Chapter 4 (part 1)

Start from the beginning
                                        

Wala gaanong gamit at patay ang mga ilaw. Lumapit ako sa isang shelf ng may makitang isang frame ng picture, May isang lalaki na mukang strikto, medyo may katandaan ang itsura pero mukang nasa thirties palang at may katabi itong binata na hula ko ay ito ang Kail na hinahanap namin. Matikas pangangatawan nya pero nasa labing walong taong gulang palang ata sya sa picture na to. Tanda ko na, dating right hand man ni Semion ang tatay ni Kail kaya hula ko ay patay na ito at sya ang naging Consigliere ni Semion.

"Come here." Biglang sambit ni Stefanos na nasa taas ng hagdan, binitawan ko ang picture at sumunod agad sa kanya.

Umakyat kami pa puntang second floor, madilim ang loob ng bahay pero kahit papaano ay nakikita pa din namin ang paligid. Pansin ko din ang pagiging tahimik ng lugar kaya mukang walang tao.

Binuksan ni Stefanos ang isang pinto ng kwarto kaya dahan dahan kaming pumasok sa loob.

"This is his room." I said when I smell a manly perfume.

Magulo ang gamit sa kwarto, lumapit si Stefanos sa lamesang nasa sulok na magulo ang mga papel sa ibabaw kaya isa isa nya itong tiningnan. Hindi ko maiwasan mamangha sa kanya dahil sobrang kalmado nya at kahit mukang hindi sya nag iingat sa kilos nya ay alam nya ang ginagawa nya.

Matagal na kaya nya to ginagawa?

"Instead of starring at me, find some clues where possibly him." Sambit nito ng hindi lumilingon sakin na kina pula ng tenga ko at pisnge.

"A-ano ba ginagawa ko? N-naghahanap kaya ako." Bahagya kong singhal at mabilis ng nagtingin sa lugar.

Ito na nga ba sinasabi ko! Wala ako sa focus!

Walang gaanong gamit din dito. Napatingin ako sa lapag ng may mapansing kakaiba ang kulay sa tiles. Kulay brown na parang mahogani ang tiles ng sahig pero may kakaibang kulay na naka kalat dito, parang itim. Kinuha ko ang phone ko para makita ng maayos at binuksan ang flashlight, tinututok ko ito sa sahig at maupo.

"His not here, some papers are missing and it could be important. He take it away with him." Sambit ni Stefanos habang binubuklat pa ang ilang papel sa lamesa.

"Mukang tama ka nga, tingnan mo to." I tell him kaya lumapit naman sya at yumuko sa tabi ko. "Mga natuyong dugo. Mukang dito sya dumaretsyo matapos ang nangyari sa condo ni Semion." Paliwanag ko.

Nang walang marinig na salita sa kanya ay napalingon ako pero agad akong natigilan ng mapagtanto kung gaano kalapit ng muka namin sa isa't isa. Tumingin ang mga mata nya sa mga mata ko, parang naninigas ang katawan ko kaya hindi ako makagalaw palayo sa kanya.

"If I said, I will explain everything to you, you will listen at me?" Sambit ng baratinong boses nito na mukang nagsusumamo pero seryoso pa din ang muka.

Biglang kumirot ang ulo kaya mabilis akong napatayo at lumayo sa kanya. "N-not now Stefanos, we n-need to prioritize this. Baka maghintay sila." I said and I feel my hands trembling.

I'm not prepared for this, not here, not in this kind of situation.

"Please Yumi, I know I hurt you but I have feelings that I need to tell everything to you--"

"Why now?!" Bigla kong sigaw sa kanya at may pamumuong luha sa mata ko ang nagbabadya. "Bakit hindi pa noon?!"

I saw the pain on his eyes and he walk near at me, I step back but he still reached me faster then he hug me tightly. Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang bumigay sa nararamdaman.

"I'm sorry." Sambit nya. May kung anong kumirot sa dibdib ko pero parang gumaan ang pakiramdam ko ng banggitin nya yun. "Sorry for what I've done to you. I know this is not enough and I can't promise anymore." Bulong nito sa mga tenga ko habang hinahagod ang mahaba kong buhok.

Triggers of Reminiscence Where stories live. Discover now