Chapter 8- Babae sa Bintana

29.5K 433 60
                                    

"Ang ganda ng lugar na ito!", sbi ni Brenda habang ginagala ang kanyang paningin sa malawak na dagat.

"Akala ko ba isla ang nabili mo?", tanong ni Viola kay Amanda.

"Ah..Nakikita niyo ba yung islang yun..?", sabay turo ni Amanda sa isang may kalakihang isla sa gitna ng malawak na dagat. "Yun yung nabili ko..Bale itong beach property ito ni Roman, my dead boyfriend. And the villa-style house sa harap niyo ay ang tutuluyan natin for one week.."

Napatango ang lahat.

"So shall we..Tara na sa loob..", yaya ni Amanda sa mga kaibigan.

Papasok na sila sa loob ng mapansin nilang hindi umaalis sa kinatatayuan si Viola. Nakatingala ito at parang may tinitingnan na bintana sa second floor ng bahay.

"Viola!', tawag ni Charity.

Saka lang tila biglang natauhan si Viola.

"Ano bang tinitingnan mo dun sa itaas?", at tiningnan din ni Fritzy ang kaninay tinitingnan ni Viola. Pero wala itong nakitang anuman.

"May nakatira bang babae dyan sa bahay mo Amanda?"

"Wala. Bakit mo naman naitanong?"

"May nakita kasi akong babaeng nakaputi dun sa bintana sa 2nd floor eh.."

"Dont scare us Viola!", maarteng turan ni Charity.

"Lets go inside now..", si Amanda.

Walang nagawa si Viola kundi ang sumunod sa mga kaibigan.Sigurado siya sa nakita kanina. Isang babaeng nakaputi at nakasilip sa bintana. Pero nang tingnan niyang muli ay biglang nawala..

Inalis na lang niya sa isip ang nakita kanina. Inisip na lang niya na shes here para mag-enjoy.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

...ISANG MALALIM NA DAHILAN
KUNG BAKIT SUMUSUNOD SA
KANILA ANG MULTO NG BABAENG DUGUAN....

ANO NGA BA ITO?

InggitWhere stories live. Discover now