Nagising ako sa malakas na sigaw ni Viev.
"SOLARAAAAA!"
P*tangina talaga ‘tong babae na ‘to. Ang aga-aga—pag ako nireklamo ng kapitbahay, bahala na siya.
Lumabas ako sa balkonahe, sabog ang buhok, habol ang hininga. Nakita ko agad ang mukha ni Viev—naka-simangot. Galit na galit na naman. Kasama niya si Sierra at si Jiro na nakasandal sa sasakyan nila Sierra... tumatawa pa?! Hindi man lang pinigilan si Viev?
"Hoy Viev, ang aga-aga sigaw ka ng sigaw!" sigaw ko pabalik.
"Tanga! Anong maaga?! Tanghali na, Star! Tanghali na!"
Wait—TANGHALI??
Napalingon ako sa orasan sa kwarto.
2:30 PM.
P*tangina. 2:30 PM at 3:00 PM ang pasok namin.
"Teka, pasok muna kayo!" sigaw ko habang nagsusuot ng tsinelas.
"Naka-lock, kung bukas 'yan kanina pa ako pumasok!" sigaw ulit ni Viev, sabay hampas sa gate.
Ah. Siguro naka-alis na si Mommy kaya nilock ‘yung gate.
Tumakbo ako, binuksan ang gate, hinila silang lahat papasok.
"Guys, wait lang, maliligo lang ako saglit," sabi ko habang naupo sila sa sofa.
"Hinahanap ka ni Sir Alvin kanina sa practice," malumanay na sabi ni Sierra.
"True! Hindi ka nagpunta at hindi ka rin sumasagot sa 100 kong tawag, kaya heto kami ngayon," galit na sabi ni Viev. Kahit nasa banyo na ako, rinig na rinig ko pa rin siya. Feeling ko sinigawan pati shower curtain ko.
"But it's okay, Sol. It’s just a practice. 3 pa naman ang pasok natin today," ani Jiro, kalmado lang. Parang walang stress sa buhay.
"Tigilan mo nga yang kaka-Sol mo diyan! LAST PRACTICE 'yon! Kaya nga hapon ang schedule natin!" sabat ni Viev, asar kay Jiro. Alam ko na 'tong tono na 'to—galit pero concern. Ganyan talaga siya.
---
Nakatapos din ako mag-ayos. Nagmadali kami papasok, sakay sa sasakyan nila Sierra. Pinaandar na agad ng driver nila. Ako? Tulala pa rin. Kinakabahan. Nahihiya. Halu-halo.
Pagdating sa school, wala ‘yung teacher namin. Kaya as expected, ang ingay ng buong klase. May nagsusugal sa likod. May kumakanta ng hindi naman kailangang kanta. May kumakain ng lunch ng iba.
Umupo ako sa usual spot ko sa harap. Katabi ko si Jiro. Sa kanan ko si Viev, sa likod ko si Sierra na katabi si Aria, tapos katabi naman ni Viev si Reign. ‘Yung ibang ka-banda namin nasa likod din.
Tumayo si Jiro at lumapit kay Khobe.
"Practice tayo, total 2 hours pa bago bumalik si Ma’am."
Oo nga pala—kahit hindi na siya ang official leader ngayong laban, siya pa rin talaga ang core ng banda. Si Khobe ang temporary leader kasi busy si Jiro sa pag-aasikaso ng mga arrangement.
Tumayo si Khobe, lumakad sa harap, at sumigaw:
"Attention, Band Alapaap! Practice tayo!"
Tumayo kami, sumunod kay Khobe malapit sa blackboard. Sabi ni Ma’am, bawal lumabas habang vacant, kaya dito lang dapat. Pero...
"Khobe, can you text all our teachers na magpa-practice tayo sa studio? Mamaya na pala ang laban," sabi ni Jiro.
"Okay, bro." G na G si Khobe.
Ilang minuto pa, binalikan niya kami.
"They agreed."
Supportive naman kasi talaga ang teachers dito. They’ve seen us grow—literally and musically.
"Reign, punta kami studio para magpractice," sabi ni Jiro.
"Did you already ask permission sa teachers natin?"
"Of course," maikli pero kumpiyansang sagot ni Jiro.
Tumango si Reign. Wala nang follow-up. GO signal achieved.
---
Yes, si Reign ang President, si Sierra ang Vice, Aria (Ariana) ang Secretary, si Viev ang Treasurer, ako ang Muse (oo na, trip lang nila ako ilagay dyan—na-budol ako), si Jiro ang Escort, at sina Knight at Khobe ang Sergeant-at-Arms.
Naglakad kami papunta sa studio. Pagdating dun, agad kaming nag-setup. Soundcheck. Tune. Arrange.
Some songs ako ang drummer, minsan ako rin ang guitarist, pero madalas bass at vocals ang hawak ko.
Multitasking is not just a skill. It’s my personality trait.
Pero worth it. Kasi pag nagsama-sama kaming lahat, parang nabubuo ulit ‘yung magic na matagal ko nang hindi naramdaman. ‘Yung magic ng tamang timpla.
Organized chaos sa studio. Si Knight chine-check ‘yung amp. Si Khobe nilalatag ang keyboard at inaayos rhythm parts niya sa gitara.
Si Jiro? Tahimik pero focused. Naka-headset siya, pinapakinggan ‘yung demo. Gano’n siya palagi. Hindi kailangan ng maraming salita para mag-gets mong seryoso na siya.
Si Aria nakaupo sa couch, humming softly habang hawak ‘yung lyrics sheet. Hindi siya techy, pero pag vocals ang usapan? Solid. Chill siya pero may dating.
Ako naman, ina-adjust ‘yung bass strap. May ilang kanta na si Jiro sa bass at ako naman sa ibang instrument, pero this set, bass muna.
"Star, second verse harmony mo ha," sabi ni Khobe, hawak ang gitara.
"Copy," sagot ko.
Lumapit si Jiro sa mic stand.
"Alapaap, run-through tayo."
Tumunog ang chords. Si Khobe pumasok sa rhythm. Si Jiro sa lead. Knight sa backup. Si Aria sa vocals, effortless as always. Ako sa bass. Sabay-sabay. Swabe.
Practice lang dapat ‘to. Pero sa tunog pa lang? Parang performance night na.
Matapos ang chorus, sabay-sabay kaming huminga. Pagod pero buo.
"Nice. One more or break?" tanong ni Knight.
"Break muna," sagot ni Jiro.
Umupo kaming lahat. Tahimik. Pero hindi ‘yung awkward na tahimik—‘yung may koneksyon. Parang aftershock ng music na hindi agad nawawala.
Tumingin ako sa kanila. Sa banda. Sa mga taong tinanggap ako kahit may mga parte akong hindi pa kaya i-share. Yung mga taong tumulong buuin ako kahit hindi nila alam.
Then tumingin si Jiro sa akin.
"You good, sol?"
Ngumiti ako.
"Always. Pag kasama kayo."
Napangiti rin siya. Mabilis. Saglit. Pero sapat na.
Kahit hindi ko masabi lahat ng nasa loob ko...
Ngayong hawak ko ‘yung gitara,
Ngayong nasa studio kami,
Ngayong kasama ko sila...
Parang sapat na muna ’to.
YOU ARE READING
STRINGS ATTACHED
RomanceSi Solera Celestine Isadora ay isang maangas at matapang na babae na na-intriga kay Jeo Blaze Stryker, isang palabiro at confident na gitarista mula sa ibang school. Para mapansin siya ni Jeo, nagdesisyon si Solera na matutong tumugtog ng bass-kahit...
