Nakalabas kaming ligtas sa kweba at yun ang ipinagtataka ko.

Paano nakapunta si doc dun?

Paano nya nalaman kung nasan ako?

"Doc si baby?"alalang tanong ko.

"Nasa mansyon."

"Mansyon?"pag uulit ko.

"Are you deaf?"galit na baling nya sakin.

"Ito naman si honey galit agad eh."paglalambing ko tinapunan nya agad ako ng masamang tingin.

Sasakay na sana kami ng kotse nya kaso biglang dumating yung apat na bampira at ang reyna ng kadiliman.Bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko.

"Talagang dumating ang knight and shining armor mo ano?"nakangising sabi ng reyna at yung mata nya naging pula.

"What do you want?"sabat ni doc.

"Woah bilid rin ako sayo Rheimund,hindi mo pala ako kilala ano?"nakangising ulit nya."kamusta kana mahal na hari?"

"Paalisin mo na kami kung ayaw mong mapatulan kita."sagot ni doc at masama narin ang mukha nya.

"Kaya mo kaya ang isang tulad ko mahal na hari?wala kanang kapangyarihan at isa kanalang tao ngayon."kita ko sa mukha ni doc na naguguluhan sya sa sinabi nya Reyna.

 Wala pa palang alaala si doc at wala pa syang natatandaan sa mga nakaraan nya.

"Who the hell are you?"takang tanong ni doc sa reyna.

Naging maamo agad ang mukha ng reyna,nawala ang pula ng mata nya.Ang ganda nya sa totoo lang,bagay sa kanya ang mahaba nyang buhok tapos matangkad at maganda ang hubog ng katawan.

"Ako lang naman ang babaeng kinababaliwan mo."saka ito lumapit kay Rhei at ngumiti ng pagkatamis tamis."do you remember me now?ako lang naman ang babaeng mahal na mahal mo.Nandito na ako ngayon Rhei pwede na tayong magpakasal."dugtong pa nito.

DAMN!sinungaling sya,ang galing nyang gumawa ng kwento para lang mapasakanya si Rhei.

"Shut up bitch"sigaw ko sa kanya,binalingan nya ako saka binigyan ng nakakalukong ngiti.

"Itatakas mo pa ang babaeng yan na syang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal natin."saka nya ako dinuro,tangna ako pa ang pinagbintangan ng babaeng to.

"Lets go"sabi ni doc tyaka hinawakan ang braso ko.

"Wow ang sweet,ipagpapalit mo ko sa impaktang yan?"galit na saad ng reyna.

"Hindi kita kilala at wala akong pakialam sa sinabi mo."galit na turan sa kanya ni doc.

*CLAP CLAP CLAP*

Naglakad ito papunta sa dereksyon ko na pumapalakpak pa.

"Wow amazing,ipagpapalit mo ko dito?"saka nya hinila ang buhok ko kaya napadaing ako."sa babaeng walang kwenta?sa babaeng dapat na patay na ngayon"hinila pa nya ang buhok ko.

"Get your hands off her!"sigaw ni doc tyaka hahablutin nya sana ang reyna pero bigla kaming naglaho at lumipat ng ibang pwesto,nasa likod na kami ni Rhei.

"Hanggat hindi ka napapasakin Rhei lahat ng taong haharang sa plano ko dapat mawala sa mundo katulad ng isang ito,panuorin mo kung paano malalagutan ng hininga ang babaeng to"saka nya ibinaling sa kabila ang ulo ko,lumabas ang mga pangil nya tyaka pumula ang mata.

"Maawa ka naman sakin,hindi ko kasalanan kung ako ang babaeng nakatadhana sa kanya."nanginginig ang boses ko habang binibigkas ang salitang yan.Hindi ako natatakot mamatay kung wala lang akong anak.

Nanginig ako lalo ng maramdaman ang pangil nya sa leeg ko.

