Chapter 4 (part 1)

Start from the beginning
                                        

Napatingin ako kay Logan at pabulong na sinabing sorry kaya bahagya lang syang ngumiti pero nakita ko ang pagkadismaya sa mata nya. Kami lagi ni Logan ang partner tuwing may mission kaya siguro nasanay na sya na ako ang kasama.

Pumasok ako sa passenger seat ng kotse ni Stefanos. "Why the hell he said that I'm into him? Pshh baka kung ano isipin ni Logan sa sinabi nya." Mahina kong singhal.

Naglakad si Stefanos paikot sa driver seat at pumasok. Dali dali naman akong nagsuot ng seatbelt kaya ini-start na din nya ang kotse paalis. Amoy na amoy ko ang scent nya sa loob ng kotse, hindi din ito ang dati nyang kotse na ginagamit. It's a Black GT-R.

I look at him while he's driving. His jaw was clenching and gripping tightly the steering wheel, looks pissed. 

"Y-you..." Pauna kong sabi pero hindi sya lumingon sa gawi ko. Pinilit ko maging matigas pero ang totoo ay medyo kinakabahan ako. "Don't be rude talking with Logan, I know him and don't say I'm into you, I'm not a thing."

"Yumi." He called my name in a sounds of frustrated. Inantay ko naman ang iba nyang sasabihin. "You don't like him, right?" He suddenly asked.

Nanlalaki ang mata ko sa klase ng tanong nya. "B-bakit mo naman na tanong yan?"

Ilang minuto ang lumipas but he didn't say anything. I know what I should answer but I don't know what he's thinking for asking me about it. Because of what happened earlier?

"Just forget what I said." Kalmado biglang sambit nito.

Nagbago isip? Nyare?

Hindi ko nalang pinansin pa yun at sinandal ang sarili ng komportable. Ang mahalagang isipin ngayon ay ang mission, mahanap si Kail bago kami maunahan ni Sergei kaya papunta kami ngayon sa house nya.

Napatingin ako sa side mirror ng lumiko pa kanan ang kotse ni Logan at Ryo, samantala sina Nova at ang iba pa ay sa kaliwa lumiko.

"Where they're going?" I asked.

"We're the only one who will find the Consigliere. The rest of them will find where the base of Solntsevskaya." Sambit ni Stefanos.

"O-okay." I closed my eyes to relax myself and to stop my mind thinking unimportant things.

We need to find Kail dahil sya ang may alam at makakapag patunay ng mga conclusions sa nangyari sa Boss nya at Underboss.  Di pa din kami sigurado kong inosente nga sya.

Nakadating kami sa lugar kung nasan ang bahay ni Kail, tinigil ni Stefanos ang kotse nya sa medyo kalayuan. Bumaba kami at naglakad palapit habang pinagmasdan ko ang kabuuan ng bahay. Malaki ito at mukang tahimik ang lugar.

"Nandito kaya sya?" Tanong ko.

"Let's see." Sambit ni Stefanos at nauna lumapit sa bakod. Bigla sya tumalon at kumapit sa samentong bakod para maka akyat.

Akala ko ay tatalon na sya pababa pero nilahad nya ang kamay sakin para tulungan ako, Naglakad ako palapit at hindi pinansin ang kamay nyang nasa harapan ko, tumalon din ako at inangat ang sarili pasampa sa bakod.

"No need." Sarcastic kong ngiti na kina irap nya lang. Aba aba.

Sabay kaming tumalon pababa, kinuha ko naman ang isang dagger ko at dahan dahang naglakad papuntang main door. Kailangan naming mag ingat--

"Huy! Wala tayo sa mall, ayusin mo lakad mo!" Inis kong singhal sa mababang tono ng makita ang kasama ko. Kung makalakad kase ay parang bisitang namamasyal.

Hindi nya ko pinansin at pinihit ang doorknob ng bahay. Nanlaki ang mata ko ng mabuksan nya ito, hindi naka-lock. We walk inside, nilibot namin ng tingin ang paligid.

Triggers of Reminiscence Where stories live. Discover now