“Sige na. Alis na muna ako. Hahanap muna ako ng impormasyon. Babalikan ko na lang kayo dito.” Tapos umalis na si Nat...

(LIA)

Ang tahimik dito sa Royal Academy. Parang namiss ko tuloy sila. Isang linggo na din ang nakalipas, Simula nung umalis sila. Mali pala simula ng pinaalis sila.

Sa totoo lang nagsisisi ako sa ginawa kong desisyon, pero kung hindi ko gagawin yun hindi ko malalaman ang mga nangyari kay Sophia. At lalo’t higit ngayon alam kong kailangan niya ng isang kaibigan..

”Haay...” Hinawakan ko ang tummy ko. Ang anak ko. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

”Baby... Pasensya ka na kung laging stress si Mommy. Magulo lang talaga ngayon pero sisiguruhin ko na hindi ka madadamay sa mga ito. Mahal na mahal ka ni mommy...” Naglakad-lakad ulit ako, hanggang sa may narinig akong pinag-uusapan ng ibang estudyante.

“Narinig niyo na ba ang balita?”

 

”Hindi pa ano ba yon?”

 

“Andito daw  ang Royal Council...”

 

“Hah?!”

 

“Siguro dahil sa pagpapaalis sa mga Royalties. Kaya andito sila..”

Ang Royal Council. Andito sila? Pero wala naman sinasabi ni sila Mama na dadating sila. Lalapitan ko sana ang mga estudyante na yun kaso may biglang dumating si Sebastian..

“Young Mistress Lia, hindi po dapat kayo masyadong nagpapakapagod..”Sabi ni Sebastian. Tumingin ako sa kanya.

“Totoo ba? Na andito ang Royal Council?” Tanong ko. Alinlangan pa siyang sumagot sa akin.

“Opo. Pero bahala na ang Head Mistress doon..” Sagot ni Sebastian. Kahit na hindi ako mapakali.

“Nasan sila?” Tanong ko.

“Young Mistress Lia…” Tumingin ako sa kanya bilang si Lia Estrella. The Lady of Royal Academy. Napayuko si Sebastian..

 

“Patawad po, pero mahigpit ang utos ng Head Mistress. Ihahatid ko na po kayo sa mansyon…” Napabuntong hininga ako. Wala naman akong magagawa kundi ang sumunod.

 (THIRD PERSON)

”You have to arrange the mess you did, Sophia.. Or else..” Tumingin si Sophia kay Julianna Velasco. Ang ina ni Julia. They have similarities, especially their traits.

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon