Prologue

1.2K 68 32
                                    


"Finally, there you are Baby Mour!"

What the heck? Baby Mour? Napalingon ako sa likuran nang marinig ang surname ko. Napatigil ako nang makita ang nagsalita. Si Mr. Cato Pritzker, ang founder ng underground society dito sa Pilipinas. Ang tinaguriang silent and powerful killer of the century.

"What do you want?" diretsong tanong ko habang nakatitig sa kanyang mga mata. Dark and power, ang mga mata niyang nakapanghihina ng tuhod oras na tumitig sa 'yo. Inihanda ko naman ang magkabila kong kamay. Anytime na may mangyari ay nakahanda akong kunin ang mga baril na nakaipit sa loob ng damit ko.

"Hindi mo ako kilala?"

Napangisi ako sa tanong niya. "I definitely know you, the silent killer of the century. So what are you doing here?" Hindi maganda ito, mukhang ako ang kailangan niya kaya siya nandito.

Napalingon ako sa paligid nang marinig ang pagsarado ng mga bintana at pinto sa loob ng main hall. Unti-unting dumidilim, may naghagis ng tear gas sa isang parte ng hall kaya mabilis na nagtakip ng mukha ang bawat isa. Bumukas naman ang ilaw sa loob pagkaraan ng ilang segundo. Hinanap agad ng aking paningin ang mga kasamahan ko. Pero hindi ko sila makita, where are they?

"Looking for someone?" Napalingon ulit ako kay Mr. Pritzker.

"Just answer my question! What do you want?"

"I want you Baby Mour!"

"What the hell! Hindi ako nakikipaglokohan!"

"Likewise dear!" Bigla siyang lumapit sa akin at bumulong, "Fight me now!"

Yumuko agad ako at pumihit papunta sa likuran niya. This guy will surely see the real me! Kinuha ko kaagad ang dalawang baril na nakaipit sa ilalim ng damit ko. Magkabilaang kamay ko ito itinaas ngunit bago ko pa maitutok sa kanya ay pumihit na siya paharap sa akin.

Tinabig niya ang aking kaliwang kamay dahilan para mabitawan ko ang isang baril. Malakas siya, ramdam na ramdam ko pa rin ang bigat ng kanyang kamay.

"Shit!" mahinang singhal ko. Namumula ang kaliwang kamay ko at hindi ko ito maigalaw. Ayokong ipahalata sa kanya ang sitwasyon ko ngayon. Kaya naman gamit ang kanang kamay ay tinutok ko kaagad ang naiwang baril sa ulo niya. Hindi siya gumalaw, nanatili lang siyang nakatayo at nakatitig sa mga mata ko.

"Shoot me Baby Mour," nakangising sabi niya. Walang bahid ng takot ang kanyang mga mata, in fact ako pa ang nanghihina sa mga titig niya, nakapanginginig ng tuhod.

Bakit pa siya tinaguriang powerful century killer kung sa simpleng kilos ko lang ay matatalo ko na agad siya. May iba pa siyang plano, nakakasigurado ako.

Nanatili kami sa ganoong posisyon. Hindi ko pa rin mabasa kung ano ang susunod niyang gagawin. Kaya naman pinakita ko sa kanyang kukulbitin na ng daliri ko ang hawak kong baril para doon mabaling ang kanyang atensyon. Napatingin siya, kaya sa loob ng ilang segundo ay tinaas ko na agad ang kaliwang binti ko at sinipa siya sa tagiliran.

Nakita ko ang pagyuko niya subalit kasabay no'n ay ang paghablot niya ng baril sa kanang kamay ko. Nanlaki ang aking mga mata, nagawa niya iyon ng mabilis at hindi mo talaga mararamdaman.

"Baby Paula, you're the only one left from Mour's family. Did you know that?"

Tama siya, ako na lang ang naiwang buhay sa lahi namin. Hindi ako umimik, mukhang may alam siya tungkol sa pamilya ko. Ilang taon na ang nakalilipas nang patayin ng hindi ko kilalang grupo ang buo kong pamilya. Ako lamang ang nakaligtas sa tulong ni Tito Westley.

"Mukhang hindi mo alam," muling sabi niya habang pinagmamasdan ako.

Pinakiramdaman ko ang aking mga kamay. Okay na ulit sila, naigagalaw ko na ng maayos. So I think, ito na ang simula ng totoong laban.

Mour: The Cogent FamilyWhere stories live. Discover now