CHAPTER 12 -MISUNDERSTOOD

Start from the beginning
                                    

"Kiyo, here's your food." Sabi ni Art habang nilalapag yung tray sa mesa. "Yow, Ryuu. Kanina ka pa hinahanap nitong si Kiyo eh." Sabi ulit ni Art pagkaupo nya sa harap ko. Bakit parang nakakaramdam ako ng tensyon? This is bad. Magkaaway ba tong mga to?

"Ah Ryuu, sunod nalang ako sa inyo. Kakain lang muna ako. Sige na una na kayo." Sabi ko kila Ryuu habang tinutulak na sila palayo ng table.

"Pero Yomi – "

"Wala ng pero pero Ryuu. Sige na. Mamaya na kayo mag tanong ha. Tatapusin ko lang pagkain ko tapos pupunta na ako sa table nyo." Putol ko sa sasabihin sana ni Ryuu.

"Okay. Sige. Tara na guys." Sabi ni Ryuu sabay lakad na papunta sa table nila.

Pagupo ko sa table nila Art, tinanong ko agad sila.

"Hoy Art! Mag kaaway ba ang grupo nyo tsaka grupo nila Ryuu?" tanong ko sa kanila. Napahinto naman sila sakin at napatingin.

"Hindi naman sa mag kaaway. Maliit na alitan siguro. Alam mo kasi Kiyo, may gusto si Aubrey kay Ryuu pero dedma lang si Ryuu. Syempre dahil sa kapatid ni Jason si Aubrey medyo nagkainitan sila. Basta ganun, di ko alam yung eksantong pangyayari eh. basta ang alam lang namin, may alitan silang dalawa. Nadamay nalang yung mga members ng bawat gang." Mahabang paliwanag sakin ni Art. Ganun pala, kaya siguro ang laki ng galit sakin  ni Aubrey kasi malapit ako sa Red Night especially kay Ryuu.

"Ah ganun pala. Hahahaha. Sa tingin mo mag kakaayos pa kaya sila?" tanong ko ulit kay Art.

"Ewan ko lang." sagot naman ni Art. May naisip naman akong magandang ideya.

"Want me to fix their problem? Para makabawi naman ako kay Jason. What do you think Art?" Nakangiting suhesyon ko kay Art. At nakita ko namang napangiti silang lahat. Yes! I know what I should do now.

"Ghe Art. Lipat na ko kila Ryuu. Hehehe. Bye guys. Nice meeting you all." Paalam ko sa kanila at lumipat na ako agad sa table nila Ryuu.

Pag dating ko sa table nila Ryuu, bakit parang iba ang tingin sakin ni Ryuu? Para siyang galit? Bakit? Anong ginawa ko?

"Hi guys." Bati ko sa kanila kahit parang naiilang ako dahil sa tingin ni Ryuu. Nginitian lang ako nila Kei, Kurt at Martin samantalang tinanguan naman ako ni Raven al Lance.

"What the hell Yomi, why are you with those bastards?" Pagalit na tanong sakin ni Ryuu pag kaupo ko. Ano bang masama kung kasama ko sila?

"Ano namang masama sa pag sama ko sa kanila?" iritang tanong ko pabalik kay Ryuu. Hindi ko siya maintindihan

"Sasaktan ka nila Yomi." Mariing sagot ni Ryuu. Tinignan ko ang mga reaksyon nila sa sinabi ni Ryuu, lahat sila nakayuko lang. Parang ayaw nilang makialam sa usapan namin ni Ryuu.

"Hindi nila ako sasaktan Ryuu. Ano bang problema mo? Hindi dahil galit ka kay Jason eh paiiwasin mo na ako sa kanila. Kaibigan ko na sila Ryuu."  Ano bang inaalala nya? Nakalimutan ba niyang kaya kong protektahan ang sarili ko? Kahit na tinangka nila akong saktan kanina, alam kong nagawa lang nila yun para kay Aubrey. Humingi na sila ng tawad sakin at kaibigan ko na sila. Alam kong di na nila uulitin yun.

"Paano ka nakakasiguro Yomi? Hindi naman kaya ..." Nakita kong nakatingin si Ryuu sat shirt ko. Don't tell me pinag hihinalaan nya akong ...

"Hindi naman kaya, ano? Ryuu?" tanong ko sa kanya. Ituloy mo Ryuu. Patunayan mong mali yung nasa isip ko. Hindi marumi ang tingin mo sakin diba?

"Bakit mo suot yung tshirt nya?" tanong sakin ulit ni Ryuu. Napatingin naman yung lima sat shirt ko.

"Eh ano naman kung suot ko yung tshirt nya? Bakit hindi mo sabihin sakin Ryuu kung ano yang nasa isip mo?" hamon ko sa kanya. Gusto kong malaman kung ano ang iniisip nya.

WMAMTG (Unedited)Where stories live. Discover now