Kakadating ko lang sa bahay. Tahimik. Wala sigurong tao-o baka tulog na silang lahat.
Hindi na rin ako nag-abalang kumain. Diretso na ako sa kwarto.
Binaba ko ang bass guitar kong sobrang bigat-parang pati siya pagod na rin.
Hinubad ko ang jacket, nagbihis ng pambahay.
At pagkahiga ko sa kama...
Bigla akong natulala.
Nakatingin lang sa kisame. Tahimik. Mabigat.
Tahimik ang paligid, pero ang utak ko ang ingay.
"Bakit ba kailangan pang pag-usapan 'yun kanina?"
Yung usapan sa resto.
Yung mga biro. Yung mga tingin.
Yung paalala nila ng isang bagay na pilit kong itinatago.
Jeo.
Si Jeo na hanggang ngayon, laman pa rin ng puso ko.
Pero paano ko 'to aaminin...
kung ang taong laging nasa tabi ko-si Jiro-
ay siya ring taong ayokong masaktan?
---
Kahit ilang beses ko siyang tinaboy, nandoon pa rin siya.
Si Jiro. Tahimik pero tapat.
Laging naghihintay. Laging handang yakapin kahit hindi ko hingin.
Minsan naiisip ko, kung puso lang ang basehan, dapat siya na lang.
Kasi mahal niya ako-hindi ko na kailangang hulaan pa.
Pero may kulang.
May hinahanap ako na hindi ko makita sa kanya.
Dahil ang totoo...
ang mahal ko, ay ang taong hindi na niya kayang tignan.
Si Jeo.
---
At dito na nagsisimulang bumigat ang gabi.
Hindi lang dahil sa pagod,
kundi sa bigat ng sikreto na hanggang ngayon, kinikimkim ko.
Paano ko sasabihin kay Jiro na mahal ko 'yung lalaking minsan niyang tinuring na kapatid?
Kasi hindi 'to simpleng kwento ng "na-fall ako sa kaibigan mo."
Hindi. Mas malalim. Mas masakit.
Kasi dati, sina Jeo at Jiro... hindi lang basta magkaibigan.
---
[Flashback]
Battle of the Bands.
'Yun ang gabing hindi ko makakalimutan.
Hindi pa ako parte ng banda noon.
Pero nandoon ako-nakatayo sa gilid ng stage, tahimik lang, tagamasid.
Alam kong gustong manalo ni Jiro.
Pinaghirapan niya 'yung mga kanta.
'Yun ang unang laban niya-una niyang sinulat na kanta, una niyang lakas-loob na ipakita ang sarili niya bilang artist.
Pero isang araw bago ang laban, lumapit si Jeo sa kanya.
> "Pre, tulungan mo naman ako...
Nandun 'yung parents ko.
Nandun siya."
(yung babaeng nililigawan niya noon)
"Kailangan ko 'tong panalo."
May pakiusap sa boses ni Jeo na mahirap tanggihan.
At si Jiro?
Hindi siya nagtanong.
Hindi siya nagreklamo.
Tumango lang siya.
Walang "bakit ako?"
Walang "paano na 'yung kanta ko?"
Tumango lang siya.
---
Dumating ang gabing 'yon.
Tahimik si Jiro. Hindi siya todo.
Pero kahit kalahati lang ang effort niya,
nag-shine pa rin siya. Kasi ganun siya kagaling.
Lumipad ang banda.
At sila ang nanalo.
Pero sa likod ng tropeo, may nabasag.
Pagkababa ng stage, hinarap siya ni Jeo.
"Akala ko ba kaibigan kita?"
"Bakit mo pa kinailangan manalo?! Pinahiya mo ko sa harap nila!"
Hindi sumagot si Jiro.
Wala siyang galit.
Wala ring depensa.
Pero kita sa mukha niya-parang siya pa 'yung talo.
Kahit siya ang may hawak ng tropeo.
---
Mula noon... wala nang Jeo at Jiro.
Walang sorry. Walang closure.
Tahimik lang ang hiwalay nilang mundo.
At ako?
Ako 'yung nasa gilid lang ng lahat.
Tahimik. Saksi.
---
[Back to Present]
At habang sila... unti-unting nawala sa isa't isa,
ako naman, unti-unting nahulog.
Kay Jeo.
At ngayon, ako na ang may tinatagong lihim.
Ako na ang may dalang bomba sa pagitan ng dalawang taong minsan naging magkapatid.
Paano kung ako ulit ang dahilan ng pagkasira?
Paano kung sa oras na sabihin ko ang totoo... tuluyan nang mawala ang tiwalang binigay sa'kin ni Jiro?
---
Tahimik lang ako.
Nakatitig sa kisame.
Gabi na.
Pero sa puso ko, gising pa rin ang tanong:
"Hanggang kailan ako mananahimik?"
YOU ARE READING
STRINGS ATTACHED
RomanceSi Solera Celestine Isadora ay isang maangas at matapang na babae na na-intriga kay Jeo Blaze Stryker, isang palabiro at confident na gitarista mula sa ibang school. Para mapansin siya ni Jeo, nagdesisyon si Solera na matutong tumugtog ng bass-kahit...
