Chapter 6: Another reason.

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oh akala ko tulog ka na?" tanong ni First. Umiling ako.

"Hindi pa. May ipapaalam ako sa inyo." tumango naman sila tapos umupo kami sa sofa nila. Kaming tatlo na lang ang nandito, siguro natulog na ang mga bata.

"Ano ba yung ipapaalam mo?"-Kuya Frans

"Aalis ako bukas. Uuwi ako sa mansyon. Pinapauwi ako ni Daddy eh."

"Umuwi na si Tito??"gulat na tanong ni Second.

"Hindi! Baka umalis na tapos pinapunta ako sa bahay!" pamimilosopo ko. Sumimangot naman sya agad HAHA! Kala mo ah.

"Weh? Naman Jhaime eh."

"Ano?!"

"Galit ka ba sa akin?" tanong ni Second.

"Sa tingin mo?"

"Eeh! Sorry naaaa!! T_T" hinawakan nya yung kamay ko tapos inalog-alog. Hindi ko sya sinagot

"Sorry na kasi Jhaime!" pagmamakaawa nya. Mukhang iiyak pa.

"Dahil sa kalokohan mo tignan mo yung nangyari!" sabi ko tapos pinakita sa kanya ung nakaband-aid kong daliri. Nilagay ko kanina nung nagshower ako.

"Wah! May sugat! Sorrrrryyyyy." pagmamakaawa nya ulit tapos nagulat ako sa sunod nyang ginawa. Nagpuppy-eyes sya! Damulag talaga! Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Tigilan mo nga ako sa kakaganyan mo!!"

"Hindi ako titigil sa pagpuppy eyes hangga't hindi mo ko pinapatawad." sabi nya. Para namang super laki ng atraso nya. HAHA! Joke lang naman yun eh! Di naman ako galit.

"Fine! Di naman ako galit kaya tigilan mo na yan."

"Talaga?"

"Ayaw mo?? Sige binabawi ko-"

"HINDI!! Hehe!!." ngumiti lang ako sa kanila.

"Anong oras ka aalis bukas?" tanong bigla ni Kuya Frans.

"Basta maaga Kuya eh."

"Ah sige sige. Tulog ka na, maaga ka pa pala bukas eh."

"Sige Kuya Frans, good night. Sayo din, Kuya Seiphiel."

"Night." tumayo na ako at umakyat. Pumasok na ako sa kwarto ko at natulog. Sana.. sana maging maayos bukas. Pero di ko pwedeng linlangin ang sarili ko. Hindi pwede.

**

Kinabukasan

Dumating na yung sundo ko, "sige guys alis na ako. Andyan na yung sundo ko eh." paalam ko. Nandito kasi kami sa tapat ng bahay nila at kasama ko silang naghintay sa sundo ko.

Meet the Number's Family *Editing!*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon