[39] Tonight, I've fallen. And I can't get up.

Start from the beginning
                                    

“Shut up Patricia! We’re going home!” He said with full of authority.

He’s here? (o.o)

xxx

SAGE

HALLELUIAH!

After 10 years! Nakita ko na rin ang pinakatatagong Comfort Room ng Neverland. Yung totoo? Ayaw nilang magpa-cr ng customer dito no kaya sa kasuluk-sulukan nila ng bar nilagay =___=

Wow! Ako lang ang tao dito? Solo ko ang CR.

*Boooogh!*

Nagulat ako nang may biglang kumalabog ng malakas sa pintuan. Agad akong lumabas ng cubicle upang tignan kung ano ang nangyari. I opened the door knob, and to my surprise—

(o.o)

“Taena! Bakit hindi ko mabuksan?”

Hindi naman ako takot or anything. Well, bukod sa ipis na kinasusuklaman ko, pero nag-panic agad ako. Ako lang kasi ang nandito sa loob ng CR, at mukang walang makakapansin sa akin dahil tago ang lugar na ito. At isa pa, maingay sa labas. Kahit anong sigaw at hingi ko ng tulong, siguradong hindi nila ako maririnig.

Shit. Si Patch nga pala! Si Patch lang mag-isa dun sa labas. Kasama niya sila Ruselle, pero dapat ba agad akong magtiwala at iwan siya? Baka mamaya mag harlem shake na sa dance floor yun e, o kaya baka ubusin na lahat ng alak sa bar na to diba? We never know what will happen. 

Takte tong pintong to, oh! Ginagalit ako! Pinag-sisipa ko na nga eh. =____= 

“Abracadabra! Bumukas ka!” Sabi ko habang winave-wave ang mga kamay ko sa tapat ng pinto. Hopeless na ko! Kahit ano na talaga gagawin ko, magbukas lang tong letchugas na pintong to! 

“Sheet. Ano ba! OPEN SESEME!” I shouted. Tutal ako lang naman sa CR e. Edi kahit ano na lang talagang magawa, kahit magmukang tanga na ako dito or what. 

*kring kring* 

Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko and saw Lewis’ name flashed on the screen. Wow! 54 missed calls? Ganun na ba ako ka-bingi? Hahaha. Sinagot ko yung tawag ni Lewis and placed my phone in my ears. 

“Hel—” Literal na nailayo ko sa tenga ko ang cellphone kasi ba naman—

“WHERE ON EARTH ARE YOU? NASAAN KAYO NI PATCH!? WHY ARE YOU NOT ANSWERING MY CALLS? KANINA PA KO TUMATAWAG AH.” 

Shoot. Nabasag na ata ang eardrums ko sa lakas ng boses ni Lewis! Obviously, he’s mad at me. Kasalanan ko rin naman, I should have told him.

“Easy dude. She’s with me.” Kalmado kong sabi.

Pero mukang hindi ko maa-amo si Haring Lewis. “SHE’S WITH YOU? WHY DIDN’T YOU TELL ME? I’M SO FXCKIN’ WORRIED!”

“Sorry, okay? I can explain. Just give me some space and time.”

“WHERE ARE YOU?” Aba’s hindi pa rin niya hinihinaan ang boses niya.

“Nalock ako sa CR. Tae. Puntahan mo nga ako dito! I effin’ need a saviour. Hindi ko kayang maging batman ngayon.” (-___-’)

“NASAANG LUGAR KAYO?” Jeez! He’s really scary when mad.

“CR. Neverland. Unahin—toot toot.

“Ay ganon. Bastusan?” (--.)

Lewis can be choleric sometimes, lalo na’t pagdating kay Patch.

I shook my head in disbelief. Patayan daw ba ako ng telepono agad agad. Minsan talaga kapag galit si Lewis, nakakalimutan niya ang salitang ‘Gentleman.’ Tss. Okay, no choice. Hihintayin ko na lang si Super Lewis na makarating dito.

Bizarre Love SquareWhere stories live. Discover now