"Ingrid." Tumayo rin si Colt para umawat.
"P-Pinapagaan ko lang naman ang loob ng iba—"
"Do it in another room!" sigaw ulit ni Ingrid. "Because people who cared about JP are just about to start mourning here! Hell, kahit hindi ka magluksa, kamamatay lang n'ong tao! Maghintay ka naman kahit one day!"
"Ingrid," pagtawag ulit ni Colt. Nilapitan niya na ito at bahagyang hinila sa braso. Pagsasabihan niya pa sana pero humarap ito sa kaniya nang umiiyak kaya napabuntong-hininga na lamang siya.
"JP lead all of you ungrateful— Fuck!" nauwi sa pagmumura ang gigil na pagsasalita ni Ingrid noong biglang namatay ang mga ilaw sa loob ng Common Room. Saglit na dumilim sa buong silid, hanggang sa hawiin ni Natasha ang makakapal na kurtina sa floor to ceiling na mga salaming bintana.
"Shit, 'yong natitirang meat sa ref!" nagpa-panic na sabi ng isa pang residente ng Sentinel Tower saka ito tumakbo palabas. Saglit lang, narinig pa nila ulit ang sigaw nito na "shit! Walang elevator!"
Napabuntong-hininga na lamang si Colt. "If you all need to check something in your rooms, we'll just distribute the food later—" Hindi pa siya tapos magsalita nang iwakli ni Ingrid ang pagkakakapit niya sa braso nito. Nauna na itong lumabas ng Common Room, at maya-maya ay sumunod na rin ang iba.
Nang muling tumahimik ang Common Room ay nilingon ni Colt ang mag naiwang kasama niya. Si Natasha lamang ang nag-iisang tumingin sa kaniya pabalik. Ang ginagamot nito na si August, maging sina Justin at Angelo, nakatulala pa rin.
"Uh..." Awkward na ngumiti si Natasha noong sinubukan niyang magsalita pero sadyang hindi siya makaisip ng dapat na sabihin. "Ano—"
"Nakalimutan ko," biglang sabi ni Angelo. Nagkatinginan sina Natasha at Colt bago muling humarap sa kaniya. "Magkasama kami bawat segundo kanina. Dapat naalala ko agad na iniwan niya 'yong armas niya para makapagbuhat ng kahon. Wala siyang panlaban—"
"Hey, hindi mo—" Sandaling napatigil si Natasha sa pagsasalita, literal na nakalimutan ang kasunod niyang sasabihin. "Hindi mo fault—kasalanan! Hindi mo kasalanan 'yon!"
"Pero kasama namin siya."
Umiling si Natasha. "You're all—pare-pareho kayong nakikipaglaban. It's unfor— Uh... Sana hindi siya nag-happen, pero... Basta hindi n'yo kasalanan 'yon!" Nahihirapan nang mag-Tagalog, at pansin na hindi kumbinsido ang mga kaharap niya, binigyan ni Natasha si Colt ng isang tingin na tila humihingi ng tulong.
Humugot si Colt ng malalim na hininga. "JP's the type of person who calculates every move and every possibility. He knew the risks when he volunteered."
"Right!" pagsang-ayon pa ni Natasha, tapos nang balutin ang sugat ni August mula sa daplis ng bala. "Even Kuya JP would say na hindi n'yo kasalanan 'yon!"
"'Wag mong sisihin ang sarili mo," seryosong sabi ni Colt kay Angelo. Noong sa wakas ay tumango ito, inilipat niya ang tingin sa katabi nitong si Justin. "Cap."
"Huh—" Tila nagulat pa si Justin nang mapagtantong nasa Common Room sila—na nakapagpalito kina Colt at Natasha. Buong akala nila ay sobrang apektado rin ito sa nangyari kay JP, pero tila may iba pang bumabagabag sa sundalo. "Sorry."
"Are you okay po?" nag-aalangang tanong ni Natasha.
Saglit pang pinroseso ng utak ni Justin ang tanong bago siya tumayo at naglakad nang kaunti. Ihinilamos niya ang mga palad sa kaniyang mukha bago muling humarap sa mga kasama. "May sniper kanina."
YOU ARE READING
Player Z
HorrorStrangers kidnapped and trapped in a walled city must fight to survive a game against the infected... unaware that one of them holds the key to it all. ***** They didn't volunteer. They didn't sign up. They were taken. One by one, hundreds of strang...
Chapter 7 - The Cheat Code
Start from the beginning
