Chapter 13- Pagtatapos

32.6K 892 572
                                    

Nakita ni Brenda si Amanda sa gubat.

Agad niya itong tinawag.

Hindi ito lumapit sa kanya. Kaya siya na lamang ang lumapit dito.

"Amanda! Buti nakita kita...Hindi ko mahanap si Charity....", vasang-basa na si Brenda sa ulan.

"Talagang hindi mo na siya makikita...", sabi ni Amanda habang papalapit sa kinatatayuan ni Brenda.

"A-anong ibig mong sabihin?"

Imbes na sagutin ang tanong ni Brenda ay ubod lakas na hinampas ni Amanda si Brenda ng isang matigas na kahoy sa ulo. Nawalan ng malay si Brenda. Umagos ang dugo mula sa nahampas na ulo.

Wala na siyang matandaan...

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagising na lang si Brenda sa isang cellar. Madilim doon. At nakatali siya ng patayo.

Isang malakas na sampal ang lalong nagpagising sa kanyang diwa.

"Salamat naman at nagising kana, Brenda!", mabalasik na sabi ni Amanda.

"Hayop ka!!! Ano ito Amanda! Hayop ka!!!"

"Kayo ang hayop! Lalo kana! Bakit niyo nagawa iyon kay Lucas?! At dahil ikaw pala ang may pakana ng lahat..Papatayin kita!!!!"

Isang sampal pa at suntok ang natamo ni Brenda mula sa galit na galit na si Amanda.

"Demonyo ka Amanda!"

Tila baliw na sumigaw si Amanda....

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!"

"Hindi ako si Amanda!!!", sigaw pa nito.

"Baliw kana Amanda!!! BALIW!"

"Sabing hindi ako si Amandaaaaaaaaa!!!!"

"Baliww ka na talaga!"

"Talaga palang hindi mo ako nakikilala, Brenda...."

"A-anong pinagsasasabi m-mo....?"

"Hahahaha....Hindi ako si Amanda...Ako si LUCAS!"

"A-ano?! Ikaw si Lucas? H-hindi...Baliw ka na..Ginugulo mo ang utak ko p-para matulad na ako sa iyo na isang baliw!"

"Ako si Lucas, Brenda!"

"P-pero yan ang mukha ni Amanda...At isa pa..P-patay na si Lucas! Namatay siya sa nasusunog na kubo.."

InggitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon