Chapter 50

4K 115 3
                                    

"Baguio?"

"Muka ba 'kong nagbibiro?"

"Ibalik mo na Kevin. Seryoso, ayoko pumunta. Kung gusto mo ikaw nalang mag-isa."

"Sus."

"Tignan mo nga suot mo. Yan ba yung ipupunta mo ng Baguio, ha?"

"Oh bakit? Ano problema dun? Komo naka todo porma ka jan eh. Tssk."

"Loko. Sige bahala ka. Tigas ng ulo mo."

"Ano naman naisipan mo at nagpakalbo ka?" tanong niya. Halatang iniiba ang usapan.

"Semi kalbo yan hindi kalbo." sagot ko.

"Ganon din yun. Bakit nga?"

"Sikreto."

"Ah. At may nalalaman kapang secret ngayon. Hindi bagay."

"Hindi bagay yung alin? Yun gupit ko?"

"Hindi. Hindi kako bagay sayo yung may secret secret pa. Kuha mo na?"

"Ah.  Sige mag drive ka muna jan. Bahala ka kung saan mo gusto pumunta. Kahit  sa Iraq pa. Wag lang sa Langit. Tutulog muna ako. Nahihilo na ksi ako  eh."

Pumikit nako. Hindi ko na talaga kaya makipag kwentuhan pa.  Hinanap ko kung saan maganda pwesto. Binaba ko yung upuan ng bahagya  para maging komportable tulog ko.

"Oy Mark."

Hindi ko na siya pinansin. Antok na antok na talaga ako.

"Oy... Oy... Mark..."

Kinalabit niya ako. Kinalabit ulit. Hindi ko nalang siya ulit pinansin. Nagtulog-tulugan na ako.

Naramdaman kong biglang bumabagal ang takbo namin.

"Mark may dala ka bang pera jan?"

Biglang nawala ang antok ko. Napaupo ako ng diretso.

"Ha?" ang tanging kong nasabi.

"Wala akong dalang pera. Wala na pala tayong gasolina." sagot niya. Halatang sa mukha niya ang pag-aalala.

Patay don!

Napalunok ako. Kinuha ko ang wallet ko. Binuksan ko. Lumaki bigla ang mga mata ko.

Kinapa ko ang isa ko pang bulsa. Kinuha ang perang natira kanina.

Inabot ko sa kanya. Nakabilot pa.

"Magkano yan?"

"Sisenta."

"Sisenta?!"

"Eh hindi pako pinapadalan ng allowance ng nanay ko. Sorry."

"Hahaha. Sige itago mo na yan. Pang-load mo nalang."

"Oh pano yung gasolina? Sabi ko kasi sayo ibalik mo na kanina eh."

"Joke lang. Naka full tank to saka marami akong dala. Hahaha."

"Putek. Hay. Kayabang pa!"

"Marami kasi ako napamaskuhan kanina. Hahaha."

"Hindi kana nahiya, namamasko kapa. Katanda mo na."

"Ganon talaga. Para maraming pang-date. Tssk."

"Teka baka hanapin ka ng nanay at tatay mo. Bahala ka. Wag na wag moko idadahilan sa kanila."

"Wag ka mag-alala. Balikan lang tayo."

"Kalakas ng ng trip mo Huget."

"Hahaha."

Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)Where stories live. Discover now