Napamulat ako at may liwanag na sumalubong sa mga mata ko kasabay ng pananakit ng ulo.
"W-what happened?" Nanghihina kong sambit at bumagon paupo. Nang umayos-ayos ang pakiramdam ko ay pinalibot ko ng tingin ang paligid.
Nasa isang kwartong puti ako, bukas ang mga bintana at bahagyang naka-bukas din ang kurtina, liwanag galing labas siguro ang sumisilaw sakin kanina. Napatingin ako sa side table ng may Myosotis flowers sa isang vase na nakapatong dun, mukang kakalagay lang din nito.
Kanino naman kaya galing? O baka mga nurse naglalagay.
Napayuko naman ako sa sarili ko kaya nakita kong may nakalagay na swero sa kanang kamay ko. Suot ko pa din ang up-shoulder kong black dress na suot ko kagabi pero may nakapatong na black coat. Kanino--
Naalala ko na, nawalan ako bigla ng malay kagabi at nasa bisig ako ni Stefanos, sya siguro nagdala sakin dito sa hospital at mukang sa kanya tong coat na to. Mapait akong napangiti at maalala ang mga sinabi nya pero may sinasabi pa sya bago ako mawalan ng malay, ano kaya yun?
Niyakap ko ang sarili ko at mas maramdaman ang init galing sa suot kong coat. It feels good to remembering what he'd said last night.
Bigla akong napalingon sa pinto ng tumunog ang doorknob nito. A-andito ba sya? Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. A-alam na kaya nya nangyari sakin? I don't want to make him worried.
Bumukas ang pinto kaya mahigpit akong napahawak sa kumot na nasa ibabaw ko.
Bumungad sakin ang seryosong muka ng lalaki na nakasuot ng pormal at mukang hindi pa ito nakakapagpalit galing trabaho. "K-kuya Riven?" Gulat at taka kong tanong.
"Gising ka na pala." Ngiti nitong sabi at naglakad palapit. May dala syang supot ng pagkain na inabot sakin at naupo sa gilid ng kama ko. "How's your feeling?" He asked in worried.
"I'm okay now. Bakit ka nandito?" Tanong ko.
"Stefanos called me. Bigla ka daw hinimatay kaya dali dali akong pumunta dito galing Bulacan." Kunot noo nitong sabi at napayuko naman ako.
"He knows?" I asked at alam kong alam nya tinutukoy ko, natagalan pa sya sagutin ito.
"No." He shortly answered. He suddenly clicked my forehead that cause me curse in pain.
"Fuck, ang sakit! Bakit ba?!" Inis kong singhal habang hinihimas ang noo.
"Don't make me worried again. Sabi ng Doctor na nakakaligtaan mo uminom ng gamot at hindi ka pupunta on your appointment for consultation." Diin nitong pangaral.
"I can handle myself Kuya Riven tsk." Irap kong sabi.
"Ayan pairalin mo katigasan ng ulo mo. Sa susunod isasama na kita."
"Ihhh! Ayaw ko nga!" Mabilis kong angal na kinangiwi nya ng sarkastiko. He crossed his arms and look at me like he's judging me.
"Now you don't want to? before you asked me to bring you with me to Bulacan." I see his smirked kaya nakaramdam ako ng pamumula. "Why you suddenly change your mind ha? Because his--"
"Shut up! Umalis ka na nga!" Putol ko agad sa sasabihin nya at tinutulak paalis. Rinig ko ang pagtawa nya at kusang umalis sa kinauupuan.
Pumunta lang ata to dito para kulitin ako. Kainis.
He brushed my hair. "My reminder, Yumi, ha. Don't forget."
"Yah, I know." Panguso kong sabi.
He planted a kiss on top of my head and hug me. "Kailangan ko na umalis, pumunta lang talaga ako dito para mabisita ka. Bawasan mo na pagiging matigas ang ulo ha, iuumpog na kita pag di ka umaayos." I hugged him back.
YOU ARE READING
Triggers of Reminiscence
Short StoryHello there! This story may take so long to be completed nyahh, but hope you guys like the story. Follow this accounts: Facebook: Lucidusk Writings Tiktok: @Faconeire
