Chapter one

13 0 0
                                        


‎‎"SHETTTTT, BES NAG-POST SIYAAA!" sigaw ko kay Veiv habang nanginginig pa ang kamay ko sa pag-scroll.

‎"Miss, nasa resto ka po, hindi sa kwarto mo," sabat ng ate sa cashier. Mukang pagod na talaga siya sa'akin, tuwing pupunta ko dito hindi ko maiwasang maging maingay.

‎"Si Jeo na naman?" tanong ni Via, sabay lagok ng juice na parang alam niya na ang mga susunod na mang yayare.

‎Bumaling ako sa kanya, pinapakita 'yung post sa phone ko. "Oo teh, tignan mo oh! Ang hot niya kapag tumutugtog ng gitara. Parang-ugh! Di ko na kaya."

‎Bulong ko pa 'yon, pero halatang may spark ng kilig sa boses ko. bulong pero masama parin ang tingin ng cashier

‎"Alam mo ikaw, Solara Celestine Isadora, tigilan mo na 'yan. Obvious na obsessed ka na. Two years mo na siyang gusto, bes." sabi niya sabay irap- maldtita talaga

‎Ilang ulit na niyang sinasabi 'yon, at ilang ulit ko na ring hindi pinapakinggan.

‎"Full name ha?" tinaasan ko siya ng kilay. "Okay, Vieveanna Rae Vireya. Pero sorry not sorry, hindi ako titigil. Crush ko 'yon, tanggap ko na!"

‎Umirap siya, then ngumisi. "Crush mo lang ba talaga? O stalker na ang peg? parang kulang nalang kidnapin mo e" seryoso niyang sinabi, at inom sa juice niya

‎Napatawa ako, nang bigla akong napa tingin sa relo. "Shet. Anong oras na pala"

‎Biglang kumabog ang dibdib ko. "Viev, alis na 'ko! Late na ako! May practice pa kami!" sabay buhat ng bag at halos madapa sa pagmamadali palabas ng resto.


‎---

‎Band Studio, School

‎Pagdating ko sa studio, andun na sila. Nagse-set up na parang chill lang-ako lang ang panic mode.

‎"Sol, akin na 'yan. Ako na mag-aayos," sabi ni Jiro habang kinukuha ang bass guitar ko.

‎"Thanks," sagot ko. Kinuha niya ito ng casual lang.

‎"Sol okay na yung drum mo" sunod na sabi ni Jiro

‎Isa akong bassist, lead drummer, lead vocalist, at lyricist ng banda. Multitasker kung multitasker.

‎Nagsimula lahat 'to nung nakilala ko si Jeo. Hindi siya sikat, pero he plays like a rockstar. At simula noon, gusto kona matuto mag bass guitar

‎Nung nalaman ni Jiro 'yon, agad niya akong sinama sa banda. Siya 'yung nagturo sa akin sa simula. Pero 'di niya alam, si Jeo talaga ang dahilan kung bakit gusto ko natuto.

‎Ang current leader pala ng banda: si Khobe Fernandez. Siya ang lead guitarist namin this season dahil si Jiro, busy helping me co-write a new song.

‎Si Ariana naman ang co-lead vocalist ko-mas mature ang vibe niya kumpara sakin, kaibigan rin namin siya nila Viev

‎Si Knight, na kaibigan ni Jeo (at medyo suspicious minsan), ang pianist at rhythm guitarist. At yes-feeling ko pansin na niya ang matagal ko nang gusto ang kaibigan niya.

‎Ako? Ako si Star-Sol sa birth cert, pero Star ang tawag ng lahat. Si Jiro lang ang weird na "Sol" ang tawag sa 'kin. Ewan ko ba roon.


‎---

‎"Okay guys, practice time," sabi ni Khobe habang inaayos ang cable ng amp.

‎"Star, ikaw sa drums muna. Jiro, ikaw bass. Knight, backup guitar ka. Aria, second voice kay Star."

‎"Copy," sabi ko. Nag-warm up na 'ko agad.

‎Tumabi sa 'kin si Jiro. "Kinakabahan ka ba sa gig?"

‎Nagkatinginan kami.

‎"Medyo. Pero mas excited ako. First live natin 'to ulit after, what, two months?"

‎"Yeah. Tsaka may bago tayong song. 'Yung sinulat mo."

‎Ngumiti ako. "Co-wrote natin, no?"

‎Tumango siya. "Pero ikaw 'yung heart nung kanta."

‎Tahimik ako sandali. Nag-shift ako ng topic. "Alam mo ba, ang hirap pala ng drums habang sabay pa ang pagkanta. Para akong cardio machine."

‎"Tama lang 'yan," sabi ni Jiro. "At least, sa performance mo, ikaw na ang cardio, ikaw pa ang show."

‎"Tapos ikaw? Background props?"

‎"Exactly," ngumiti siya. "Sexy background prop."

‎"Ew," sabi ko, sabay tawa.

‎Bigla namang sumingit si Knight, naglalakad papunta sa amin.

‎"Tigil niyo na 'yang flirting, wala pa tayo sa romcom arc," sabi niya habang umiikot pa 'yung mata.

‎Napangiwi ako. "Ano ba, Knight, chill lang kami ni Jiro no?"

‎"Yeah," sabay sabi ni Jiro. "Wala 'tong crush-crush."

‎Knight looked at me, raised he's eyebrow

‎napalunok nalang ako

‎'Wag kang maingay, Knight. 'Wag mo kong i-expose.


‎---

‎Practice Mode: ON

‎Tumugtog kami ng tatlong kanta. Sakto lahat-walang sabit, walang sabog. Naging smooth ang flow namin kahit bagong song 'yung isa.

‎At kahit papano, for those few minutes... nakalimutan ko munang may pinanghahawakan akong secret.

‎At least, today, nasa musika ako. At masaya 'ko.


‎---

STRINGS ATTACHED Where stories live. Discover now