Chapter 37: Sakanya ka na..

Magsimula sa umpisa
                                    

“Tss, lumayas ka nga dito!” – sigaw ni Tricia, hahaha! Nahihiya parin si Tricia na ipakita yung totoong nararamdaman niya, kahit sila na ni Mondragz. Samantalang dun sa ginawa niyang video grabe siya maglambing kay Mondragz.

“Ayoko nga.” – pangungulit ni Mondragz.

“Psh, kung ayaw mo umalis edi babalik nalang ako dun sa pagwawalis!” – iritang sabi ni Tricia saka tumakbo.

“Sandali lang HoneyBabe!” – sigaw ni Mondragz saka hinabol si Tricia, napangiti nalang ako..

Grabe talaga, lahat yata ng barkada ko inlove ngayon. Ako kaya? Lol.

“Glecy.”

Napalingon ako sa tumawag saakin.

“Cazey?!!” – sigaw ko.

Bigla akong kinabahan, galit pa rin ba siya saakin? Dahil sa nangyari nung Christmas Party..

“Tulungan na kita.” – nakangiting sabi niya atsaka iniwasan ang mata ko. Hindi mukhang lesbi si Cazey, mukha talaga siyang lalaki. Hindi mo siya mapagkakamalang babae.

“Salamat.” – nauutal na bulong ko.

“Kumusta kayo?” – panimula niya ulit.

“Huh?”

“Kayo..kayo ni Carlo..”

“Caz—“

“Alam ko, hindi naman kayo eh. May tiwala naman ako sayo Glecy, kaya lang nung nakita ko kayong magkasayaw nung gabi na yon nakita kong mas bagay kayo. At mas makakabuti nga siguro kung sakanya ka mapupunta.”

“Cazey naman...”

“H’wag kang mag alala okay lang naman ako eh. Nasaktan ako oo.. 2 years din kasi yun eh. Hindi madaling kalimutan. Kinausap ko si Carlo.” – tumingala siya at tinignan ako sa mata.

“Sabi ko alagaan ka niya. Hindi naman kami nag away. Siguro kung naging lalaki lang talaga ako, hindi talaga kita isusuko.” – patuloy niya.

“Cazey, hindi naman importante saken yun eh. Mahal kita, alam mo yan.” – sagot ko.. Mahal ko talaga si Cazey..

Ngumiti siya.

“Hindi Glecy. Siguro..gusto mo lang ako. Pero hindi mo ako mahal, dahil hindi mo ako tinitigan ng katulad ng tingin mo kay Carlo nung gabi na yon.  Hindi mo na kailangang sisihin ang sarili mo. Dahil pinapalaya na kita.” – tumayo siya at lumapit saakin.. Hinila niya ako at niyakap.

“Malay mo. Sa next life, lalaki na talaga ako. Salamat Glecy kasi tinanggap mo ako ng buong buo. Mahal kita.” – humigpit ang yakap niya saakin..Hanggang sa naglakad na siya palayo..

__

“Hanga ako sakanya. Alam mo kung naging tunay na babae yang si Cazey..I mean kung hindi siya boti, baka sakanya pa ako mainlove, at hindi sayo.” – biglang sulpot ni Carlo.

Tinignan ko siya ng masama, saka pinagpatuloy ang ginagawa ko.

“Sungit mo ah.”

“Umalis ka na.” – inis na sabi ko.

Nginitian niya lang ako.

“Hindi na kita aasarin simula ngayon. Mahirap na baka balikan ka pa ni Cazey.”


..to be continued..

 


_Ash..

Student TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon