kanan kaya lumiko din ako kung saan sya lumiko,ang bilis nyang tumakbo kaya binilisan ko din ang takbo ko para maabutan sya.

Tumalon sya sa bakod,nilagay ko ang buong pwersa ko sa katawan tyaka tumalon din sa bakod.

Nang makaapak ang paa ko sa lupa tiningnan ko agad ang sinusundan ko kung nandyan pa ba,at ng makita ko pa ang likod nya hinabol ko ulit sya at binilisan pa ang pagtakbo,daig ko pa ang sumali sa paligsahan.

Lumiko sya pa kaliwa,tapos tumalon sa maraming drum,lumiko ulit sa kanan,sunod lang ako ng sunod sa kanya.

"Rhei STOOOP"sigaw ko pero binilisan nya pa ang takbo nya.

"Hoy Ano ba!"patuloy parin sya na parang hindi ako naririnig.

Nang makarating kami sa dulo,nagpapasalamat ako dahil may malaking screen na bakal kaya hindi sya makakadaan.

"Huli ka!"sabi ko.

"Bakit mo ko sinusundan?"

 "Hala sorry,akala ko ikaw yung kakilala ko bigla ka kasing tumakbo"napapasihang usal ko.

"Hindi lahat ng tumatakbo ay kakilala mo na,tumatakbo ako dahil may pinagtataguan ako."aniya tyaka nag umpisang maglakad.

Maglalakad na sana ako ng bigla nya akung hinila at isinandal sa pader tyaka nitakpan ang bibig ko.

Nanlalaki ang mata kung nakatingin sa kanya.

"Shhhh"sabi nya sakin tyaka tumingin sa gawi na dinaanan namin.

May nakita akong tatlong lalake na parang may hinahanap sila,siguro itong lalake nato ang hinahanap.

Tinanggal ko ang kamay nya sa bibig ko."May atraso ka sa kanila?"bulong na tanong ko,umiling naman sya sa tanong ko."Bakit ka nila hinahabol?"tanong ko ulit pero inirapan nya ako.

Nanlalaki naman ang mata ko ng makita ko syang umirap,may naaalala kasi agad ako,ganyan din ang ginagawa nya sakin dati.

Nang mawala na yung tatlo umalis sya agad sa tabi ko at nagumpisang maglakad,ang suplado nya.

"May atraso ka sa kanila?"tanong ko ulit kaya sinamaan nya ako ng tingin.

Waaaaaah parang si Rhei.

 "Anong pangalan mo?"kapal mukhang tanong ko.

"Don't ask."

"Ako nga pala si Kim,nice to meet you Don't ask"ngiti ngiting inilahad ko sa kanya ang kamay ko,sinamaan nya ulit ako ng tingin."Ba't ganyan ka makatingin?"takang tanong ko sa kanya.

"Psh pathetic girl"saka sya tumalikod kaya patakbo akong lumapit sa kanya at hinawakan sya sa braso.

"Umamin ka nga sakin,sino ka ba?"tinanggal nya ang kamay ko sa braso nya.

"Gerard"aniya.

"Huh?"

"Gerard is my name,tanga."hinampas ko agad ang balikad nya,Gerard naman pala pangalan nya nagpanggap pa syang Don't ask.

"Alam mo nakakatuwa kang kasama"sabi ko,sinasabayan ko kasi syang maglakad pabalik ng campus.

"Hindi ka nakakatuwang kasama"napa pout agad ako,napaka straight forward nya sakin."Masyadong matalas yang dila mo."saka sya naunang maglakad sakin.

"Hoy Gerard ano apelyedo mo?"pasigaw na tanong ko,nakalayo na kasi sya sakin.

"Niwitzki,Gerard Niwitzki"bigla akong napahawak sa ulo ko ng pagkasabi nya ng buong pangalan nya may imaheng pumasok sa isip ko.

 'Ikinagagalak kitang makilala prinsesa Kim'

'Maghanda kana prinsesa Kim sa nalalapit nyong kasal ni prince Gerard'


Lalo akong napahawak sa ulo ko ng walang tigil ang pagpasok ng mga imahe.

Litong lito na ako.Bakit may ganito?

Kasal na nalalapit at kay Gerard?

Ahhh nakakabaliw na.Bakit kahit anung pilit kung matandaan ang nakaraan wala parin akong maalala?

Nang mawala na ang mga imahe at unti unti naring nawawala ang sakit ng ulo ko nag umpisa akong naglakad.

Habang naglalakad ako pabalik sa campus,may nararamdaman akong sumusunod sakin,kapag lumilingon ako wala akong nakikitang tao o bampira pero may nararamdaman talaga ako.

Nagsipagtayuan na ang mga balahibo ko sa braso at batok,isa ako sa mga matatakuting tao.

Ang creepy pala pag may sumusunod sayo na hindi mo makita.

Nanigas ang likod ko ng may umisip ng tenga ko kaya agad akong lumingon at katulad kanina walang tao.

"Waaaah may multooo"malakas na sigaw ko at kumaripas ng takbo palayo sa lugar,ramdam ko ang panginginig ng katawan ko sa takot.



My Mysterious Neighbor [COMPLETED]Where stories live. Discover now