Chapter 4: Partner

52 1 0
                                    


Nasa gitna kami ng kagubatan. Isang oras na ang lumipas pagkatapos ibigay ng kapitan ang signal para magsimula na ang pagsusulit. Kakaibang pagsusulit na naman 'to gaya ng inaasahan.

Sabi ng kapitan, ang goal daw ay makakalap ng dalawang scarf, isang pula at isang asul; o maaari rin namang tatlong asul o labing-dalawang puntos. Para mangyari iyon, ang mga Spotter ay lilibot sa lugar habang ang mga Sniper ay maaari namang magtago. Ang pulang scar ay anim na puntos, at ang asul ay apat. Maaari raw kumuha ng scarf mula sa ibang Spotter, ngunit kailangang umuwi ang isa na may scarf kung hindi, may parusang naghihintay. Ang isa pa niyang sinabi ay: "Mag-ingat kayo kung kukuha kayo ng higit sa isang asul na scarf. Para manalo sa pustahan ang isang magkapares, kailangan lang nila ng labing-apat na puntos . Oo nga pala, ang mga scarf na yan ay may special na thermal ink na kapag hinawakan ay mag-a-activate. Sa oras na bitawan yan sa loob ng sampung segundo, magiging kulay itim ito at ikokonsidera na walang bisa."

Ibig sabihin, kailangang humanap ang Spotter ng kapares sa mga Sniper o kung hindi, kakailanganin niyang tumalo ng dalawa pang Spotter at umiwas sa mga Sniper na naghihintay naman na makabingwit ng madaling mga puntos. Hahanap ng kapares o gagawing ang misyon mag-isa at haharapin ang consequences ng misyon mag-isa. Tuso talaga ang kapitan. Mas naging interesante ang pagsusulit dahil dito.

Hindi naging madali para sa akin ang pagsusulit. Bilang isang Tracker na Sniper, madali akong nahahanahap ng mga Tracker. Dalawa na ang nag-alok ng pagiging partner, sina Simon at Marion, ngunit magiging problema kung tatlo kaming mga Tracker. Madali kaming makukuhanan ng scarf ng mga Sniper na may kapares na. Inaasahan ko nang may nahanap na si Jing na kapares, malamang si Norah. Si Gary ang inasahan kong mahanap ngunit di na siya kagaya noon na madaling maramdaman ang presensiya. Mukhang nagsanay nang mabuti ang loko, ang hirap na hanapin nang hindi ko ibinibigay ang aking posisyon.

Pero nakapagtataka. Kanina pa ko walang nasasalubong na kahit sino, tila walang nakakahanap sa akin. Nakatali pa rin sa leeg ko ang pulang scarf, malinis pa rin naman. Maglalabing-dalawang minuto na kong paikot-ikot na wala ring nakikita. Unti-unti kong pinakawalan ang aking Perimeter. Nakasagap ako ng dalawang palapit sa akin ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi ako mahanap ng kambal. Lokong Gary, hinanap ang kapatid kahit na siya dapat ang hahanapin.

Nasa itaas ako ng puno habang nagmamasid, sa sulok ng aking mga mata, sa kaliwa, may naaninag akong gumalaw na mga dahon. Agad kong pinuntahan nang tahimik.

"Pulang scarf?" sabi ng boses na narinig ko mula sa likod ko.

Nagulat ako. Isang magandang babae na nakasuot ng camouflage ng Army. Ang anak ng kapitan. Si Micah Sigma. Wala siyang scarf.

"Anong nangyari sa scarf mo? Nakuha ba sayo? Hindi ba't Spotter ka?" tanong ko.

Umiwas siya ng tingin na tila nahihiya. "...nahulog ko ata. Di ko mahanap..." tapat niyang sinabi.

"Hala! Malamang kulay itim na 'yon ngayon! Kung hindi ka makakahanap ng kapalit, mapaparusahan ka! Pero anak ka naman ng kapitan kaya siguro 'di naman gan'on kabigat ang magiging parusa mo."

"Lagot ako... Sa trabaho, walang pinipili si daddy. Kaya nga ko nag-Army e... Pero dito rin pala ko mauuwi..."

"Napansin mo bang may nakasunod sa'yo? Baka 'yon ang nakapulot ng scarf mo."

"Napansin? Wala kong napapansin. Wala kong nakita."

"E sa Perimeter mo?"

Napakamot siya sa ulo habang nakangisi. "Isa akong Cloaker e."

***

Natapos ang pagsusulit. Ang resulta ay:

SN Gerald Caringal - SP Jing Silang 14pts.
SN Norah Jacinto - SP Simon Pineda 10 pts.
SN Cheska Ramsey - SP Marion Pineda 10 pts.
SN Gary Presto - SP Barry Presto 10pts.
SN Capt. Arnold Sigma - SP Renzo Santos 10pts.

Mga naparusahan :
SN Rico Bryant - SP Micah Sigma 6pts.

Hindi niya rin sinabing hindi niya alam ang REM. Ibang klase.

Southern Cross: HitmanTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang