Agad agad 359 followers? Eh kagabi lang 77 lang followers ko... Saka ko pinuntahan ang notifications—ang daming mention sa akin. Pero ang nanguna sa listahan ay ang picture ni Joseph. Agad kong pinindot iyon para mapunta sa profile niya...

Dayne Joseph C. Vidal

|| FOLLOWS YOU ||

Umawang ang labi ko at tinakpan iyon gamit ang aking kamay. Pinigilan kong tumili pero grabe! Hindi ko mapigilan.

Si Joseph.. Finollow back ako? What?!!!!

Totoo ba to? Teka, almost 1k yung nagretweet sa ginawa kong doodle. Including Joseph. Hindi ko na ma-contain itong nararamdaman ko. Sobrang kilig! Feeling ko tuloy, abot kamay ko na si Joseph..,

@DayneJoseph: @footprintinthesandra your doodle makes my day complete. I appreciate your effort. I love you!

I love you!

I love you!

Did I read that right? Nag-I love you siya sakin? Wala na. May nanalo na. Sasabog na puso ko. Okay na sana e, kaso nung inopen ko yung profile niya, medyo nadisappoint ako. Di lang pala ako ang inaylabyuhan niya. Halos lahat din ng fangirls niya. Pero angat parin ako sa kanila... dahil ako, finollow back na niya ako.

Di ako makapaniwala sa mga nangyayari. Ang alam ko lang, gumawa ako ng doodle para kay Joseph. At pagkagising ko./. Boom! Yun na. nangyari na ang di dapat mangyari. Charot! Wala ng pagsisidlan ang tuwang aking nadarama. Nag-uumapaw na ang kaligayan ko. Malaking bagay na kasi yung pagkakafollow back niya sakin e.

--

MONDAY.

Hanggang sa school nag-uumapaw parin ang saya ko. Hindi ko mapigilan ang panakanaka kong pag ngiti.

"Be, baliw ka na." Sabi ni Jade—bestfriend/classmate ko. Fan din siya ng Kairos, si Kern ang bias niya. Kanina nga'y sinapak niya ako pagkadating ko sa school. Bakit bigla raw akong naging fan ng Kairos at halos sabunutan niya ako nang malaman niyang finollow ako ni Joseph.

"Tse! Di ako baliw no... Inlove lang." sabi ko naman sa kanya. Kaunti nalang ay kikislap na ang mga mata ko. Sinamaan lang ako ng tingin ni Jade. Sabay kagat ng sandwich niya. Kumain na rin ako ng recess.

"Oo nga pala, San..." May laman pa ang bibig niya nang makuha niya ang atensyon ko, inirapan ko siya at bahagyang natawa. Nilunok niya ang kanyang kinakain at itinuloy ang sinasabi,"Paturo daw si Joji mag-gitara." Sabi niya sabay punas sa magkabilang dulo ng kanyang labi.

"Kelan?" Kaklase ko si Joji. Lalaban kasi siya sa Mr. Instrams. Maggigitara daw sa talent portion.

"Ewan ko dun." Sabi niya.

"Okay." Tatanungin ko nalang siguro si Joji para malaman ko na rin kung anong itutugtog niya. Matapos ang ilang minuto, napagdesisyunan na naming bumalik ng classroom namin. Time na rin kasi.

--

"Buti ka pa no? Finollow back ka ni Joseph." Sabi ni Jade nung nakasakay na kami ng jeep pauwi, hindi parin yata maka-get over sa pagpa-followback sa akin ni Joseph. Miski naman ako. Hindi rin ako makapaniwala.

"Kaya nga e. Kinikilig parin ako."

"Sana ako din, mafollow back ni Kern." Ngumuso ang kaibigan ko. Siguro iniimagine niyang mafofollowback siya ni Kern? Pwede naman kasi.

"Magpapansin ka lang."

"Paano? Wala naman akong talent gaya mo." Nanghihinayang niyang sabi.

"Hindi naman kailangan ng talent para mapansin eh. Kung meant talagang mapansin ka niya, maraming paraan..." Sabi ko saka ko binuksan yung ipod at inilagay yung earphone ko.

"Pa-share!" kinuha ni Jade yung isang earphone.

"Wow! We could happen?" sabi niya. We could happen ang tugtog kasalukuyan, "Fan na fan ka na talaga. Anyare kay Hiro mo?"

"Secret." Sabi ko.

"Hindi ba eto yung favorite song nila?" sabi niya. Ang Kairos ang tinutukoy niya.

"Iyan nga."

"I-cover mo kaya to?" suggest niya.

Nagkatinginan kami ni Jade at sabay na nangiti. Ang gandang ideya, bestfriend!

"Tapos i-upload mo sa youtube. I-tag mo si Joseph mo!"

Why not?

--

Pagkarating ko sa bahay ay pinag-aralan ko yung chords ng we could happen. Inaral ko ng mabuti iyon. At nang saulo ko na ay nirecord ko na. Video + audio.

Mabuti nalang at hindi ko nakalimutan ang chords habang nirerecord ko. Okay lang naman ang kinalabasan. Di naman masagwa bukod sa mukha. Mabuti nalang nga at medyo nakapagpolbo ako at kaunting lip gloss.

Inupload ko sa youtube account ko. At saka tinweet ko si Joseph tungkol dun. Dinirect message ko na rin siya para sure na makita niya. Kinikilig ako.

Refresh ako ng refresh sa noti ko pero wala pang nakakapansin sa cover ko. Iisa palang ang view at ako pa iyon. Kaya't nagdesisyon akong kumain na muna.

An hour later, I check my twitter. Katatapos ko lang kumain at makapaghugas ng pinggan. Well, ang twitter ang dessert ko eh. Si Sunshine na yung naghugas ng pinggan, buti mabait siya ngayon. Agad-agad? 150 people followed me? Di nga? Andaming tweets na nakatag ako. Andaming mention may hashtag pang #WeCouldHappenCover. At nandun pa yung link ng video ko.

More than 200 na yung nagview. Kabilang kaya siya sa 200 na iyon?

I check his Twitter. May nakita akong tweet niya.

@DayneJoseph yung fan na kakantahan ka. (Vidlink) #WeCouldHappenCover

Ako ba yung tinutukoy niya dito? Di nga? Ako nga, naka-link yung video ko e. Gusto ko ulit tumili ng sobrang lakas! Ako na kinikilig. I receive a direct message from him.

Dayne Joseph:

"Thank you Sandra. I really appreciate it. Wag ka sanang magsawang sumuporta."

Wahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!! Kinilig ako grabe. Tinext ko agad si Jade.

To: Jade*

Best, Joseph DM-ed me! Naupload ko na yung video ko kasi. Hahaha!


Fangirling Overload [COMPLETED]Where stories live. Discover now