CHAPTER 7: FIRST DAY

Mulai dari awal
                                    


*ting*


Lumabas na kami sa elevator. Ang unang stop, 5th floor. 


"This is a non smoking floor. Just like the other floors of the hotel it is consist of 25 deluxe rooms, 5 family rooms and 2 studio."


"Wow. Di ba po ang isang floor ay naka assign lang for 3 to 2 houskeepers?"


"Ah, yes." Tumigil kami sa tapat ng isang room. Ang nakalagay sa door ay D6. Binuksan yun ni Ms. Head officer using a card w/c is tinapat niya lang sa isang parang detector. Ang astig nga e. Itatry ko yun mimiya hehe.


"Ganito lahat ang hitsura ng deluxe room sa buong hotel. It has a 2 queen size bed." Paliwanag niya as we go inside the room.


Ang sosyalen ng interior design   niya infairness. A combination of gold and silver.


"So in every room na nakaassign sayo, you have to check first kung may naiwan ba ang guest or the other way around, na may kinuha siya."


Tinignan ko yung list na ibinigay niya sa akin. Aah nakalagay pala dito kung ilang towels, bedsheet, at kung ano ano pa ang meron sa isang room.


Then out of the blue bigla na lang may nagring. Nagkatinginan kami ni Ms. Head officer. Actually sure ako na di akin yun kase iniwan ko yung cp ko sa locker.


"Hindi ba sayo yun Ma'm Glazy?" 


Umiling ako. At yun sabay kaming naghanap. Nagriring pa din siya kaya madali namin nahanap. Nandun siya sa pinaka ilalim ng kama. Pano naman yun napunta dun?


Si Ms. Head officer ang sumuot sa ilalim para makuha. Nagvolunteer nga ako  na kukuha pero hindi siya pumayag. -_-!


Nung makuha na niya yung cp. Naputol na din yung ring. Sayang di tuloy nasagot.


"Probably naiwan ng guest. I'll excuse myself for a minute ma'm, I will check kung may naghahanap na sa front desk."


"Okay lang. Ah, Ms. Head officer, pwede po ba na pumunta na ako sa assigned floor ko? Excited na po talaga akong magsimula e."


Nung una nag isip siya pero..


"Yes, of course. I'll go check you after I surrender this thing."


Tapos yun, sabay na kaming lumabas. Siya pababa, ako naman pataas kase 15th floor ang nakaassign na floor sa akin. Haay excited na talaga ako. Sana maging friends ko yung mga makakasama ko.

Pagkadating ko sa 15th floor, bumungad kaagad sa akin yung isang trolley. Sino naman kayang  nag iwan nito dito? Aalisin ko na sana kase  nakaharang sa daan ng biglang may magsalita.


"Hey! Bakit mo pinapakelaman yan?!"


I turn around and saw a petite girl na nakapameywang pa. Pareho kami ng uniform pero masyadong fit na fit yung kanya. Tapos ang kapal ata ng make up niya.


"Nakaharang kase--" Bigla siyang lumapit at pinalo ng feather duster yung kamay ko na nakahawak sa trolley. Ugh! Ang arte naman nito.


"Teka nga, newbee ka dito no? Hindi kase familiar ang face mo." This time nakahalukipkip siya at parang ineeksamen ang kabuuan ko.


"Oo. Bago lang ako dito. I'm--"

"No need for that. Marunong akong magbasa, Glazy." 

Oo nga pala may suot akong name plate. 

"You're  just in time. Nagrerequest ng extra towel yung guest sa room D19." May kinuha siyang white towel sa ilalim ng  trolley. "Pakidala na lang." Inilagay niya sa kamay ko yung towel.

Aangal sana ako kaya lang, ang bilis niyang maglakad palayo tulak tulak yung trolley. Nakakainis! Siya yung inutusan tapos iuutos niya sa iba!

No choice ako kundi hanapin ang room D19. Hello ayoko kayang maging dahilan para magalit yung guest. At isa pa, first day ko naman ngayon e, kaya pagbigyan na.

Nasa tapat na ako ng room D19 ng may marinig akong soft giggles. Tumingin ako sa paligid kung may tao, pero wala naman. Haay, hunted ba tong hotel na ito? I took a deep breathe bago kumatok ng tatlong beses sabay sabing..


"Housekeeping!"


Hinintay ko kung may magbubukas at ng walang nagbukas, kumatok ulit ako.


"Housekeeping!"


and for the third and last time,


"Housekeeping!"


Base sa natutunan ko sa school, kailangan ng idikit ang tenga sa pinto tapos pag wala kang naririnig na lagaslas ng tubig mula sa shower ay pwede mo nang buksan yung pinto. Baka kase kung ano ng masama ang nangyayari sa guest. Napangiti naman ako sa thought na yun. I'll be a hero pagnagkataon hehe.


Ayun nga nung wala akong narinig na lagaslas ng tubig ay binuksan ko na lang yung pinto. Good thing hindi siya nakalock.


Pagkabukas ko totally nung room..


"Aaaaaaaaaah!"


"What the f*ck are you doing here?!"

Patay!




******

"We're really sorry." Countless times ng sinasabi yan ni Ms. Head officer sa malaking mama na  africano at sa mukhang hipon na babae niyang kasama. Nang irap pa nga yung babae bago sila sumakay ng elevator paalis. Ish feeling naman niya maganda siya?!

Kung itatanong niyo kung anong nakita ko pagkabukas ko ng pinto, nako! Nakakadiri kaya yung ginagawa nila. Umagang umaga kung mag anuhan parang wala ng gabi. Haay ang bad na ng isip ko! Stop na nga.


"Glazy girl, dapat nagtanong ka muna sa amin bago ka nagdala ng towel. Look at what happened, nagalit tuloy yung guest." Aisht! Kung makapagsalita siya akala mo hindi siya ang nag utos sa akin. Nakakainis!

"That's enough Marivic! Alam niyong bago lang si Glazy dito. And it's her first day. Ilang ulit ko bang sasabihin sa inyo na gabayan niyo ang mga bagong employees. At isa pa alam niyo bang--"

"Wag niyo na po silang pagalitan Ms. Karen. Kasalanan ko din naman po kase hindi ako nagtanong." Sa toto lang napilitan akong sabihin yun kase nararamdaman ko na yung sasabihin ni Ms. Karen sa dalawa. Sasabihin niya na asawa ako ng nag iisang apo ng may ari nitong hotel. 

"Opo Ms. Karen! It's really her fault." Sabi naman nung isa pang housekeeper na kasama nung Marivic.

"Shut up! Kayong dalawa sa office ko ngayon din!" Mukhang galit na galit si Ms. karen. Pati nga ako natatakot na din e.


"But Ma'm?!" Pareho nilang react.

"I said, in my office now!"

Magkapantay na ang nguso at ilong nila saka lang sila sumakay na ng elevator pababa.

Naiwan kami ni Ms. Karen aka Ms. Head officer. Akala ko nga pagagalitan niya ako e. Bigla niya kase akong hinawakan sa kamay.


"Ma'm Glazy, sorry po talaga kanina. Hayaan niyo pagsasabihan ko yung mga yun--"

"Nako hindi na kailangan. Ako nga dapat ang magsorry kase may napaalis akong guest."

"Hindi nyo po kasalanan yun. Basta po everytime na may magrerequest ipagawa niyo na lang po sa iba."

"Hindi naman ata tama yun. Employee din ako dito, wag mong isipin na iba ako. Ang totoo niyan Ms. Karen, gusto kong humingi ng favor sayo."

"Kahit ano po, sabihin niyo lang."






"Pwede bang ilihim mo muna sa iba .. kung sino talaga ako."

xoxo

SAYONARA_CHINJI

Vote / comment/ follow :))

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang