"Mark  bakit ganon? Bakit may batas pang dapat sundin sa pag-ibig?" mahina ng  boses niya. Kilalang kilala ko na siya. Alam kong nahihiya siya sa mga  sandaling yun.

Nakuha ko naman ang sinabi niya kahit papano pero iba ang naging sagot ko.

"Hindi kita naintindihan."

"Sana  nakatira tayo sa mundo kung saan pwede mong mahalin ang kahit sino."  paputol-putol ang bagbigkas niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o  ano.

Pinag-aralan ko mabuti sa isip ko ang sasabihin ko.

"Wag  mo na hanapin pa yang sinasabi mong mundo dahil sa panaginip mo lang  yun makikita. Sa mga kwentong pambata lang yun pwedeng mangyari. Hindi  dito. Hindi kahit kailan."

"Susunod ka ba sa batas nila?" ang  dami niyang tanong. Ang lalalim ng mga tanong. Naninibago ako sa kanya.  Parang ibang tao ang kausap ko. Parang hindi si Kevin na puro kautuan  lang kanina.

"Hindi ko ulit nakuha."

"Yung batas ng  pag-ibig. Hehe." pinipilit niyang tumawa. Halata naman kasi siya. "Batas  na nagsasabing ang lalaki ay para sa babae at ang babe ay para lamang  sa lalaki. Ganon. kuha mo?" dagdag pa niya. Nabubulol parin siya.

Nagsimula na akong kabahan sa kanya imbes na matawa.

"Oo." sagot ko.

"Susunod ka?"

"Oo."

"Dahil gusto mo?"

"Ikaw.  Nuong nagpaalam ka. Nuong iniwan moko. Umalis ka ba dahil gusto mo?"  ibinalik ko ang tanong niya sa kanya dahil hindi ko kayang sagutin yun  ng diretso sa sarili.

"Hindi."

"Alam mo Kevin, tanggap ko  naman na kahit kailan hindi pwedeng maging tayo. Kung ganon talaga,  hindi ko na yun ipipilit pa. Kung hindi kita pwedeng mahalin sa paraan  na bawal, mamahalin kita sa ibang paraan. At yun ang ginagawa ko kaya  ko. Kaya ngayon magkasama parin tayo. Bilang isang matalik na kaibigan.  Hindi hindi kita iiwan."

Humarap narin siya sa akin. Pulang pula ang kanya muka.

"Hindi mo ba napapansin?"

"Na alin?"

"Habang tumatagal nagiging emo na tayo."

"Napag-uusapan lang naman Kevin."

"Dati kasi ikaw lang ang madrama, ngayon pati ako nadamay na."

"Kumana ka na naman Huget. Seryosang usapan, bigla ka sisingit ng ganyan. Ikaw nga itong nagsimula."

Napangiti siya at kasunod ay tawa na ng malakas. Nabasag na ang seryosong usapan.

"Mark."

"Ano? Hihirit ka na naman ng walang kwenta."

Hindi parin mawala-wala ang ngiti niya.

"May ipapakita ako sayo."

"Loko ka Kevin. Kapag yan walang kwenta. Bubugbugin kita."

"Nang alin? Nang pagmamahal? Hahaha. Saka ko na nga ipapakita. Baka kasi maiyak kapa.""

"Hanep. Tara na nga. Humahapon na. Mahirap na bumaba kapag ginabi tayo sa daan."

"So nagpaparinig ka?"

"Ano?"

"Over night? Yun gusto mo? Dito? Sa Baguio?" sabay kindat ni loko.

"Tara na kako para makauwi na tayo."

"Miss na miss mo na siguro ko, noh?"

"Tara na."

Mag  aalas dos na ng hapon ng marating namin ang Mines View Park. Ang tagal  namin humanap ng paparadahan. Puno ang mga parking spaces sa paligid.  Mas marami palang tao kapag holiday. Mga dalawang daang metro ata ang  layo ng pinagparadahan namin mula sa bunganga ng Park.

Paglabas namin ng kotse, nakaramdam agad kami ng kakaibang lamig. Mas malamig kesa kanina. Marahil ay papahapon na.

Pumasok ulit siya sa kotse para kuhanin ang jersey na bigay ko sa kanya. Inabot niya sa akin.

"Oh."

"Ano gagawin ko jan?"

"Isuot mo. Idoble mo sa suot mo."

"Bakit nga?"

"Malamig na. Baka sipunin kapa."

"Sayo na. Ikaw nga etong mahina ang katawan."

Naglakad siya. Lumapit siya sa akin. Hindi ko na naman napansin, nasakal na naman ako ni Huget.

"Oy. Nakakahiya loko. Bitawan moko."

"Isuot mo na."

"Sige. Oo na."

"Good."

Ako  ang taong hindi pwede imanipulate ng kahit sino. Pero pag dating sa  kanya, hindi ko na yun napapanindigan pa. Ewan ko ba kung bakit.

Naglakad  na kami papunta ng Parke. Diretso na agad kami sa loob, sa dulo, kung  saan maraming tao. Sa gawi ng higanteng bato na nakaharap sa tanawan ng  Mines View.

"Mark. Naalala mo ba yung bracelet na binigay mo?  Diba dito mo yun binili?" tanong niya. Parehas kaming nakasandal sa  malaking bato.

"Oh."

"Wala na yun. Hindi ko na yun isusuot pa."

"Edi ayos. Edi kasaya pala kung ganon."

"Sus. Halatang halata ka Mark."

"Tara na. Umuwi na tayo. Baka nasimot na lahat ng gamit namin ng mga akyat-bahay."

"Ayan ka na naman. Binabago mo na naman usapan."

""Ano  gusto mo sabihin ko? Ano gusto mo mangyari?" napalakas ata ang boses  ko. Ang dami pa naman ng tao. Bigla akong nahiya. Putek.

Napangiti siya. Ngumiti na naman ng nakakago. Lalo lang akong nainis.

Umupo  siya sa di kalayuan. Sa bandang gitnang upuan na may bubong na pabilog.  Sumenyas siya. Inaaya niya akong tumabi sa kanya. Hindi ako lumapit.

Tumayo ulit siya. Nilapitan ako. Inakbayan ako. Wala na akong nagawa kundi sumama.

"Diba sabi ko sayo, huling bagay na aalisin ko sa katawan ko yung bracelet na bigay mo?"

"Paulit-ulit nalan..."

"Pssst. Diba sabi ko kanina, may ipapakita ako sayo?"

Bahagya niyang itinaas ang kanan niyang paa.

"Mahiya ka Kevin. Dito mo pa ididisplay yang madumi mong paa."

"Nakikita  mo ba yan?" tinuro niya yung nakasulat sa kanyang kanang paa. Sa  pagitang ng sakong at bukung-bukong, nakapaloob. Parang maliit na ibig  magsugat. Namumula yun. Hindi ko gaanong makita.

"Letter M yan. Sariwa pa kasi kaya nahihirapan ka pang makita." sabi niya.

Ibinaba  niya yung kanan at sunod na itinaas ang kaliwa. Gaya ng nauna, may  isang letra rin dun nakasulat. Namumula din at ibig-ibig magsugat.  Letter K ang nakasulat.

"Anong kalokohan naman yan Kevin?' singit ko.

"Permanent tattoo yan Mark. Letter M for Mark, K for Kevin. Hehe."

"Baduy mo."

"Hahaha. Basta... Kahit saan ako magpunta, lagi na kitang kasama."

Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)Where stories live. Discover now