Chapter 1: The Show Girl

Magsimula sa umpisa
                                    

"Doc, ano po iyan? Malala po ba?" Umiling ako at ngumiti sa kanya.

"I'll need Ghost to stay here for two hours. Kailangan ko pa siyang i-monitor. But don't worry, napainom ko na siya ng gamot, but if the drug won't work, I'm afraid I'll have to take him to a bigger hospital para maoperahan siya."  Bumakas ang pag-aalala sa mukha ng inosente niyang mukha at agad na nilapitan ang kanyang aso.

"Ano po bang nangyari?" Tanong niyang muli habang nakatuon pa din ang atensyon sa kanyang aso na may pag-aalala sa mukha.

"Poison. May nakain ata siya habang wala ka. But he'll be alright. Malakas 'tong si Ghost. Right?" Naluluhang tumango si Elizabeth na ikinangiti ko. Nagpaalam na ako at iniwan silang dalawa doon. Sinabihan ko lang ang isa kong nurse dito na ilipat si Ghost sa ibang kwarto dahil baka kailanganin ang exam room mamaya.


Dumiretso ako sa opisina ko at sinalubong ako ng maingay na pagtunog ng aking cellphone. Pamilyar ang tunog nito at tatlo tao lang posibleng tumatawag na iyon dahil sa kanila ko lang naman in-assign ang kantang iyon. Sinagot ko iyon nang hindi tinigtanan ang caller ID at ang bumungad sa akin ay ang mabibigat na paghinga ng taong nasa kabilang linya.


"Anong ginawa mo?" Kunot noong tanong ko. Naupo ako sa swivel chair at tinanggal ang panali sa buhok ko. Kumawala ang kulay mais kong buhok na halos hanggang bewang ko na, sinuklay ko ang daliri ko dito at sininop ang mga hibla sa kaliwang balikat.

"May session kanina." Sagot ni Syrah. Tumango ako kahit na hindi naman niya makikita. Syrah is a pole dancing instructor sa sarili niyang studio. She's a professional pole dancer, and no wonder she's also a good stripper. "Anyway, I heard some news sa opisina." Napairap ako dahil alam ko naman na kung ano ang tinutukoy niya. "Nagpadala na naman pala si stalker ng bulaklak. Aba, sobra namang dedicated niyan. Ilang taon na nga ba 'yon? Five years ago? O seven? Wait... Ay eight." Narinig ko pang tumawa ito kaya halos masuka ako sa pinagsasabi niya.

"That guy is so creepy. Kailangan ko na atang mag-file ng TRO." Napabuntong hininga ako at inayos ang nakatabinging pencil sa aking desk. "Anyway, nasan si Chianti at Asti?"

"Chianti's somewhere. Probably doing her paintings. Malapit na ang exhibit niya at stressed siya dahil hindi pa niya tapos ang last piece niya." Chianti's a painter. Iilang exhibit na din ang nagawa niya and it was all successful, ngunit hindi lang iyon ang trabaho niya, she's also a call girl sa Exquisite – Ang company na pinagtatrabahuhan din ni Syrah, Asti, at ako. Madalas ay kasama siya ng mga business tycoon, either para samahan sila sa isang importanteng ball, o business affairs, minsan ay escort lang siya pero madalas ay may private service pa – which is the worst.

"Si Asti naman, isolating herself again. You know, anti-social problems. At marami atang kliyente iyon ngayon." Asti's a call center agent, but she also has a different job. Isa siyang Telephone Sex Operator sa Exquisite. Her work's too time consuming pero ito ang pinakamadal. Kinakailangan niya lang makipaglandian sa telepono at ihampas ang ruler sa kanyang palad para maaliw ang isang kliyente. O hindi kaya naman kaya, kapag ginusto ng kliyente, ay haharap siya sa tapat ng isang camera at doon gumawa ng mga bagay na gustuhin nila.

"Oo nga pala, kaya nga pala ako tumawag talaga ay dahil sa pinapasabi ni Jade na napadala na sa e-mail mo ang informationpara sa magiging client mo tomorrow.Hindi ka raw kasi niya ma-contact kanina. Ang damit din daw na susuotin mo ay napadala na sa bahay mo, and the money kapag tinanggap mo ang client... wait, bakit ko ba ine-explain pa sa'yo ito? Alam mo na naman ang negosasyon." Mahina akong tumawa at tumango.


'Sana ay stag party ito' bulong ko sa sarili.


If Syrah's a stripper, Asti's a telephone sex operator and Chianti's a call girl. Ako naman ay isang show girl na lumalabas sa malalaking cake. Parang ang simple, pero hindi. Madalas sa stag party pero minsan naman ay nasa simpleng night outs lang ng mga lalaki.


Stag party is much easier dahil isang lalaki lang ang kailangan mong landiin, kailangan mong aliwin, at isa lang ang kailangan mong maka-sex. Night outs are different. Minsan napagpapasa-pasahan ka. At tuwing ipapasa ka sa iba ay mas lalong dumudumi ang tingin mo sa sarili mo. Not that I'm not dirty enough. Iyon nga lang ay ang mababang tingin ko sa sarili ko ay mas lalo pang bumababa dahil sabihin man ng iba na, magagandan nga kami, malaki ang nakukuha naming pera, lahat ng gustuhin namin ay makukuha namin... nakakulong pa rin kami.


"Yun lang ba?" Awkward na tumawa siya sa kabilang linya at narinig ko ang mahinang pagsara ng pinto mula sa kabilang linya.

"Holy! Ano ba itong pusa na ito! Muntik ko ng mabangga!" Nanlaki ang mata ko ng marealize kong nasa bahay ko siya.

"Syrah! What are you doing at my house?" Napatayo ako dahil sa kaba. Syrah is a walking disaster. Lahat ng lugar na mapuntahan niya ay imposibleng wala siyang masira o magulo. Para kasi siyang kiti kiting hindi mapirmi kaya madaling makagulo at makasira ng gamit.

"Kukunin ko lang ang libro na sabi mo ipapahiram mo sa akin." Singhal niya sa kabilang linya. Nakarinig ako ng yabag at parang may pinindot siya doon. "You're AC's not opening. Sira ba ito?" Ilang beses ko pa narinig ang malakas niyang pagpindot sa remote ng aircon sa bahay ko kaya mas lalo akong kinabahan.

"Wag mong sisirain yan. Tinanggal ko ang saksak nito. And please, pakibalik yung remote kung saan mo kinuha." Paalala ko sa kanya. Pabalik balik ang lakad ko sa loob ng aking opisina dahil sa stress. Paano kung hindi niya maibalik sa pinaglagyan ko ang remote ng aircon? Paano kung hindi niya maalis ang saksak nito? Paano kung magulo niya ang bookshelf ko?

"Kalma ka lang! Nagpadeliver na ako ng cake diyan sa clinic mo at may dala din ako dito, iiwan ko na lang sa fridge mo. Kainin mo mamaya habang inaayos mo ang maayos mo na namang bahay." Nakarinig ako ng kalabog. Ang mga libro ko! "Don't worry, aayusin ko ito. Grabe, library ba ito? May label talaga. Fiction, Classic, Medical. Bongga!"

Hindi ko na lang pinansin ang pang-aasar niya. "By genre, Syrah! Ang mga kay Thomas Hardy doon sa pangatlong shelf, left side, kasama ng kila Austen. May label yung part na iyon ng 'Classic' pangatlo dapat siya sa linya." Narinig ko ang pag-aayos niya at may iilan pang mga bumagsak. Inaayos niya ba talaga iyon o mas lalong ginugulo? Hinilot ko ang aking sentido.

"Ang daming instructions. Hindi ba pwedeng by height? Mas magandang tignan yun." Nanlaki ang mata ko.

"Syrah—" Bago ko pa siya masigawan ay pinutol na niya ang linya kaya naman ay impit na napatili ako. Buti na lang at soundproof ang opisina ko.


Hingal na tumigil ako sa pagtili at inayos ang nagulo kong damit pati buhok. I looked at the mirror at siniguradong maayos ang itsura ko. Nakarinig ako ng katok mula sa labas, inipit ko ang isang takas na buhok sa aking tenga at pinagbuksan ang kung sino mang nasa labas.


"Doc, delivery po." Tumango ako at ginawaran siya ng isang matamis na ngiti bago kinuha ang isang box ng cake na sigurado akong pinadala ni Syrah. Nilapag ko ang cake sa table at binuksan iyon. Strawberry flavor, ang paborito ko. Dinampot ko ang aking cellphone at nagpasalamat kay Syrah para dito. Pero stressed pa din ako. My home is wrecked. I badly want to go home para ayusin ito, pero ang oras ng pag-uwi ko ay naka-set pa para mamayang alas-diez ng gabi sa araw na ito.


Pinilit kong alisin sa aking isipan ang kalagayan ng aking bahay at pumunta na lang sa pantry at kumuha ng tinidor, nakalagay ito sa isang tupperwear na may naka-label sa 'fork' masinop na binalik ko ito katabi ng tupperwear kung saan naman nakalagay ang mga kutsara. Dinala ko ang buong box ng cake sa tapat ng aking table at doon na kumain.


Habang kumakain ay tinignan ko na ang e-mail na pinadala sa akin ni Jade at maingat na binasa ang tungkol sa aking kliyente. Buti na lang at stag party ito, dahil kung isang night out ito ay mapipilitan akong hindi tanggapin ang kliyente. Tinanggihan ko na ang dalawang kliyente kaya hindi na ulit ako pwede pang tumanggi. Hindi naman sa pinagbabawal iyon, we're free to decline a client, ang kaso lang ay nahihiya ako, I may not like what Exquisite would want me to do, pero malaki ang utang na loob ko dito. Nakaahon ako dahil dito.


Sinagot ko ang e-mail na tatanggapin ko ang kliyente at pinatay na ang aking laptop.

**End of Chapter**

Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon