Hapon na at nag mamadali akong tapusin ang trabaho ko sa junkshop dito sa kawayanan street ng tinawagan ako ni ate toni upang makapanayam ko ito sa kanyang nakakatakot na karanasan, pag katapos ko ilagay sa sako ang mga naibilad ko na bote ng gin sa arawan hinila ko ito ng kareta para dalhin sa loob ng shop ng hindi ito madumihan, at ng matapos ko na lahat ng trabaho ay nag paalam Na ako sa aking amo para umuwi, nag mamadali akong pumasok sa bahay namin para maligo, napaka lagkit ng mantika sa katawan ko at mabaho na rin ang aking suot na damit. Ng makatapos na akong mag shower nag bihis agad ako at kinuha ko ang tape recorder na may laman na bagong blank tape para sa interview, nilagay ko lahat ng gadget sa bag at lumabas na ako ng bahay para mag lock ng pintuan.
Kaagad ako bumaba ng kawayanan street, para tagpuin ko si ate toni sa pinag usapan naming lugar, pag pasok ko sa loob ng seven eleven sa may molave street nandoon na ang aking tatagpuin naka upo na ito at may nakahaing bucket meal na binili pa nito sa jolibee at mga chirya drinks na binili niya sa loob ng convinent store, pag upo ko ay inilabas ko ang tape recorder, binuksan at nag simula na kaming mag kwentuhan tungkol sa nakakatakot niyang karanasan nag simula ang kwento noong..
BINABASA MO ANG
Kababalaghan Stories Book I
HorrorAng "Kababalaghan" sa Filipino ay tumutukoy sa mga kuwento ng supernatural, misteryoso, at hindi maipaliwanag. Ang mga kuwentong ito ay malalim na nakapaloob sa kulturang Pilipino at kadalasang sumasalamin sa mga lokal na alamat, paniniwala, at magi...
