BVtB:Chapter one

50.1K 752 36
                                    

Dedicated to sa bestie ko..heheh siya kasi gumawa ng bookcover sa story na eto..heheh ganda dba?? bonggacious kasi bestie ko hehhe...lab you bes <3

Brie PoV..

"Ughhh!!! BWESIT!!!!! MGA UNGGOY KAYOOO!!" Agad ko hinabol yung mga bwesit na mga unggoy palabas ng kwarto ko.

Leche ang mga tu! Pagod na pagod ako galing sa pag-aaral tapos maabutan ko na parang Tissue paper Museum ang kwarto ko! Bwesit!!

Walang araw talaga na hindi nila ako binebwesit sa kaunggoyan nila simula nung pumasok ako dito sa Boyce High. Naku, maabutan ko lang ang mga iyon sisiguraduhin ko ebabalik ko sila sa puno ng saging!!

Binilisan ko ang pagtakbo ko para mahabol ang mga iyon, pero mukang may lahing ostrich din ata ang mga lalaking eto dahil ang bibilis.

"ARGHHH!! MGA LECHE TALAGA KAYOOO!!!" sigaw ko sa gitna ng hallway, wala na akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng ibang estudyante, basta makasigaw lang ako dahil sa pagkabwesit.

Bumalik na lang ako sa aking kwarto, at sinimulan na lang ang pagpupulot sa kalat na ginawa nila. Nang biglang may kumatok sa pinto ko.

At bago ko pa eto nabuksan pumasok na ang dahilan ng pagkatok.

"Halooo! Halooo! Hal-Uie! New design sistah? Bet ang toilet paper touch ha! So futuristic! Hehe" ani ni Barbie ang wonder beki ko na friend dito sa puggad ng mga unggoy

"Tigilan mo ako sa biro mo Barbs, mainit ang ulo ko!" sabi ko habang nagpatuloy sa pagpupulot

At dahil alam niya na masama ako galitin hindi na ako tinuloy na kinulit ni Barbs at tumulong na lang sa pagliligpit din ng kalat.

"Gurl, ang aga aga pa pero yung blood pressure mo sing taas na ng Eiffel tower. Hehe sige ka, magkakawrinkles ka niyan. "

"Bernardo, talagang tataas ang blood pressure mo kapag maabutan mo ganito ang kwarto mo! Bwesit talaga ang mga lalaki dito yung mga utak nila laman lang ay saging, saging saging!!!" sigaw ko habang nangigigil

"Girl, pinaglihi ka ba sa sirang plaka? Alam mo bang ilan beses ko na sinabi sayo na ayaw ko sa Bernardo na pangalan na iyan! Ang chaka! Mas bagay sa akin ang pangalan na Barbie !" aniya habang nakahawak ang dalawang kamay sa bewang " At isa pa, kung hindi ka din shunga bakit pa kasi dito ka nagpa enroll? Eh alam mo naman na ang mga lalaki dito masyado mapangmataas dahil territory nila eto! Ang daming ibang paaralan dito ka pa sa Boyce High. Boyce high girl, Boyce!! "

Haist! Naku Barbie, alam ko naman eh na shunga ako dahil dito pa ako nag aral. Aware na aware ako na kaharian eto ng mga kalahi ni Adan. Maski si papa nga nagulat ng malaman dito ko napagdesisyunan na magpaenroll.

Flashback

"Flight 5J452 from Hongkong has arrived. Flight 5J452 from Hongkong has arrived" ani ng announcer sa airport

Nilinga ko ang aking paningin sa malaking airport ng NAIA, hinahanap ko kasi ang sinasabi na sundo ni papa sa akin.

"Asan na kaya-"

"Brie! Anak!"

"Papa!!" sigaw ko ng namataan ko si papa na naghihintay sa akin sa arrival area.

Pagkatapos ko siya Makita hindi na ako nag aksaya pa ng oras at agad ako tumakbo para yakapin ang papa ko na matagal ko na hindi nakita.

Sa 4 years ko na pananatili sa US hindi ko pa rin hindi maiwasan na hindi mamiss ang papa ko, kahit na nakikita ko siya sa mga videocalls iba pa rin talaga kapag personal na.

Brie VS The Boys {Complete}Where stories live. Discover now