Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Naitulak ko siya sa balikat. Napaatras siya. Nakasarado pasuntok ang aking mga kamao, nanginginig sa sobrang galit.
"Ano... Gusto mo suntukan nalang tayo, ha?"
Tinitigan lang niya ako. Hindi niya ako pinansin.
Ilang sandali pa ay muling nagdilim ang screen. Yun ang naging hudyat para tumalikod na siya sa akin. Kinuha niya ang kamay ng kasintayan at agad silang naglakad papalayo, pababa habang ako ay naiwan na nakatayo at nakaharap sa wala.
Hinawakan ako ni Mariel sa braso, nanginginig parin ako. Napalingon ako sa kanya, bakas sa kanyang mukha ang pagtataka, naguguluhan marahil sa kung ano ang nangyayari sa amin. Bumalik naman ako sa upuan katabi niya. Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya. Ang bilis parin ng tibok ng puso ko. Sigurado akong naririinig niya ang bawat pagkabog nun.
Habang tumatawid ang bawat eksena ng pelikula sa aming mga mata, mabilis naman humuhupa ang bigat na kanina ko pa dinadala. Kasabay ng pagtatapos ng pag-ikot ng roleta, natapos narin ang galit na aking nadarama.
Simula sa sinehan hanggang sa kanila, wala kaming masyadong napag-uspan. Ayaw pa sana niya umuwi pero ako na ang nagpumilit na ihatid siya. Gusto ko na kasi magpahinga.
"Hon okey ka lang ba talaga?"
Bakas parin sa mga mata niya ang pag-aalala.
Tumango ako, ngumiti.
"Ingat ka sa pag-uwi. Text ka pag nasa bahay kana."
Tumango ulit ako. Hinalikan ko siya... nagpaalam na.
Pag dating ko sa bahay, diretso na agad ako sa kwarto. Pagbukas ko palang ng pintuan, nakita ko agad ang ipod na nakasabit malapit sa computer. Nilapitan ko yun, kinuha at binuksan para pakinggan. Humiga ako sa kama. Humilata ako, nakatulala at nakatingin lang sa malayo.
Inantok agad ako sa ilang kantang natapos ko. Pag pasok ng sumunod na kanta, bigla ko ulit siyang naalala. Ang bigat... bumigat nanaman ang pakiramdam ko. Putsa naman oo.
Hinubad ko ang ipod na pinakikinggan ko, hindi ko na tinapos ang kasalukyang nagpe-play. Tinitigan ko lang yun ng matagal. Naglakad ako ng ilang hakbang papunta sa gawing pintuan. Tinitigan ko ulit ang hawak ko ng ilan pang saglit at pagkatapos ay itinapon ko na yun sa basurahan.
Beep. Beep.
Kinuha ko yung cellphone na nasa bulsa ko. Si mariel.
"Nakauwi kana ba? Tagal mo mag text."
Oo nga pala. Magtetext nga pala ako kapag nakauwi na. Nakalimutan ko.
"Just got home. Thanks."
Message sent.
Napahikad ako. Nahiga ulit ako sa kama. Kinuskos ang mga mata. Tumagilid ako at pagkatapos ay dumapa. Naubos ata ang buong lakas ko at bigla akong inantok todo.
Beep. Beep.
Reply siguro ni Mariel.
Napahikab ulit ako. Inililapit ko ang cellphone sa mukha ko. Bagsak na ang mga mata ko kaya malabo na ang tingin ko sa maliliit na letra sa screen ng cellphone. Mabagal pero mabuti kong binasa ang nakalagay sa text message ni Mariel.
"I love you hon."
Tinaype ko ang sagot ko.
"Love y..."
----------------------------------------------------------------
Naramdaman kong may humahaplos ng buhok ko.
YOU ARE READING
Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)
RomanceDon't forget to VOTE 😘😊 #blseries #boyslove May mga bagay talagang hindi inaasahan kahit sa isang bagay na nakagisnan na, tulad na lang ng basketball. Hanggang saan nga ba dadalhin si Mark ng kanyang pagmamahal sa larong ito? Story Copyright (c) 2...