"What?!" gulat na tanong ni Natasha saka napatingin sa braso ni August.
"We have August," ani Colt, bahagyang naguguluhan kung bakit tila nababahala si Justin na may sniper ang ibang grupo sa Nowhere.
"Oo, pero ilan bang dating trainee para sa Olympics ang kinidnap para ilagay dito?" tanong ng sundalo at tanging mga naguguluhang tingin lamang ang nakuha niya. "Tiningala ko lahat ng rooftop na malapit sa 'tin, wala akong nakita. Ibig sabihin, nasa malayo talaga 'yong sniper."
"M-Maybe they were able to loot a sniper rifle?" Maging si Natasha ay hindi sigurado sa kaniyang sinabi.
"Sa police station tayo nakakuha ng firearms. Walang ibang lugar sa mapa na puwedeng pagkuhanan ng baril, lalo na ng sniper rifle."
"We woke up here as who we were outside," ani Colt. "Maybe they're really a sniper."
Muling naihilamos ni Justin ang mga palad sa kaniyang mukha nang marinig ang posibilidad na kanina pang bumabagabag sa kaniya. "May sniper ang team ko noong dumating kami rito."
"Oh?!" namamanghang sabi ni Natasha. Sa loob lamang ng isang segundo, nagbago ang ekspresyon niya. "But they're kalaban..."
"We have August," pag-uulit ni Colt. Napatingin sa kaniya sina Natasha at Justin, maging si Angelo, bago nila sabay-sabay na inilipat ang mga mata sa babaeng tinutukoy—na hanggang ngayon ay nakatulala lamang.
Pagdating kay August ay naintindihan kaagad ng apat ang pagiging tulala nito. Lahat sila ay nakasama si JP. Lahat sila ay hindi ginusto ang sinapit nito. Pero alam nilang doble ang bigat ng nangyari para sa taong kinailangan itong barilin para mamatay.
"Ate August..." mahinang pagtawag ni Natasha sa kaniyang katabi. "Hindi mo kasalanan—"
"Doctor Esteban worked for the Department of Research, katrabaho siya ng papa ko."
"August," madiing pagtawag ni Colt.
"Sila ang aksidenteng gumawa sa virus na dahilan kaya nagiging zombie ang isang tao."
Napasinghap si Natasha. Napahakbang si Justin papalapit. Napakunot ang noo ni Angelo. Lahat sila, nanlalaki ang mga matang nakatingin kay August.
"Sinabi niya 'to sa inyo noong dumating siya rito? Bago siya namatay?" tanong ni Justin.
"Sabi niya, si papa ang unang infected."
Napapikit na lamang si Colt, alam na desidido na si August na isiwalat ang lahat kina Natasha, Angelo, at Justin. Samantala, hindi malaman ng tatlo kung paanong magre-react. Nagulat na sila kanina, pero tila sa bawat buka ng bibig ni August ay may bago nanaman silang ikagugulat.
"Lahat daw ng nagiging infected, may trace ng DNA ni papa." Sa unang pagkakataon ay nag-angat ng tingin si August. Isa-isa niyang tinignan sa mga mata ang mga kasama, at huminto siya kay Colt. "DNA namin."
"What..." Napaawang na lamang ang mga labi ni Natasha.
"'Yong tato mo..." sabi naman ni Angelo na unti-unti nang napapagtagpi ang lahat.
Ipinakita ni August ang letrang Z sa kaniyang braso. "Inilagay daw ako rito para makita nila kung aatakihin ba ako ng zombies o makikilala nila ako bilang isa sa kanila."
"Pero hindi, 'di ba?" tanong ni Justin. "Inaatake ka rin nila."
"Because she's with us," si Colt na ang sumagot. "Back at the prison, may zombie na nakaharap mismo sa kaniya pero tumalikod at lumayo."
YOU ARE READING
Player Z
HorrorStrangers kidnapped and trapped in a walled city must fight to survive a game against the infected... unaware that one of them holds the key to it all. ***** They didn't volunteer. They didn't sign up. They were taken. One by one, hundreds of strang...
Chapter 7 - The Cheat Code
Start from the beginning
