Chapter 5- Iyak

31.5K 472 69
                                    

Nagising si Brenda Ruiz ng gabing iyon. Papaano kasi ay nakarinig siya ng tila iyak ng isang babae. Nagmumula sa salas ng maliit na bahay nila ng asawang si Joel. Barung-barong sa isang squatter ang bahay nila. Salat sila sa pera.

Huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu.....

Nakakapangilabot ang boses niyon.

"Jomel, gising..."

"Mmmmm.."

"Jomel, gumising ka.."

Nagmulat ng mata si Jomel.

"Bakit ba Brenda?"

"May nakikinig akong umiiyak..."

"Wala naman ah..", at muli itong natulog.

Hindi mapakali si Brenda. Palakas kasi ng palakas ang iyak na nakikinig niya. Tila pumapasok sa kaibuturan ng tenga niya. Bumangon siya. Kahit nakaramdam ng takot ay nagtungo pa rin siya sa salas.

Binuksan niya ang ilaw. Tumigil na ang pag-iyak. Walang tao sa salas nila.

Pero laking gulat niya nang marinig muli ang iyak ng babae. Nagmumula naman iyon sa kwarto nila ni Jomel. Kasunod ang malakas na sigaw ni Jomel.

Dali-dali siyang tumakbo sa kwarto nila. Napasigaw siya ng makitang wala nang buhay si Jomel. Inatake ito sa puso!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

...sino nga ba talaga ang multong iyon?

MALAPIT NIYO NANG MALAMAN!

InggitHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin