"It would need refueling and maintenance, which we don't have here," kibit-balikat na ani Colt.
"I think my condo would still have electricity even in a situation like this," sabi naman ni Natasha. "They have a partnership with a fuel company for continuous fueling ng generators in case of long outages."
"Then hindi ganito ang mangyayari sa totoong buhay para sa 'yo." Pumalakpak pa ng isa si August nang sa wakas ay makarinig ng isang bagay na kanina niya pa hinihintay. Halos takbuhin niya ang distansya patungo sa malaking screen na nasa Common Room. "This is not real life for Natasha Valentin!"
"What—August!"
"Ate August, what are you—"
Naputol ang mga tanong nang bigla na lamang sumindi ang mga ilaw sa Common Room. Pare-pareho silang napatingala, bago sabay-sabay na napatingin kay August.
"What did you do..." nalilitong tanong ni Ingrid.
"I think August just discovered a cheat code in this game," sagot ni Colt.
"What cheat code?" tanong naman ni Natasha. At nagtaka siya noong nalipat sa kaniya ang tingin ng lahat. "Me?"
*****
"What?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Ingrid noong makita ang pagtataka sa mukha ni August matapos siya nitong pagbuksan ng pinto sa kwarto ni Natasha. "JP can't be here to facilitate your meeting so I'll do it."
"Meeting?" kunot ang noong pag-uulit ni August.
"Are you not gonna?"
"Gonna what?"
"Talk!" Iminuwestra ni Ingrid si Natasha gamit ang dalawa niyang kamay. "About our cheat code!"
"Walang meeting, hija," sabi ni Justin na kasalukuyang pinupunasan ang kaniyang baril. "Nag-iisip lang ang lahat dito ng paraan kung paano natin mababago ang sitwasyon."
"Exactly," ani Ingrid habang tumutuloy papasok. "Nag-iisip tayo—so let's call it what it is: a damn meeting." Umupo siya sa kama saka inilibot ang tingin sa paligid. Mula sa sundalong nililinis ang baril nito, sina August at Natasha na nakatayo malapit sa pintuan dahil sumalubong sa kaniya kanina, si Colt na nakaupo sa swivel chair sa harap ng desk kung saan nakalatag ang mapa ng Nowhere, at si Angelo na tahimik lamang na nakaupo sa sofa. Ibinalik niya ang tingin kay Natasha. "You. You're our cheat code. Let's start using you."
"Uh... ouch?" ani Natasha, pero may bahid ng biro sa tono. "But sure. Go on."
"Cars, properties, connections. If this place is mimicking our country, then your dad's empire should have breadcrumbs here. We just need to find them."
Napabuntong-hininga si August nang mapagtantong hindi talaga papaawat si Ingrid sa 'meeting' na sinasabi nito. Humarap na rin siya kay Natasha. "May condo ka, check. Power supply, check. What else did your family own na puwedeng maging useful sa 'tin dito?"
Bahagyang napangiwi si Natasha. Sa dami ng pag-aari ng pamilya niya, hindi niya alam kung saan magsisimula. "Aside from real estate?"
Wala pang nakakasagot nang paikutin ni Colt ang kinauupuan niya para humarap sa kanila. "Wait, I don't think the game is gonna give us everything."
YOU ARE READING
Player Z
HorrorStrangers kidnapped and trapped in a walled city must fight to survive a game against the infected... unaware that one of them holds the key to it all. ***** They didn't volunteer. They didn't sign up. They were taken. One by one, hundreds of strang...
Chapter 7 - The Cheat Code
Start from the beginning
