Chapter 7 - The Cheat Code

145 13 0
                                        

Chapter 7 - The Cheat Code



"JP!" Iyon man ang pangalang isinisigaw ng lahat, alam din nilang wala na ang nagmamay-ari niyon. Ang nilalang sa harapan nila na mayroong mukhang katulad ng kay JP, namumuti na ang mga mata, nangingitim ang mga labi, at ang balat ay tila naaagnas na.



Mula sa bahagyang pagkakayuko, unti-unting iniangat ng nilalang na iyon ang itaas na bahagi ng katawan nito. Maya't mayang may tunog ng butong lumalagutok o nababali. At tila ba pinaghandaang effects, biglang nagpatay-sindi ang mga ilaw sa basement parking.



"Gago, ano bang horror movie 'to," hindi napigilang sabihin ni August.



"The power went out right after you left kanina," kuwento ni Natasha. "Some of the guys turned on the generator sa kabilang dulo ng baseme—AAAHH!"



Bumalik na sa ayos ang pagkakasindi ng ilaw, kaya kitang-kita nilang lahat ang biglang pagsugod ng zombie sa direksyon nila. Mabilis. Taliwas sa hitsura nitong parang bangkay, tila buhay na buhay ito dahil sa liksi ng bawat kilos.



Bang!



Muling binaril ni August ang zombie sa balikat nito, pero tila ba pitik lamang ang naging epekto niyon. Ni hindi bumagal sa pagtakbo ang zombie at patalon na dumamba sa kanila.



Bang!



Bumaril din si Justin at tinamaan ang zombie sa hita nito habang nasa ere. Pero wala rin iyong naging epekto dahil doon na mismo bumagsak ang zombie sa harapan ni Natasha.



"AAAHH!" sigaw ni Natasha noong akmang sasakmalin na siya ng kamay ng zombie. Pero isang palakol ang biglang tumarak sa braso nito.



"Takbo!" sigaw ni Angelo kay Natasha bago hilahin ang itak niya.



Bang!



"Eloy!" pagtawag ni August sa binata, kasabay din ng pagsigaw ni Colt sa pangalan nito dahil tila galit na galit ang zombie nang sugurin ito. "Angelo!"



Ibinaon ni Angelo ang talim ng palakol niya sa leeg ng zombie at sumirit ang dugo mula roon. Sandali itong napatigil at ginamit niya ang sandaling iyon para lumayo, at bigyan ng pagkakataon ang mga kasama niya. "Ate August!"



Bang!



Umalingawngaw sa buong basement ang tunog ng pagtama ng talim ng palakol sa konkretong sahig noong matanggal iyon sa leeg ng zombie, matapos nitong bumagsak dahil sa bala ng baril na bumaon sa noo nito.



"JP!"



*****



"There really wasn't any other option?" Halos walang boses pero seryoso ang pagtatanong ni Ingrid habang nakaupo sa harapan ng mga lumabas kanina para gawin ang Game 2 sa Nowhere. Apat sa mga lumabas. "You really had to kill him?"



"Ingrid, you went down the basement before he was shot to death. You saw what he looked like and how he acted. That's not JP. That's a zombie," ani Colt. Wala talaga siyang balak na magsalita, pero base sa mga hitsura ng mga katabi niyang nakatulala lamang, napagtanto niyang walang ibang sasagot kung hindi siya.



"'Wag tayong mag-panic. Kaya pa rin natin 'to kahit wala si JP."



Nagpanting ang mga tainga ni Ingrid nang marinig iyon mula sa isa sa mga residente ng Sentinel Tower na nakapalibot sa kanila sa Common Room. Tumayo siya kaagad at hinarap ito. "What the fuck is wrong with your stupid brain?!"



Player ZDonde viven las historias. Descúbrelo ahora