 "TUMIGIL KANA SA KAHIBANGAN MO!"malakas na sabi ni doc at ang nakakagulat biglang pumula ang mata nya at lumabas narin ang mga pangil nya.

Nawala na kaya ang sumpa sa kanya?

Bumalik na sya sa pagiging bampira?

"Waaahh"malakas na sigaw ko ng may dumating na maraming bampira at lahat nakaitim,natakot ako dahil mag isa lang si doc,hindi ko naman kayang lumaban dahil isa lang akong tao.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ng magkagulo na,nakikita ko mismo sa harap ko kung paano mag laban ang mga bampira,wala silang mga sandata.

Yung kamay lang ang ginagamit nila para tanggalan ng puso ang bampira tyaka ito magiging abo.

Nakikipaglaban si Rhei sa singkwentang bampira.Tumakbo ako papuntang sasakyan para makaalis sa labanan kaso biglang may humila ng buhok ko.

"Ahhhh"napaluhod ako ng hilain ng malakas ang buhok ko,pakiramdam ko matatanggal ang anit ko.

"Tatakas ka,hindi ka makakaalis ng buhay nito."galit na turan ng reyna,napapikit ako ng ibabaon nya sa dibdib ko ang kamay nya.

Hanggang dito nalang ba ako?

 "WHAT THE HELL?"malakas ng sigaw ng reyna.

Minulat ko agad ang mata ko dahil sa sigaw nya,medyo malayo sya ng kunti sakin,nakatingin ito sa kamay nyang umuusok.

Bakit umuusok yun?

San galing ang usok na yun?

"Bakit hindi kita mapatay?"gigil na sigaw nya tyaka lumapit ulit sakin at kinalmot ang mahahaba nyang koko sa braso ko dahil iniharang ko iyon sa mukha ko.

"Tama na,ayoko na."umiiyak na sabi ko.

Sobrang sakit na ng ginagawa nya sakin,patuloy lang sya sa pagkalbot at maraming dugo narin ang lumalabas sa braso ko.

Ang alam ko pag nakakakita ng dugo ng tao ang bampira pinapatay agad nila ito gamit ang pagsipsip ng dugo pero bakit wala man lang bampira ang pumunta sa pwesto ko maliban sa reyna na patuloy parin akong sinasaktan.

"Papatayin kita,hindi ka pwedeng mabuhay dapat kanang mawala,isa kang salot sa lipunan."saka nya buong pwersang idiniin ang kamay nya sa dibdib ko.

Pero nagulat ako ng dumapo ang kamay nya sa dibdib ko bigla syang napaso.

"Letse! Hindi ka tao dahil dapat patay kana,isa kang."

 "Kim"napalingon agad ako kay doc ng tawagin nya ako.

Pula parin ang mata nya tyaka nakalabas yung pangil nya.

Tumayo agad ako tyaka tumakbo papunta sa dereksyon ni Rhei,hindi na ako nag abala pang pakinggan ang sinabi ng reyna na hindi daw ako tao.

Makapag gawa talaga sya ng kwento wagas,hindi nya lang ako mapatay patay hindi na agad ako tao.

"Bampira kana Rhei,naaalala mo na ba ako?"tanong ko at hindi ko mapigilang mapaluha.

"Anong pinagsasabi mo?oo bampira ako pero hindi kita kilala,isa ka paring pathetic girl."biglang huminto ang pagluha ko sa sinabi nya.

Bumalik palang sa kanya ang pagiging bampira nya pero yung alaala nya hindi pa.

"Hindi pa tayo tapos!at humanda kayo sa pagbabalik ko dahil sisiguraduhin kung mamamatay kayong lahat lalo kana."saka nya ako dinuro at naglaho sa harap namin.

Napaupo agad ako sa sahig at duon ko na naramdaman ang pagod.

Unti unting dumilim ang mga nakikita ko hanggang sa nawalan ako ng malay.

My Mysterious Neighbor [COMPLETED]Where stories live. Discover now