CHAPTER 19

2K 52 1
                                    

CHAPTER 19

Noong una hindi ako naniniwalang si Rhei yung patay na pero naniwala din ako ng makitang suot nya ang kwentas na binigay nya sakin noong hindi pa sya bampira.

Dalawang araw na ang lumipas,at dalawang araw narin akung nagluluksa sa pagkawala nya.

Nung araw ding sinabing patay na sya nakipagsapakan pa ako sa mga kalahi nyang bampira ng kunin nila ang bangkay ni Rhei,pati nga si Danvie,Ysiad tyaka Nikita nasapak ko rin dahil pinipigilan nila ako sa pagkuha nila ng bangkay ni Rhei.

Pinaliwanag naman sakin ni Nikita na kelangan daw iuwi ang bangkay nya sa kaharian nila para mabigyan ito ng desenteng libing at doon dapat daw talaga ilibing ang anak ng hari at reyna.

Nagwala ako ng nagwala dahil ayaw kung mawalay kay Rhei,pilit nila akong nilalayo sa bangkay nya dahil nakayakap parin ako.

Si Rheim naman hanggang ngayon hindi pa gumigising,at machine nalang din ang nagbibigay buhay sa kanya.

Kapag sinasabi ng doctor na tanggalin na ang machine nagwawala ulit ako dahil ayoko mawalan ng anak.

 "Mrs.kindly sign the papers,gusto na din nyan magpahinga ng anak mo"sabi ng doctor sakin kaya galit akung tumingin sa kanya.

"Ba't alam mo?nakausap mo ba ang anak ko at sinabi nya sayong pagod na sya?kung ikaw kaya ang ipalit ko sa kalagayan ng anak ko!itong papels?ito oh eh sign ko na."saka ko pinirapiraso ang papel na kelangan kung permahan para daw matanggal na nila ang machine sa katawan ng anak ko.

Ano ako tanga?na peperma ng lintek na papel na yun para tanggalan ng buhay ang anak ko.

Simula ng maging ganito ang nangyari galit na ako sa mga taong nasa paligid ko at galit ako sa may dahilan kung bakit nagkandaletche letche ang buhay ko.

Isa lang naman ang may kagagawan nito,walang iba kundi ang punyetang reyna ng kadiliman.

Una si lola,tapos si Rhei at ngayon naman si Rheim?

Hindi ako tanga para hindi malamang nandito lang sya sa tabi tabi at inuutusan ang doctor para patayin ang anak ko.

Hindi ako lumalabas sa kwarto ng anak ko dahil baka malingat na ako napatay na nya si Rheim.

Napalingon ako sa pinto ng pumasok ang nurse.

"Bakit?"mataray na tanong ko sa kanya.

"Kelangan nya pong maturukan ng gamot"sagot ng nurse kaya pinanlisikan ko sya ng mata.

"Naka machine ang pasyente tuturukan mo? at ang ituturok mo sa kanya ay gamot na may lason?kung iturok ko yan sayo!"nanlaki agad ang mata nya,halata sa mukha nya ang gulat kung bakit siguro alam ko.

Yan din ang ipinagtataka ko,simula ng mangyari ang insedinteng yun nagbago na ako,katulad ng malakas na ang pakiramdam ko,galit ako sa taong nasa paligid ko,mabilis din ang mga mata ko at kahit maliit na bagay nakikita ko at lalong lalo na malakas ang pandinig at pang amoy ko.

"Lumayas ka ng silid ng anak ko kung ayaw mong mapaglamayan mamayang gabe!"taranta namang lumabas ang nurse.

See? kung totong gamot ng anak ko yun ipipilit nya sakin na einject kay Rheim iyon.

Mayamaya ulit may pumasok nanaman kaya galit akong bumaling ng pinto.

Sisigawan ko na sana sya ng makitang si Nikita at Ysiad ang pumasok.

"Ano kelangan nyo?"mataray na sabi ko sa kanila.

"Kelangan mong ilipat sa ibang lugar ang tagapagmana dahil madaming tauhan ang reyna ng kadiliman na nakakalat lang sa hospital na ito para mapatay ang anak mo.Nabalitaan na din ng lahat ng bampira na patay na ang dating taga pag mana kaya inutusan kami ng hari at reyna na samahan ka sa pagbabantay habang hindi mo pa nahahanapan ng bagong malilipatang pagamutan ang tagapagmana."sabi ni Ysiad.

"Talaga nga namang hindi tumitigil ang babae na yun ha!"asar na sabi ko.

"Kaya kelangan na nating maalis ang anak nyo dito sa lalong madaling panahon,kada oras ang may dumadating na tatlong bampira na kampun ng kadiliman kaya kelangan nating mag ingat."sabat naman ni Nikita.

Sumangayon ako sa sinasabi nila kesa dito sa lintek na walang kwentang hospital na to.

Kapag magkita lang tayo reyna ng kadiliman,pangako papatayin kita.

 Lumabas ulit ng silid sina Nikita at Ysiad,bibilhan daw nila ako ng pagkain dahil hindi panaman daw ako kumakain at pinagtatyagaan ko ang rasyon ng hospital.

Pinapatigil din nila akong kumain ng rasyon dahil baka daw lagyan nila ng mga pampatulog na gamot at mapatay na nila si Rheim.

Palaging gumugulo sa isip ko ay kung bakit kelangan nilang patayin ang anak ko?

Anong kasalanan ng anak ko sa kanila para ganyanin sya?

Sabi ni Nikita ang reyna daw ng kadiliman ang nagutos na tanggalan ng preno ang sasakyan ni Rhei,target daw dapat nilang patayin ay ang anak ko.

Kaso nga naka protekta si Rhei kay Rheim kaya sya ang napuruhan,tyaka sabi din nito na mabubuhay pa daw sana si Rhei kung hindi sya nasunog.

Nakakainis nga dahil iniwan nya ako na hindi man lang nasabi sakin na mahal nya ako.

Madaya si Rhei,madaya sya.

"Kelangan na nating mailipat ng ibang hospital si Rheim,dahil may mangyayaring hindi maganda mamaya."sabi ni Ysiad sakin pagkapasok nya ng silid.

"Nasaan si Nikita?"tanong ko.

My Mysterious Neighbor [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang