Chapter 4 (part 1)

Mula dari awal
                                        

"Tsk. Mag-jowa ka na nga, ang pait ng buhay mo eh." Pabiro kong sabi at natawa lang sya. Nag babye kami sa isa't isa at kumaway pa muna sya bago lumabas ng kwarto.

Nakangiti akong binuksan ang supot na binigay nya ng may burger na nakalagay dun.

Sweet talaga ng kuya ko hehe.

...

Busangot akong naglalakad papuntang back gate. Kasama ko ngayon si Nova at ang iba, pati si Stefanos.

Nasa huli kami ni Nova, sa unahan namin si Ryo at Logan sunod ang dalawang kambal. Si Hein naman ay feeling close na kasabay na si Stefanos sa paglalakad. Seryoso akong nakatingin sa kanila pero sa loob-loob ko parang gusto ko manaksak.

Dalawang araw na ang nakalipas simula ng ma-discharge ako sa hospital pero hindi man lang sya sakin bumisita, kahit anino ay wala. Ang malala pa, ang laki kong shunga na umaasa at naghihintay arggh.

"G ka ba, Yumi?" Biglang banggit ni Nova kaya napatingin ako sa kanya.

"H-ha?" Taka kong tanong.

"Kanina pa ko nagsasalita dito, hindi mo pala naiintindihan!" Panguso nyang sabi habang nakasaklay sa braso ko ang braso nya. Bahagya naman akong napakamot sa ulo sa hiya.

"Hehe, sorry. Ano nga ulit yun?" Ngisi kong sabi, bago pa makapagsalita si Nova ay napalingon kami sa unahan ng tumigil sina Stefanos at Hein.

"We're here." Sambit ni Stefanos at lumingon sa gawi namin. Nagtama ang tingin namin pero agad din akong napaiwas.

"Alam naman na ng lahat ang plano, tama? So, let's now separate into our designated duos." Sambit ni Logan kaya naglakad kami sa kanya kanyang buddy.

Kailangan ko umarte na parang walang nangyari. Yumi Relax. Naglakad ako palapit kay Stefanos pero ng hindi tumitingin sa mga mata nya. Huminto ako ng ilang dipang layo at mukang hindi naman nya pansin na lumalayo ako sa kanya.

"Mission 1.0, take off the heads of Solntsevskaya and find the scared Consigliere mouse." Ngising sambit ni Hein habang nagpapalagutok ng mga buto sa daliri at leeg.

I fixed my gloves and earpiece, I think kompleto naman na ang gamit ko sa waist bag ko na black bago ako umalis kanina.

"You're fine now?" Sambit ng katabi ko.

"Mmm." Maikling tugon ko. "T-thank you pala." Kabado kong sambit.

Inantay kong magtanong sya o simulan yung usap tungkol sa nangyari samin kagabi sa garden area. Pero parang wala syang balak pag-usapan namin to. Well pabor ako dun pero hindi ko maiwasan mag-isip.

Baka pinagtripan nya lang ako kagabi?!

Naglakad na kami palabas ng base.  Malapit nako sa kotse ko na naka park sa kalsada ng biglang tinawag ako ni Logan. "Yumi, you can ride with me." Alok nito.

Ahmm, pede naman para wala akong dalang sasakyan, baka matangay pa ng kalaban. "Sure--"

"She will ride with me." Singit ni Stefanos na kinagulat namin.

"She said yes bro. Don't decide for her." Seryosong sambit ni Logan.

"K-kay Logan nako sasabay, sya kasama ko lagi pag may mission." Utal kong sabi habang natataranta sa sarili.

Lalo akong hindi makakapag focus sa pag-iisip kung nasa iisang sasakyan lang kami.

"Your mine now, so you're going to ride with me. Don't forget your an Alpha." Diin nitong sabi na kinanuot ng noo ko.

W-what did he said?

"E-excuse me, I'm not--"

"Get in the car." Maotoridad nitong sabi na nagpakilabot sakin dahil sa tono at tingin nya.

Triggers of Reminiscence Tempat di mana cerita hidup. Terokai sekarang