Chapter 5: The Confession

Start from the beginning
                                    


"Hello," masiglang bati ko sa kanya sa kabilang linya.

"Hi." Tipid na saad niya. "Roussanne,"

"Hm?" Nagtatakang tanong ko. Seryoso kasi ang tono ng pananalita niya. Umupo ako sa swivel at sumandal dito, ni-loudspeaker ko ang phone at nilapag ito sa lamesa.

"If it's okay with you, can I have my jacket back? Tonight?" Napaupo ako ng diretso at naguguluhang tinitigan ang cellphone ko na para bang naging isa ito sa transformers at biglang naging robot.


He's asking me on a date. Alam ko iyon. Hindi naman ako inosente sa ganitong bagay para hindi malaman na iyon ang pinapahiwatig niya.


"Sorry, David. Busy kasi ako sa clinic, eh. Baka late na akong matapos dito." Pagsisinungaling ko at gustung gusto ko iyong bawiin. Pero nang maaalala ko ang ginawa ko kagabi. Ang bawat halik ng mga estrangherong iyon sa akin. Nanliit ako. Parang tama si Chianti.


Ilan na ba ang nagpahiwatig sa akin ng pagkagusto? Lima na. Isa lang doon ang tanggap ako. Si Rafael lang, ang problema lang ay hindi ko gusto ang klase ng pagmamahal na binibigay niya sa akin. Habang iyong apat ay talagang gusto ko, pero nang malaman nila ang totoo. Ang trabaho ko... hindi nila iyon tinanggap. Ang nararamdaman nila sa akin ay nagsimula sa paghanga na agad ring bumagsak sa pandidiri. 


"I can drop by." Mariing napapikit ako sa determinasyong narinig ko sa boses niya.

"David, sorry talaga. Busy ako, eh. Hindi kita mae-entertain." Nakangiwing saad ko dahil double meaning ang sinabi ko, nakaramdam tuloy ako ng pagkahiya.

"Ganon ba? Eh, bukas?" Sumigla ulit ang tinig niya.

"Titignan ko. I'll text you kapag hindi na ako busy, okay?" Pinilit pa niya ako na ayos lang na busy ako, gusto niya lang daw akong makita, pero buo ang desisyon ko ngayong araw na ito.


Gusto ko si David. Noong una pa lang kaming magka-usap ay naramdaman ko kagad ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Kaya ayokong malaman niya ang totoo. Ayokong mawala ang pagkagusto niya sa akin.


"Why the sad face?" Sa lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na may pumasok na pala sa aking opisina.

"Biyernes santo ba?" Tanong ni Syrah at mabilis na naupo sa harap ng lamesa ko. Habang si Asti ay umupo sa kabila, katabi si Chianti.


Siguro ay nalaman nila ang naging trabaho ko kagabi kaya nandito sila.


"Okay ka lang?" Tanong ni Asti na sinagot ko ng tango. "Hindi ko makita. Sure ka?"

"Oo nga. Bakit kayo nandito?"

"Lokohin mo lelang mo. Obvious ka kaya kapag hindi nagsasabi ng totoo. Hindi mamakatingin ng diretso. Bakit mo tinanggap 'yung kliyente?" Nakahalukipkip na saad ni Syrah at tumitig sa akin kaya naman ay nag-iwas ako ng tingin ngunit sinalubong naman ako ng mapanuring mata ni Chi.

Bumuntong hininga ako. "Jade filters every client that I'll have at ang iniiwan lang niya ay stag party. Tinutulungan niya ako na hindi makatanggap ng ganong klase party at may iba akong kasama sa department na napapansin na iyon. Ayaw kong pag-isipan nila ng masama si Jade when she's just trying to help me kaya ako mismo ang humingi kay Jade sa kliyente na iyon."

Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaWhere stories live. Discover now