Chapter 8: Twelve Fangs

61 0 0
                                    


From this point on, I will be the one telling Bryant's story. Ayaw na niya pag-usapan ang bahaging ito, ngunit alam namin ang mga nangyari. Kami ang nag-imbistiga sa kaso ng nilipol na Scout Ranger Squad, ng kaso ni Lt. Sigma at sa buong conspiracy ng unang Super Soldier production.

My name is Rambo del Mundo, from Special Investigations Division. A former PSG member and was a part of the 8th Scout Ranger Squad Training Exercises. I haven't got the chance to be a part of the 12 Fangs, though; I bolted out after a recommission order from the north and got transferred to PSG.
Mula noon, sinundan ko na ang istoryang ito sa sarili kong paraan, mula sa loob, para malaman kung ano talaga ang totoong nangyayari. Kutob lamang ito noong simula, ngunit unti-unting luminaw ng simulan kong mag-research.

It's been two and a half years ago, but most of our searches were in vain, we couldn't find a single clue about what happened to the 12 Fangs of SRS. They were the crux of the matter, with the possibility of solving the conspiracy theory I was working on. All files were deleted and moved somewhere, even with an NBI friend, we couldn't get anywhere. Someone had to be behind all this, someone who didn't want things uncovered and exposed. Someone who had internal access or connections to internal affairs. Someone who might be in danger of removal if the case were to unravel. There were only a handful of divisions who knew about that particular SRS batch, the first and last batch under the mentorship of the Sigmas.

That was why we were very lucky when we found a survivor of the Northern Siege, two and a half years ago, in a small village by the countryside.

"Magandang araw. Kayo ho ba si Mr. Andre Solaris?" tanong ko sa lalaking inabutan naming nagpapaypay ng de uling ng kalan sa isang bukirin sa labas ng bayan. Medyo may karumihan ang kanyang naninilaw na puting longsleeve, bitin na pantalon, naka tsinelas, payat, mahaba ang buhok at makapal ang balbas. Isang mahabang patpat ang dinampot niya nang siya ay tumayo; paika-ika siyang lumapit sa akin at tinitigan ako ng malapitan. Maputi ang kanang mata niya, ang kaliwa nama'y tila may kalabuan din.

"Del Mundo?!" biglang sambit niya.

Nagulat ako. Paano nalaman ng lalaking ito kung sino ako?

"Magkakilala na ba tayo?"

Tumawa ng malakas ang lalaki. Napaupo siya sa silya at mangiyak-iyak sa kakatawa. Huminga muna ito ng malalim at saka nagpatuloy.

"Hindi ka pa rin nagbabago, hanggang ngayon, padalos-dalos ka pa rin."

Dumampot siya ng maliit na bato at biglang naging seryoso ang mukha.

"Narito ka ba para tapusin ako?" malumanay niyang tanong.

Hindi ko man naintindihan, sinagot ko na lamang.

"Hindi. Narito ako para sa ilang katanungan tungkol sa Northern Siege. Isa kayong dating sundalo hindi ba?"

Nanlilisik ang mga mata niya, pero unti-unti ring naging malumanay kasabay ng pagtapon sa maliit na bato na hawak niya.

"Maari mo ring sabihing gan'on nga."

Marahan niyang tinanggal kwintas na may tatlong dogtag na nasa leeg niya at inihagis sa akin.

"sa akin yung may tapyas. Yung dalawa ay sa mga kasama ko."

Laking gulat ko sa nalaman ko.

"G-Gary Presto?! Gary Presto ng 12 Fangs?!"

"12 Fangs? 'Yan na ba ang tawag nila sa amin? Hahaha mga pauso talaga ng Central."

"Gary, ano ang nangyari sa norte?"

"Ang norte, huh?" tinignan niya ko ng mabuti, 'di inalis ang tingin niya ni isang saglit. "Hindi sa nagtitiwala na ako sa'yo, wala na rin talaga akong pakialam kung mahanap na nila ako o hindi. Dati ka ring mag-aaral ng kapitan, hindi ba? Huwag mong kalilimutan."

Ikinuwento sa akin ni Gary ang mga naganap sa Northern Siege, dalawa't kalahating taon na ang nakalipas. Ang katotohanan.

Sinugod nila Gary, Renzo at Cheska ang Camp Agila. Maraming sundalo ang nagkakampo dito ngunit sa kakayahan ng SRS ay mabilis napasok ng tatlo ng front gate. Labing dalawang sundalong halimaw ang ineexperimantuhan doon ang nakasagupa nila. Napatay nila lahat, ngunit naging kapalit ang buhay ni Renzo. Naghiwalay ang dalawang natirang SRS. Si Gary ang bahala sa pagalam kung sino ang mastermind. Si Cheska ang bahala sa exit point. Tanging mga clues lamang ang nakuha ni Gary doon, wala ang mismong pangunahing tao.

Nang patakas na sila, dumating ang isa pang batch ng mga sundalong halimaw. Pinasabog ni Cheska ang lugar ngunit sa kasamaang palad, nasama siya sa pagsabog nito. Si Gary naman ay himalang nabuhay sa pangyayari.

Hindi tagumpay ang Northern Siege, ngunit sa mata ng nakararami, isang malagim na coup de etat ang naganap. Isang malaking kahihiyan sa panig ng Central ang mga pangyayari, tatlong tao laban sa isang lupon ng mga sundalo, kaya't hindi na ito ibinalita.

"Narinig ko ang nangyari kay Micah Sigma. Pinalabas nilang nasawi siya sa laban. Pero alam ko ang totoo. Mga Cloaker ang target nila. Ang mga Cloaker ng SRS."

"So, ikaw na nga lang ang natitira sa Scout Ranger Squad."

Muling tumawa ng malakas si Gary. "Hahahaha! Maaaring mahanap na nila ako ano mang oras. Lalo na ngayong nahanap mo na ako. Handa na rin ako, sa totoo lang. Pero nasisiguro kong hindi ako ang huling pangil ng Rangers."

I left the guy after another hour of talking. I didn't know if he was telling the truth or just plain crazy. But one thing was for sure: the Northern Siege really happened, and having lived through it surely meant something. After all, the guy was Gary Presto, the Tactician. I sure hoped to find more clues.

The next day's news were tragic. Gary was found dead, apparently from suicide. I went again to see the place; Gary wasn't the type who would do that. Deep in my gut, I knew it was murder.

The place was already clean when I arrived. It just strengthened my belief in foul play.

***

As the leadership of Central changed, we were able to move more freely in SID. But due to the scarcity of specialists in the field, it was very hard for us to manage the things. I didn't give up on the case. That was when the unexpected came.

One day, a soldier came in to sign up for SID. A ghost. His cold blue eyes were as dead as a dead man. Maybe the dead really came back to life, a ghost came back to haunt.

The last fang of the Scout Ranger Squad returned, but was very different from before.

Rico Bryant, the Ghost, came to our doorsteps.

Southern Cross: HitmanWhere stories live. Discover now