Chapter 15

5.7K 159 12
                                    

Oo nga naman mabaho na nga pala ako. Haha. Natawa naman ako dun. Ang tagal kong naligo. Siguro mga kalahating oras. Ang tagal kasi tanggalin ng clay sa buhok ko. Kailangan ko pa mag-shampoo ng ilang ulit.

"Ang tagal mo naman."

"Eh ano ngayon."

"Kasungit mo naman."

"Matulog kana."

"Ngayon nga lang ulit tayo nagkasama tapos patutulugin mo ako agad."

"Ano naman gagawin natin? Gabi na."

"Magkwentuhan tayo magdamag."

"Adik ka ba. Antok na antok nako."

"Kunwari ka pa eh. Kanina lang hanep ka makayakap sakin."

Hindi ako sumagot.

Lumapit sya. "Eto oh yakapin mo ulit ako kahit gaano katagal mo gusto." Nakaupo ako at sya naman ay nakaharap sa akin. Binukas nya ang mga kamay na para bang nangaanyaya para yakapin sya. Nakangiti si loko na may bahid pa-cute. "Totoo ba ang lahat ng ito?" sa loob-loob ko.

"Umupo ka dito. Tabi tayo." sabi ko.

Agad naman sya umupo sa tabi ko. Sobrang close namin sa isat-isa. Nabigla nalang ako ng biglang may humalik sa kaliwa kong pisngi. Ang bilis nang pangyayari. Nagnakaw pala sya ng isang smack. Tinitigan ko sya at sya naman ay nakangiti lang habang nakikipag eye to eye contact.

"Para saan naman yun?"

"Para sayo."

"May girlfriend ako."

Hindi sya kumibo. Naging seryoso bigla ang mukha nya pero nakatitig parin sakin.

"May Mariel na ako." dagdag ko.

"Edi aagawin kita sa kanya."

"Paano kung mas piliin ko sya?"

Hindi ulit sya sumagot.

Masyado ko na ata sinasaktan ang damdamin ni Kevin. Mabuti siguro na wag muna namin yun pagusapan sa ngayon.

"Wag muna natin yan pagusapan. Tara labas tayo?" tanong ko sa kanya.

"Lalabas tayo? Nakapang-romansa ako." sagot nya. Oo nga naman, naka boxer shorts lang pala si loko.

"Okey na yan gwapo ka naman."

Sumimangot sya sa akin na parang bata. "Sige ka pag na-rape ako kunsensya mo."

"Oo sige sige magpalit kana ng suot mo. Ikaw na mamili ng gusto mong isuot. Gusto mo mag americana ka pa."

Lumapit sya sakin at bigla pinitik ang aking ilong. "Hmmmm ang cute mo!" Hindi naman kalakasan pero nakakainis. Agad na siya dumiretso sa cabinet ko para mamili ng isusuot.

"Ano masasabi mo? Gwapo na ba?" tanong nya habang nakaharap sa akin.

"Pwede na. Pwede nang pag-tsagaan." tumawa ako. Sa totoo lang kahit anong isuot nya bagay sa kanya.

"Ikaw Mark kanina ka pa." ngumiti sya na parang demonyo na ewan. Basta ang lakas ng dating sa akin.

"Teka palit lang din ako ng shorts."

"Saan tayo pupunta?" tanong nya.

"Akala ko ba ililibre kita sa Jolibee?"

"Ah oo nga pala. May kasalanan ka nga pala sakin. Tapos saan pa tayo pupunta after?"

"Ikaw kung saan mo gusto?" sagot ko habang nagpapalit ng shorts.

"Basketball tayo? One on one. Hanap tayo ng court na paglalaruan"

Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)Where stories live. Discover now