Chapter 12- Bangin

28.1K 564 147
                                    

"Anong nangyari Amanda?", nag-aalalang tanong ni Brenda sa kaibigan.

"Ah..W-wala..May naalala lang ako bigla..", sagot nito.

Lumapit si Brenda kay Amanda.

"Akala ko kung ano nang nangyari sayo..."

"Wala ito, Brenda. Salamat..Uhm, Brenda..May itatanong lang sana ako sayo.."

"Ano iyon?"

"Brenda...Yung ginawa n-natin noon kay Lucas..Sino ang may pakana noon?"

Huminga ng malalim si Brenda bago sumagot.

"Sasabihin ko na ang totoo, Amanda. Ako ang may pakana ng lahat ng iyon..Gusto ko lang na malaman mo ang totoo..."

"Ikaw?"

Naputo ang pag-uusap nila ng biglang dumating si Charity. Mukhang nakakainom ito dahil sa mapungay na ang mga mata nito at amoy alak pa.

"Amanda..May wine ka pa ba? Wala na kasi akong makita sa kitchen..", tanong ni Charity.

"Charity..Your drunk..Tama na yan!"

"No! Gusto kong magpakalasing pa!"

Dahil sa taot na baka manggulo pa si Charity ay ibinigay nito ang isamg susi.

"Here..Susi ito sa stockroom ko. Marami doong stock na alak. Pero you have to walk to that forest to find my stockroom..", paliwanag ni Amanda.

Agad kinuha ni Charity ang susi at umalis na.

Ilang sandali pa ang lumipas.....

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Naghahanap ng alak si Charity sa stockroom. Tama nga si Amanda. Marami nga doong impoeted na wine. Marami siyang pagpipilian.

Binuksan niya ang isang aparador. Napasigaw siya sa nakita.

Sina Fritzy at Viola!

Patay na ang mga ito at nakakasuka ang hitsura ng mga ito. Pulos dugo ang katawan ng mga ito. Si Fritzy, may nakapulupot pang barbed wire sa mukha nito.

Muli siyang tumili. Natumba siya sa pag-atras.

Nakinig nina Amanda at Brenda ang pagsigaw ni Charity.

"Si Charity iyon Amanda!"

"Oo nga! Hanapin natin siya!"

Kumuha sila ng tig-isang flashlight. Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nasa bungad na sila ng gubat.

"Maghiwalay tayo ng paghahanap. Doon ka sa kaliwa, Brenda. Ako naman pupunta sa stockroom...Baka andun pa siya!", sabi ni Amanda.

Ganun nga ang ginawa nila.

Pagdating sa stockroom. Nakita ni Amanda si Charity na tulala.

Niyakap niya ito.

"Anong nangyari Charity?!"

Tinuro nito ang mga bangkay sa aparador.

"Oh my God!", natuptop ni Amanda ang bibig.

"Amanda..Sinong may gawa sa kanila!? Ayoko! Uuwi na ako!", histerikal na si Charity.

"Charity calm down! Malamang si Brenda ang may gawa niyan! I dont know her reasons pero..Kailangan nating makaalis dito..!"

"Si B-brenda?! Amanda..Tumakas na tayo.."

"Oo...Halika!", at lumabas na sila sa stockroom.

Panay ang takbo nilang dalawa.

Hanggang sa napatigil sila dahil sa nasa gilid na sila ng isang bangin.

"Amanda..Bangin na ito...", sabi ni Charity.

"Bakit? Bakit niyo iyon nagawa kay Lucas?!"

Natigilan si Charity. Nakakatakot ang hitsura ni Amanda. Punong-puno ng galit ang mga mata nito. Napaatras siya...

"A-manda..A-anong pinagsasabi mo?"

"Bakit niyo iyon nagawa! Bakeeeeeet??!!!!!"

At malakas na itinulak ni Amanda si Charity sa bangin. Nahulog ito at tumama ang ulo nito sa matutulis na bato sa ibaba.

Patay na ito..

Napangiti si Amanda...

Si Brenda na ang isusunod niya!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

MAS MARAMI PANG REBELASYON

ANG MALALAMAN...

ISANG TWIST ANG MAGAGANAP..

ANO KAYA ITO?

SUSUNOD NA ANG PAGTATAPOS..

pls.

read.

comment

vote.

InggitWhere stories live. Discover now